CHAPTER TEN
"Ma!" Gulat na gulat si Sam pagkakita sa ina at agad naman niyang naitulak palayo si Shawn.
"Anong ginagawa niyo?" Galit na tanong nito.
"Ninang it's not what you're thinking." Agad na depensa naman ni Shawn dahil sa iniisip ng Ninang niya.
"Then what it is Shawn!?" Tanong ng ginang sa inaanak na hindi pa rin mawala ang galit sa boses nito.
"I'm just comforting Sam..."
Dahil sa tinuran na iyon ni Shawn ay napakunot ng noo si Sam na napatingin sa kinakapatid.
Anong sinasabi nitong kinucomfort siya nito? Liar!
Tumaas naman ang kilay ng Mama ni Sam.
"Why?" Muling tanong ni Lucy na hindi pa rin kombinsido sa sagot ng inaanak.
"May misunderstanding po kasi sila ni Noah?" Sagot na pagsisinungaling ulit ni Shawn.
Lumipat ang tingin ni Lucy sa Anak. "Is that true Sam?" Tanong nito.
Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Sam ng tumingin sa kanya ang Ina. Biglang nakaramdam tuloy siya ng pagkainins kay Shawn dahil sa ginawa nito.
Hindi niya alam kung bakit siya nito bigla na lang niyakap kaya kinailangan pa nito magsinungaling sa Mama niya tungkol sa misunderstanding kuno nila ni Noah.
Pero dahil ayaw din naman niya na mag-isip ang Mama niya ng masama dahil sa naabutan nito kaya no choice na siya kundi ang sumakay na lang sa pagsisinungaling nang kinakapatid.
"Sam?" Tawag ng ina sa pangalan niya dahil wala siyang imik.
"Yes Ma, pero kaunting misunderstanding lang naman iyon." Sagot na pagsisinungaling din niya. "Ang dumi naman kasi ng isip niyo agad!" Dugtong na pagrereklamo pa niya sa ina.
Napataas tuloy ang kilay ni Lucy dahil sa tinuran ng anak.
"Oo nga naman Ninang." Segunda naman ni Shawn. "Bakit naman kasi kami gagawa ng bagay na tulad ng iniisip niyo." Dagdag pa nito.
"Aba kayong dalawa hindi na kasi kayo mga bata para mag-usap sa loob ng kwarto." Panenermon pa rin ni Lucy sa dalawa.
"Ma, hindi naman nakalock ang pinto e." Katwiran naman ni Sam. "Saka nag-uusap din naman kami ni Noah dito sa kwarto na nakasara ang pinto ha." Dugtong pa niya.
Natigilan naman si Lucy sa tinuran ng anak dahil may point din naman ito. Well, siguro nagulat lang siguro kanina sa naabutan kaya naging ganon na lang ang reaksyon niya.
"Aba nangatngatwiran ka pa ha." Sabi na lang ni Lucy sa anak.
"Hindi naman sa ganun Ma –" Sagot ni Sam na biglang naputol dahil sa biglang pag-akbay sa kanya ni Shawn.
"Ninang Don't worry, hindi na po mauulit iyon." Saad ni Shawn habang nakaakbay pa rin kay Sam.
Napatingin naman ng masama si Sam sa kinakapatid.
"Inaasahan ko yan ha." Sagot na lang din ni Lucy saka lumabas na ito.
Pagkalabas ng Mama ni Sam ay siniko bigla nito si Shawn.
"Ano ba ang plano mo at ginawa mo 'yon?" Pangungumpronta niya dito.
Pero isang malakas na tawa lang ang isinagot ni Shawn saka walang sabi-sabi na lumabas na rin ito ng silid ng dalaga.
BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.