CHAPTER SEVEN

73 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN


"Sam... ano ba sorry na..." Habol na paghingi ng tawad ni Noah sa dalaga.

"Sorry-hin mo ang mukha mo!" Singhal na sagot naman ni Sam na hindi na nag-abala pang huminto at tumingin kay Noah.

Ang kapal naman kasi ng mukha ng lalaking ito. Pagkatapos siya nitong laitin tapos ngayon magsosorry ito sa kanya. Pwes! Manigas siya dahil hindi niya ito papatawarin.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at mas binilisan pa niya pero mukhang hindi din susuko si Noah dahil binilisan din nito ang paglalakad at talagang hinahabol siya at nang mahabol na siya ay sabay hablot nito ng kanyang braso.

Sa sobrang lakas ng pagkakahablot nito ng braso niya ay hindi niya nakontrol ang kanyang sarili at dumeretso siya sa braso nito.

Pagkasalo nito sa kanya ay nagtama ang kanilang mga mata.

Ang sweet na sana kaso bigla itong ngumisi kaya agad siyang natauhan at mabilis na tumayo ng maayos.

"Kinilig ka ano!" Biglang pang-aasar nito sa kanya na parang nakalimutan na nito na galit siya dito.

Tinaasan niya tuloy ito ng kilay. "At bakit naman ako kikilig sayo!?" Nanlalaki pa ang matang saad niya.

"Syempre parang eksena sa pelikula ang nangyari kanina... kunwari pinipigilan kita tapos –"

"Wow! Pwede ba 'wag ka na ngang magsayang ng imagination mo dahil hindi ako kinilig! Actually kinilabutan pa nga ako e!" Putol niya sa sinasabi nito na ikukumpara pa sa pelikula ang nangyari kanina.

"Wow! kinilabutan –"

Umismid siya sabay putol sa sasabihin pa sana nito. "Here maghanap ka ng kausap mo!" Aniya sabay kuha ng barya sa bag niya at inabot dito ang limang pisong nadampot saka muli na siyang tumalikod dito at nagmarsha ulit palayo.


* * * * *


"O bakit parang hindi maipinta 'yang pagmumukha mo?" Punang tanong ni Alvin kay Noah pagdating nito sa classroom nila.

"Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae kung bakit ang hirap-hirap amuhin." Umiling-iling na wala sa sariling wika ni Noah.

"Aha! May LQ kayo ni Sam?" Bulaslas naman ni Alvin na agad na nahulaan kung ano ang problema ng kaibigan.

"Nakakainis! Ang bilis naman niyang mapikon." Saad nanaman ni Noah na hindi pa rin tumitingin kay Alvin na parang may iba itong kausap.

"Woah! Mukhang malalala 'ata pinag-awayan niyo ha."

Napahawak sa batok si Noah sabay tingin na sa kaibigan. "Ay Ewan! Bahala siya sa buhay niya!"

Biglang napakamot tuloy sa batok si Alvin dahil sa tinuran niya. "Ano ba kasi ang pinag-awayan niyo?" Usisa nito.

"Wag mo nang alamin, hindi mo rin maiintindihan kapag sinabi ko sayo."

"Wow bro so may sekre-sekreto na pala..."

"Hindi naman sa ganon kaya lang....."

"Kaya lang ano...."

Natigilan bigla siya at hindi alam kung sasabihin ba niya kay Alvin ang deal nila ni Sam para maintindihan nito kung ano problema nila ni Sam o hindi?

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon