CHAPTER NINE
"Umamin ka nga sa'kin anong mayron kayo ng Shawn na iyon?" Agad na pangongompronta ni Noah kay Sam ng makapasok na sila sa loob ng kwarto ng dalaga.
Hindi maipaliwanag ni Noah ang naramdaman na inis ng makita niya ang posisyon nina Sam at Shawn na naabutan niya kanina kaya agad-agad niyang hinila (as in yong hila na akala mo nahuli niya ang asawa niya na may kadate na iba.) ang dalaga papasok dito sa kwarto nito.
"Anong ibig mong sabihin na anong mayron kami ni Shawn?" Takang ulit ni Sam sa tanong ni Noah dahil hindi niya ito maintindihan.
"Relasyon!"
"Relasyon!?" Hindi makapaniwalang muling ulit nanaman niya sa sinabi ng binata.
"Ano ba Sam inuulit mo lang ang sinasabi ko ha!" Reklamo nito.
"E, panong hindi ko uulit ang sinasabi mo e, napakanonsense!"
"Anong nonsense dun?"
"Nonsense dahil, kinakapatid ko 'yon tao kaya ano naman ang magiging ibang relasyon naming dalawa?"
"So ang ibig mong sabihin pala walang namamagitan sa inyo na kahit ano?"
"Wala." Nakataas ang isang kilay na mainahon na sagot ni Sam.
"Wala daw!" Hindi naniniwalang sabi ni Noah. "Anong wala, e kung hindi pa ako dumating kanina maghahalikan na kayo ng lalaking iyon!" Dugtong pa niya na hindi naman pagalit o 'yong tipong nagseselos.
"Wow ang dumi naman ng isip mo ha!"
"Hindi madumi ang isip ko, nagbabase lang ako sa nakikita ko!" Sagot nito.
"Ohhh... so kapag nakita mo pala na ganong ang posisyon namin ng aso iisipin mo hahalikan ko 'yong aso!"
Bigla tuloy siya na natamimi dahil sa sinabi ni Sam at ayaw man nyang tangapin ay tama ito.
"Oh, ano natamimi ka diyan! Tama ako diba! – Ang dumi lang talaga kasi ng isip mo." Muling saad ni Sam dahil sa hindi niya pag-imik.
Napangiwi tuloy siya sabay talikod sa dalaga. "Oo na.." Pag-amin niya sa pagkakamali. "E, kasi naman bakit ganon ang pwesto niyo?"
"Oy! Bakit selos ka." Biglang pang-aasar ni Sam kaya napabalik ang tingin ni Noah dito.
"Oy! Ang kapal! Bakit naman ako magseselos?"
"E, bakit kasi ganyan ka makareact dahil lang dun?"
"Syempre you're my girlfriend –"
"Excuse me lang ha, fake girlfriend.." Pagtatama ni Sam sa girlfriend thing nila ni Noah.
Lingid naman sa kaalaman ng dalawa ay nasa labas lang ng pinto ng kwaro ni Sam si Shawn at nakikinig sa usapan ng dalawa na ngayo'y napatunayan na nga nito na tama nga ang kanyang hinila tungkol sa relasyon nina Sam at Noah. It's a fake.
Isang ngisi ang gumuhit sa labi nito saka naglakad na ito pabalik sa sariling silid.
"O, e di fake girlfriend kung fake girlfriend... so yon nga fake girlfriend kita diba so masamang tingnan na nakikipaglandian ka sa iba diba –" Pagpapatuloy ni Noah sa sinasabi.
"Excuse me lang ha, hindi ako nakikipaglandian saka... teka nga lang akala ko ba magpapakabait ka na sa'kin e, bakit ngayon inaaway mo ako at oo nga din pala may atraso ka pa sa'kin ha!" Putol na pangongompronta ni Sam dito dahil mukhang nakalimutan na nito ang pangako nito kanina na hindi na siya nito aawayin.
At mukhang nakalimutan na rin nito ang atraso nito kanina na bigla na lang siyang halikan nito sa pisngi.
Dahil sa mga tinuran na iyon ni Sam ay agad na napakagat sa labi si Noah at saka mabilis nang sumibat.
"Hoy Noah Saan ka pupunta?" Nanlalaki ang mata na sigaw ni Sam pero wala na mabilis nang nakalabas si Noah kaya napailing-iling na siya.
* * * * *
Kinabukasan ay laking gulat ni Sam ng pagbukas niya ng pinto ng kwarto niya ay nabungaran niya si Shawn na na nakasandal sa pader na katabi ng pinto ng kanyang silid.
"O, Shawn ano ginagawa mo diyan?" Takang tanong niya dito.
Hindi gumalaw ang binata sa pagkakasandal at tumingin lang sa kanya. "I need to talk to you.." Anito at saka lang ito umayos sa pagkakatayo at sabay hawak sa braso niya at hinila siya nito papasok ulit sa loob ng kanyang silid.
"Talk to me?" Ulit niya sa sinabi nito habang nakasalubong ang kilay ng nasa loob na ulit sila ng kanyang silid.
Mabilis na tumango-tango si Shawn.
"Ano naman pag-uusapan natin?" Takang tanong niya.
"Tungkol sa inyo ni Noah."
Lalong nagsalubong ang kilay niya. So hanggang ngayon pala issue pa rin nito ang tungkol sa kanila ni Noah.
"Shawn sabi ko naman sayo diba na totoo ngang boyfriend ko –"
Nang bigla siyang napatigil sa pagsasalita dahil sa bigla pag play ni Shawn ng isang recording.
Ang recording na iyon ay ang conversation nina Sam at Noah at rinig na rinig doon ang pagkakasabi ng dalaga na fake girlfriend lang siya ni Noah.
Nanlaki ang mga mata ni Sam dahil sa narinig. "OMG!" Reaksyon pa niya dahil sa narinig.
Isang napakalapad na ngiti naman ang agad na gumuhit sa labi ni Shawn sabay sabi na. "So pano ba yan Sam I descovered it on my own.. so tulad ng sinabi ko kahapon ibubunyag ko ang sekreto niyo kapag ako mismo ang naka –"
Hindi na pinatapos ni Sam si Shawn sa sinasabi nito at bigla siyang napahawak sa kamay nito. "Shawn please –" Pakiusap niya dito.
"Please?" Ulit ng binata na tumaas pa ang isang kilay.
"Please don't tell them..." Patuloy ni Sam sa pakiusap dito.
Biglang napangisi naman si Shawn at saglit na tumahimik.
"At ano naman ang kapalit kapag hindi ko sinabi?" Maya-maya'y tanong nito sa dalaga.
Napakagat tuloy sa labi si Sam sabay napahawak sa batok at saglit na napaisip. "Gagawin ko lahat ng gusto mo." Sagot niya.
Hindi niya alam kung bakit nasabi niya iyon? Hindi rin niya alam kung bakit ba niya pinoprotektahan ang pagpapangap nila na iyon ni Noah samantalang in favor naman sa kanya kung sakaling ibubunyag nga ni Shawn sa lahat na hindi totoo ang relasyon nilang dalawa.
"Gagawin mo ang lahat?" Ulit ni Shawn sa sinabi niya sabay tawa ng malakas. "Wow!"
Isang buntong hininga ng malalim. Napasubo na siya e, kaya itutuloy na niya.
"Oo basta please secret lang natin ito." Sagot niya na hindi na siya sure kung tama pa ba ang ginagawa niya. Nababaliw na nga ata siguro siya dahil sa ginagawa niya.
Nang walang sabi-sabi at bigla na lang siyang niyakap ni Shawn kaya sa sobrang gulat niya ay hindi siya agad nakapalag at sakto naman ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid.
"Sam!!!" Galit na galit na sigaw ng nag bumukas ng pinto.
©2018

BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.