Kanina pa nakaupo na magkaharap sina Sam at Noah sa loob ng Jollibee at parang nagpapakiramdaman silang dalawa kung sino ang unang magsasalita.
After kasi ng klase nila kanina ay niyaya ni Sam si Noah na mag-usap sila kaya dito sila sa Jollibee napunta.
"So..." Basag ni Noah sa katahimikan na namamayani sa kanilang dalawa. "Ano ang pag-uusapan natin?"
Huminga muna ng malalim si Sam bago sumagot. "Uhmm... tungkol sa suggestion mo kanina." Sagot nito.
Nanlaki ang mga mata ni Noah pagkarinig sa sanabi ni Sam. "Nakapagdesesyon ka na?" Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya at parang nanginig ang kamay niya kaya agad niya iyon itinago.
"Yeah." Sagot naman ng dalaga.
"So?" Kinakabahan man ay pilit pa rin nag-aktong normal si Noah.
"Hmmmm... alam mo Noah gusto ko talagang ligawan ako – I mean sino ba naman ang babaeng ayaw na liniligawan diba?"
"Sam, liligawan pa rin naman kita kahit maging tayo na muna at saka kung gusto mo kahit forever pa ay liligaw kita."
"Wow forever talaga? Para naman siguradong-sigurado ka na tayo na talaga ang –"
"Sam, hindi ako basta-basta naiinlove kahit kanino kaya nang maramdaman ko ito – at sayo pa – alam ko sa sarili ko na ikaw na ang forever ko – dahil iisa lang ang puso ko kaya iisang babae lang ang mamahalin nito hanggang kamatayan."
Hindi tuloy maiwasan ni Sam na hindi kiligin dahil sa mga sinabi ni Noah. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin – pero kahit ang ganda sa pandingin at nakakakilig ay hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ito – hindi niya alam kung talagang mangyayari iyon na siya lang talaga ang mamahalin nito.
Wala naman kasi ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari in the future kaya mahirap umasa sa isang matamis na salita – baka kasi nasasabi lang iyon ni Noah dahil tulad nga ng sinabi nga nito ay bago pa lang ang pakiramdam na iyon para dito – well anyway maging sa kanya din naman e, bago din sa kanya ang pakiramdaman na iyon dahil hindi pa rin din naman siya naiinlove – pero ni minsan ay hindi man lang sumagi sa isip niya ang tulad na naiisip ni Noah na forever.
"Noah, 'wag ka muna magsalita ng patapos – mga bata pa tayo para sa mga ganyang bagay."
"Sinasabi ko lang naman ang nararamdaman ko e." Sagot ni Noah na medyo lumungkot ang mukha.
"Ok sige, sige na ang mabuti pa 'wag na muna nating pag-usapan ang mga bagay na 'yan – ang pag-uusapan natin e, ang naging desesyon ko sa suggestion mo kanina."
Biglang umaliwalas ang mukha ng binata sa sinabi ni Sam at titig na titig sa dalaga.
"Uhmmm... well sige pumapayag na ako sa suggestion mo."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Noah at wala sa sariling napanganga siya at natulala. Hindi niya alam kung paano siya magrereact – kung magpapasalamat lang ba kay Sam? Kung tatalong ba siya sa tuwa? Kung sisigaw ba siya?
Hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin at para siyang kinakapos ng hininga dahil sa sobrang sayang nararamdaman.
"Noah? Ok ka lang?" Tanong ni Sam dahil sa pagkakatulala ng binata.
Hindi pa rin makatugon si Noah at lumipas pa ang ilang segundo bago ito gumalaw sabay tayo at talon na may kasamang sigaw na "YES!! YES!! WOOHH!!!" Tuwang-tuwang sigaw nito na ikinagulat ni Sam.

BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.