JULY 2017, Santa Catalina, Batangas. 10:30pm.
Pumireno sa harap ng bahay ng mga Santos ang itim na sasakyang mabilis na dumating. Pagbukas ng pinto'y agad namang bumaba rito si Xander na sinundan din ng mga bodyguards sa tabi. Kalalapag pa lamang niya ng chopper kanina nang bigla siyang binalitaan ng isang empleyado na may kaguluhan sa Santa Catalina. Hindi man niya ugaling magpasama sa mga tauhan ay nanigurado na tuloy siya't naghanda.
Ang kalat ng paligid. Hindi niya agad maintindihan kung ano ang nangyayari. Sa pagdako ng kanyang mga mata sa pintuan ng tahanan ay saka lang niya nasaksikan ang kaguluhang nagaganap. Doo'y nakita niyang nagkukumpul-kumpol ang mga 'di kilalang kalalakihan na panay ang pagtapon ng kagamitan sa labas.
"HEY!" Galaiti niyang tawag sa mga ito.
Dali-dali niyang tinakbo ang lugar at buong tapang na kinumpronta ang grupo.
"... Get out of that house!!"
Napatigil naman ang mga nagbabantay sa labas at kaagad na nagsulyapan ang mga kasapi ng pangkat. Lahat sila'y nagtatakang inusisa kung sino itong bagong dating na naguutos. Maging si Nanay Charito'y hindi rin makapaniwala sa pagkakita sa kanya ngunit dahil sa labis na takot ay hindi naman ito makakilos.
"Didn't you hear what I said?"
Wala ni isang naingli. Nagtinginan lamang ang mga ito sa isa't isa at pinanatili parin ang pagkakatayo sa pintuan.
"Who sent you?" Matalim pa niyang tanong.
Pero tikom parin ang bibig ng mga tauha't seryoso lang na tumitig sa kanya.
"No one's gonna answer me?" Patuloy ni Xander. "Hindi niyo ba 'ko kilala? O, gusto niyo pang magpakilala ako sa inyo?"
Dito nagkanya-kanya ng bulungan ang mga lalaking nagpulong. Maging ang mga kapitbahay na takot na takot ding nanonood ay napapasilip sa mga pintua't bintana upang maki-tsismis sa ingkwentro.
"Si Del Viñedo 'yan..."
"Oo, si Mr. del Viñedo..."
"Pare... malakas 'yang mga 'yan... dehado tayo..."
"Tara na 'tol, atras na..."
"Pero diba bilin ni Boss—"
"'Edi bahala ka, tapusin mo!"
Sa gitna ng pagsasagutang ito'y nagtangka na namang pumasok sa loob ng bahay ang isa sa mga kalalakihan. Hinaltak tuloy ni Xander ang baril ng katabing gwardya at agad itong itinutok sa gumalaw.
"Make one more wrong move..." malaman niyang banta rito.
Itinaas naman agad ng tauhan ang parehas nitong kamay at paatras na nanumbalik sa dating kinalalagyan.
Pero matigas parin ang lider ng nanggugulong samahan. May dala rin kasi itong baril sa sinturon at mukhang wala itong balak magpatalo.
"Are you gonna leave or do you want me to stick bullets into your heads?" Diin ng boses niya.
Nang walang gumalaw ay ikinasa niya ang hawak na armas at itinutok sa mismong pinuno. Nangunot tuloy ang noo nito ngunit nagpatuloy parin ang mama sa pakikipagtikisan. Tinabanan pa nito ng mahigpit ang dala-dalang sandata't tinaliman ang nanunudyok nitong tingin.
Sa gulat ng lahat ay bigla niyang kinalabit ang gatilyo't ipinutok ang baril sa sanga na nasa tuktok ng ilan. Napasigaw tuloy si Nanay Charito sa takot at napatakip nang mahigpit sa mga tainga. Tinamaan naman sa ulo ang mga naabutan ng nalaglag na kahoy na siyang nagpasimula sa pagkakagulo ng grupo.
"One..." kalmado niyang bigay ng ultimatum.
Sumunod niyang pinaputukan ang lupa sa paanan ng mga nasa unahan. Sumaboy tuloy sa ere ang buhangin at lalo itong nakapagpataranta sa nagsisi-atrasang masasamang loob.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomanceTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...