CHAPTER SEVENTEEN

52 0 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN


Sa umpisa ang plano talagang komprontahin ni Noah ay Shawn pero habang nasa byahe siya ay napagisip-isip niya na hindi dapat si Shawn ang kausapin niya kundi si Sam, kaya naman pagdating niya sa bahay nina Sam ay agad niya itong hinanap at ang una niyang pinuntahan ay ang silid nito pero wala ito doon kaya napakunot siya ng noo.

"Saan kaya ang babaeng iyon?" Hindi maipaliwanag ang reaksyon ng kanyang mukha na tanong niya sa sarili. Saka dali-daling pumunta sa likod ng bahay ng mga ito at doon nga niya naabutan itong nakaupo habang kausap si Shawn.

Isang hindi maipaliwanag na damdamin ang naramdaman niya habang nakamasid sa dalawa na masaya at nagtatawanan pang nag-uusap. Napakuyom pa siya ng kamao at napakagat ng ibabang labi, bumilis din ang paghinga niya dahil sa pagpipigil sa kung ano man ang inis na nararamdaman niya sa mga oras na ito.

Hindi siya makapagdesesyon kung lalapit ba siya sa mga ito o aalis na lang pero – bakit naman siya aalis? Saka kailangan niyang makausap si Sam, dahil may kailangan siyang linawin sa kanyang sarili na tanging ito lang ang makakapagbigay ng linaw.

Tama, now or never.

Huminga muna siya ng malalim para kalmahin ang sarili, at nang naging okay na siya ay dahan-dahan siyang naglakad palapit kina Sam at Shawn. Nang medyo malapit na siya napansin siya ng mga ito kaya napatingin sa kanya ang dalawa.

Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mukha ni Sam ng makita siya, pero agad din naman nawala iyon at napalitan ng alanganing ngiti.

"Noah – anong ginagawa mo dito?" Tanong nito.

"Pwede ka bang makausap?" Mahina at malumanay na aniya dito sabay baling ng tingin kay Shawn na ngiting-ngiti kaya napakunot tuloy siya ng noo dahil sa pagkakangiti nito.

"Hmmm bakit?" Tanong ni Sam kaya bumalik ang tingin dito ni Noah.

"Basta..." Sagot lang ng binata.

Napatingin naman si Sam kay Shawn na parang humihingi dito ng permiso kaya napataas ng kilay si Noah.

Nang tumango si Shawn kay Sam ay saka lang muling binaling ng dalaga ang tingin kay Noah sabay sagot na. "Okay." Saka tumayo na ito. "Saan tayo mag-uusap?" Tanong pa nito.

"Sa kwarto mo na lang." Sagot ni Noah.


* * * * *


Nang pareho nang nasa loob ng kwarto sina Sam at Noah ay agad na sinara ng huli ang pinto.

"So ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ni Sam kay Noah pagkasara nito ng pinto.

Pero embes na sumagot ay naglakad palapit si Noah kay Sam sabay yakap sa dalaga.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Sam dahil sa pagyakap sa kanya ni Noah, bumilis din ang tibok ng puso niya na parang may nagkakarera. Hindi niya maipaliwanag ang kiliti na nararamdaman niya sa kanyang tiyan at ang kakaibang kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan lalo na ng humigpit pa ang pagkakayakap sa kanya ng binata.

Samantalang si Noah ay bumilis din ang tibok ng kanyang puso dahil pagyakap niya na iyon kay Sam at parang may libo-libong boltahe ng kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan kaya ngayon ay nalinawan na siya sa kakaibang damdamin na nararamdaman niya para kay Sam na gumugulo sa kanya. Ngayon ay alam na niya – ngayon ay sigurado na siya ... INLOVE na nga siya kay Sam. Hindi niya alam kung paano at kung kailan nagumpisa basta naramdaman na lang niya ito bigla.

Hindi niya lubos maisip na mahuhulog siya kay Sam, samantalang hindi naman ito ang mga tipo ng babaeng type niya pero wala na siyang magagawa – hindi naman niya kayang turuan ang puso – hindi naman niya kayang diktahan ito, kaya susundin na lang niya ito. Mahirap kasi kapag pinigilan niya dahil siya din naman ang magsusuffer.

Ang pag-ibig talagang ay sadyang misteryoso – hindi mo kasi alam kung sino ang mamahalin mo. Ito'y mapaglaro din dahil minsan sa 'di mo inaasahan na tao ay doon ka pa mahuhulog.

Agad na napakalas sa pagkakayakap si Noah kay Sam at hinawakan niya ang mga kamay nito.

"Alam ko mahirap paniwalaan, dahil kahit ako hindi ako makapaniwala pero – hindi ko na kayang pigilan ito e, hindi ko kayang itago pa – para na akong sasabog kapag pinigilan ko pa – para na akong mababaliw kapag hindi ko pa tinanggap ang katotohan ... Sam – I like you.. " Wala nang paligoy-ligoy pang pag-amin ni Noah sa nararamdaman para sa dalaga.

Biglang napalunok naman si Sam dahil sa pag-amin na iyon ni Noah, hindi niya alam kung paano siya magrereact at kung ano ang isasagot niya kaya nakatulala at nakatitig lang siya dito.

"Sam .... Gusto mo rin ba ako?" Deretsang dagdag na tanong pa nito na kinalaki naman ng mga mata ni Sam.

Hindi niya kasi inaasahan at parang ang bilis ng mga pangyyari at tinatanong na siya ni Noah kung ano rin ang nararamdaman niya para dito. Oo, gusto din niya ito pero – handa na nga ba siya? Kaya ba niyang sumugal?

Sa bilis kasi ng mga pangyayari ay hindi na siya makapag-isip ng maayos, hindi na siya makapagdesesyon ng maayos.

"O si Shawn ang gusto mo?" Agad na dugtong na tanong ni Noah ng hindi sumagot si Sam.

Kitang-kita ni Sam ang lungkot sa mga mata ni Noah dahil sa huling tanong na iyon.

"Noah... " Sambit lang niya sa pangalan nito pero hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin niya.

"Sam ... kahit kailan hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa kahit kaninong babae –hindi pa ako nagkakagusto ng ganito – hindi pa ako nakaramdam ng ganitong katinding selos – bago sa'kin ang lahat na ito Sam..." Muling wika ni Noah. "Hindi ko alam kung bakit ikaw pa! 'Ni wala ka nga sa kalingkingan ng babaeng pinapangarap ko pero – anong magagawa ko puso ko ang namili kung sino ang mamahalin ko." Dagdag pa niya na pinisil pa niya ang kamay ni Sam na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya.

"Sam ... alam ko hindi din ako ang lalaking tipo mo – alam ko lagi kitang binubwesit – alam kong ayaw mo sa'kin pero – give me a chance – bigyan mo chance itong fake relationship natin na maging totoo. Let's make this fake love become real." Patuloy pang panunuyo ni Noah sa dalaga.

Ramdam na ramdam naman ni Sam ang senseridad sa mga salitang binitawan ni Noah pero hindi pa talaga niya alam kung ano ang isasagot niya dito.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Noah – I don't know – hindi ko pa alam kung ano ang – "

"Wait bago mo ituloy ang sasabihin mo gusto ko lang muna malaman – gusto mo ba si Shawn?" Putol bigla ni Noah sa sinasabi ni Sam, dahil iyon ang pinakaimportante para sa kanya ang malaman kung may gusto ito kay Shawn dahil kung sakaling gusto nga nito ito – wala na siyang laban.

"No – hindi!" Mabilis na sagot ni Sam na nagbigay kay Noah ng kaunting pag-asa dahil sa narinig.

"Then – it's okay, kung hindi mo pa man kayang sagutin ako ngayon kung ano ang nararamdaman mo para sa'kin – Handa akong maghintay ng sagot mo."

"Noah..." Muling sambit niya sa pangalan nito sabay napangiti pa ng tipid.

"Please pag-isipan mong mabuti..." Dagdag pang paki-usap ni Noah kay Sam.  "At please din Sam... tulad nga ng sinabi ko – itong feeling na ito – bago sa'kin ang lahat ng ito – kaya hindi ko alam kung paano ko ihahandle kaya please lang baka pwedeng iwasan mo munang lumapit o dumikit kay Shawn dahil selos na selos ako sa tuwing hahawakan ka niya at sa tuwing masaya kayong nag-uusap, baka kasi sa susunod hindi ako mapagpigilan at kung ano pa ang magawa ko sa kanya." Dugtong pa nito na ikinataas naman ng kilay niy Sam.

Napailing-iling din ang dalaga dahil sa huling paki-usap na iyon ni Noah sa kanya.


©2018

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon