CHAPTER ONE

525 5 0
                                    


CHAPTER ONE

Dahil walang pasok ngayon ay late nang natulog si Samantha, inabot na ito ng madaling araw kaya ngayon ay tirik na tirik na ang araw ay ang himbing pa rin ng tulog nito. 

Pero ang mahimbing na tulog nito ay sisirain lang ng best friend nitong si Noah na malalakas ang mga yabag paakyat ng silid nito. 

Bata pa lang ay magkakilala at magkaibigan na ang kahit na magkaiba sila ng kasarian. Bestfriend din kasi ang kani-kanilang mga magulang kaya naipasa na sa kanilang dalawa ang pagiging magkaibigan.

Komportable na rin silang mag labas masok sa bahay or particullaly sa silid ng isa't-isa. 

Ok lang sa mga magulang nila dahil may tiwala ang mga ito sa kanilang dalawa na wala silang gagawin na hindi tama lalo na't nasa edad na sila. 

Si Samatha ay 16 years old na nasa grade 11 na at si Noah ay 17 years old na nasa grade 12 naman.

Pero kahit bestfriend silang dalawa at nagkasundo sila na walang talo-talo ay hindi naiwasan ni Samantha na magkaroon ng paghanga kay Noah pero hindi naman ganun kaseryoso ang nararamdaman nito sa kaibigan—kung baga ay normal na paghanga lang.

Hindi naiwasan ni Samantha humanga sa kaibigan dahil maliban kasi sa gwapo si Noah ay magaling din ito sa iba pang mga bagay tulad ng soccer, taekwondo at marami pang iba kaso ang problema lang ay mahilig din ito mag-ipon ng mga babae. Hobby na ata nito ang pakikipag-flirt sa iba't-ibang babae.

"COME ON SLEEPYHEAD TIME TO GET UP!" Malakas na sigaw na pambubulabog ni Noah sa kaibigan pagkabukas nito ng pinto sabay takbo sa kama nito then umakyat saka tumalon talon.

Inis na inis na napatakip  ng mukha si Samantha. "NOAH!!!!!" Galit na sigaw para sawayin ito.

Pero hindi ito at mas tinaasan pa nito ang talon para mas malakad ang impact ng bagsak.

Tinangal niya ang unan sa mukha at nanlilisik ang mga matang tinitigan niya ito. "NOAH ano ba! STOP IT!!!!" Halos maputol ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit.

Pero embes na matakot ay lumapad lang ang ngiti ng kaibigan na tinigil naman na nito ang pagtalon-talon.

Naupo ito sa dulong bahagi ng kama, tinitigan siya at humalukipkip. 

"NOAH STOP IT!" Pang-aasar na ginaya nito ang boses at itsura niya.

Mas lalo siyang nainis. "Ano ba ang kailangan mo at ang aga-aga napadpad ka dito?" Nakasalubong ang kilay niya.

"Anong maaga ka diyan! Hello! Alas dyes na kaya!"

Mas lumalim ang pagkakakunot ng noo niya sabay lingon sa relo sa bedside table. Nang makitang alas dyes na nga ay hindi na siya nagulat dahil late na rin naman talaga siya natulog. 

Ginaya niya ang pagkakahalukipkip nito "Oh e ano naman ngayon kung alas dyes na!" Aniya pero nginisihan lang siya nito, mas naasar lang siya kapag ganun ang itsura nito. "Ano ba kasi ang kailangan mo?"

"Gusto lang kitang makita—" Nairita siya dahil sa sagot nito.

"Pwede ba Noah, kung may kailangan ka deretsahin mo na hindi yong ang dami mo pang pasakalye." Alam na niya ang liko ng bituka nito.

Isang mesteryosong ngisi ang sinagot nito bago ito tumayo at hinila siya patayo. 

"Toothbrush ka muna, amoy panis na laway ka." Anito na nagtakip pa nang ilong.

"Ang kapal ng mukha mo!" Galit na sabi naman niya. 

Kung makapangbaho kasi ito para namang mabango ang hininga nito pagkagising, mas malupit pa nga ito dahil pati unan nito ay amoy laway. 

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon