CHAPTER TWENTY

57 0 0
                                    


Habang papasok sa kwarto ay hindi maiwasan ni Sam na hindi mapalingon sa silid ni Shawn. Nagsalubong din ang kilay niya dahil hindi niya magets ang naging reaksyon nito kanina ng ibinalita niya dito ang tungkol sa magandang nangyari sa buhay niya.

"Hay naku ano ka ba Sam. Nagulat lang iyon." Sabi na lang niya sa sarili saka inalis na niya ang tingin sa kwarto ni Shawn at itinuloy na ang pagpasok sa sariling silid.

Pagkapasok niya ay sakto naman ang pagring ng cellphone niya mabilis siyang lumapit dito at ng makitang si Noah ang tumatawag ay agad niya itong dinampot at sinagot.

"Hello." Malalapad ang ngiti na bating sagot niya dito.

"Hi." Ganting bati din ni Noah na nasa kabilang linya.

"Bakit?"

"Namiss lang kasi kita." Sagot naman ni Noah na corny pero para sa mga taong inlove ay nakakakilig.

"Sus 'kaw naman wala pa ngang dalawang oras ng maghiwalay tayo namiss mo na agad ako – bolero!"

"Ito naman, alam mo kapag gusto mo ang isang tao kahit segundo pa 'yan na mawala siya paningin mo namimiss mo na agad."

"Wow, Noah – kailan ka pa naging corny at cheesy?"

"Sam naman... minsan lang tayo maiinlove kaya ano ba naman ang miminsan sa tanang buhay natin ang maging corny at cheesy kung para naman sa taong mahal mo." Sagot pa ni Noah.

Napailing-iling tuloy si Sam dahil sa tinuran ni Noah. Hindi kasi siya makapaniwala na ang isang NOAH ay magiging corny at cheesy ng ganito.

"Siguro hindi mo naman talaga ako mahal kaya nacocornihan ka sa'kin." Biglang paratang nito sa kanya.

"Oy grabe nanghusga agad. Noah magkaiba lang talaga kasi tayo ng pagpapakita at pagpaparamdam ng pagmamahal natin." Mabilis na pagtatangol niya sa sarili.

"E, yon naman pala.. e wag mo na akong pakialaman kung corny man o cheesy ako. Basta ang mahalaga ay I like you – you like me."

Napangiti at napailing-iling na lang tuloy si Sam at hindi na nakipagtalo pa kay Noah. Respeto na lang din kung paano nga nito gustong iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito.


* * * * *


Kinabukasan ay maaga pa lang ay nakagayak ni Sam dahil medyo excited siya sa first day bilang totoong girlfriend ni Noah. Hindi niya maipaliwanag ang galak at excitement na nararamdaman.

Samantalang si Shawn naman ay maaga pa lang ay hindi na makapakali, hindi rin siya nakatulog ng maayos ng gabi. Hindi niya alam kung bakit? Basta may nararamdaman siyang parang may mali, parang may hindi tama sa kanya, hindi lang niya alam kung ano.

Saktong sabay na lumabas ng kani-kanilang silid sina Sam at Shawn, napatigin sila sa isa't-isa at nagtama ang kanilang mga mata.

Nagulat pa si Shawn ng magtama ang mga mata nila ni Sam pero agad din naman siyang nakabawi at mabilis na napababa ng tingin saka mabilis na muling bumalik sa loob ng kanyang silid samantalang si Sam naman ay napakunot ng noo dahil sa pagtataka dahil sa kakaibang kinikilos ng kinakapatid na nagsimula pa kagabi.

"Ano kaya ang problema ng lalaking 'yon?" Tanong niya sa sarili na napakamot pa sa ulo at napailing-iling pa pero hindi na niya masyadong binigyan ng atensyon iyon at nagpatuloy na siya sa pagbaba.

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon