"So ano ang problema mo?" Tanong ng kaibigan ni Shawn na si Francis sa kanya ng dumating ito Bar na tinatambayan nila.
Niyaya niya kasi ito para mag-inom dahil nga sa malaki niyang problema.
Hindi siya agad sumagot at nilagok muna ang beer na inorder. "I think I'm inlove." Anito na tumingin pa sa mukha ng kaibigan.
Napataaas naman ang isang kilay ni Francis. "Inlove? Talaga? Wow!" Reaksyon nito.
Huminga muna ito ng malalim. "Bro, this time hindi na ako nabibiro – Inlove na talaga ako."
Napakunot tuloy ng noo si Francis at saglit na inobserbahan nito si Shawn kung seryoso nga ba ito o nabibiro nanaman.
Madalas kasing mabiro sa mga kaibigan si Shawn na inlove na siya at madalas silang ginogood time nito – tulad ng huli sabi nito ay may girlfriend na ito at magkasama na silang nakatira sa iisang bubong but it turns out na kinakapatid lang pala nito ang tinutukoy na gingoodtime din nito.
"Seryoso ka ba talaga bro?" Maya-maya'y tanong ni Francis dahil talagang seryoso ito at ibang-iba ang aura nito ngayon kesa sa mga dati na kapag nagbibiro itong inlove na.
Mabilis na dalawang magkasunod na tango ang isinagot ni Shawn.
"Ka-kanino?"
"Kay – Samantha..."
"Samantha?" Ulit ni Francis sa pangalan na binangit nito. "Samantha? Ahh ... 'yon kinakapatid mo?" Biglang bulaslas nito nang maalala kung sinong Samantha ang tinutukoy ng kaibigan.
Muling tumango si Shawn.
"Why? How?" Hindi alam ni Francis kung ano ang itatanong. "I mean –"
"Bro hindi ko alam kung ano ang nangyari, hindi ko alam kung bakit ako nainlove sa kanya, ang tagal na naming magkakilala – nagchachat pa kami minsan pero hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naramdaman ito sa kanya." Putol nito sa sinasabi ng kaibigan sabay muling inom pa ng beer na hindi na niya isinalin sa baso at sa bote na mismo uminom.
Isang malalim na buntong hininga naman muna ang pinakawalan ni Francis bago nagsalita. "Baka naman kasi bro matagal ka nang may gusto sa kanya pero hindi mo lang narerealized o tinatangap sa sarili mo." Wika ni Francis.
Nagsalubong tuloy ang kilay ni Shawn dahil parang bumalik tuloy sa kanya ang mga sinabi niya kay Sam noon tungkol sa hindi pa narerealized na feeling nito at ni Noah sa isa't-isa.
Ganon nga ba ang nangyari sa kanya?
FLASH BACK
Dahil sa close na close ang Mama nina Shawn at Sam ay madalas na dumadalaw sina Shawn sa bahay nina Sam or kaya vice versa naman, kaya nagbinata na siya na madalas niyang nakikita si Sam.
Cute ito lalo na ng bata pa ito kaya madalas siyang nakikipaglaro dito kahit na mas matanda siya dito ng anim na taon at hindi na niya trip ang mga gusto nitong laro.
May time pa na naging crush siya ni Sam at sinabi pa nito sa kanya na siya ang gusto nitong pakasalan paglaki na hindi naman niya sineryoso dahil bata pa ito at alam niyang magbabago pa ang nararamdaman nito para sa kanya – kung baga puppy love siya nito.
Pero habang lumalaki ito ay mas lalo itong gumaganda at syempre dahil close nga siya dito ay parang may something na namumuo na siyang nararamdaman para dito kaya naman ng unti-unti nang lumlalim ang kakaibang damdamin na nararamdaman niya para dito ay tumigil na siya sa pagsama sa Mama niya.
BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.