CHAPTER THIRTEEN
Bandang huli ay naniwala na rin si Sam sa sagot ni Shawn.
"So since andito ka rin naman..." Aniya na lang since andito na rin ito. "Pag-usapan na natin about sa fake girlfriend thing na gusto mong gawin ko at 'yong tungkol sa video call kagabi?" Pagpapatuloy niya.
"Ok." Mabilis na tugon nito sabay nanahimik na hinintay na muling magsalit ang dalaga.
Kumunot ang noo ni Sam dahil sa pananahimik nito. Ang sabi niya ay ipaliwanag nito ang tungkol sa isue nila bakit ito nanahimik?
"So..." Aniya na tumaas pa ang kilay.
"So?"
"Magpaliwanag ka na..."
"Tungkol?"
"Sa gusto mong mangyari."
"Ohh, sa pagiging fake girlfried mo?"
"Oo malamang!" Sagot ni Sam na medyo nasagad na ang pasensya dahil para lang siyang pinagtritripan ni Shawn dahil para itong hindi seryoso sa pinag-uusapan nilang dalawa.
Ngumiti ito ng malapad. "Galit ka ba na niyan?" Tanong pa nito na talagang parang nang-aasar.
"Alam mo nakakaasar ka rin pala ano!" Aniya na ngayon lang niya na nalaman na malakas din pala ito mang-asar.
Kapag nakakausap kasi niya ito tru video call noon na ay parang ang bait-bait nito pero hindi din pala.
"Pwede ba magseryoso nga muna tayo." Dagdag pa niya.
Saglit na katahimikan. "Ok sige, let's talk about the issue." Maya-maya't pahayag nito na seryoso na ang mukha.
"Ok." Mabilis na tugon niya dahil sa wakas.
"Well, to tell you the honesly I was just kidding about asking you to be my fake girlfriend." Umpisa ni Shawn.
"Huh!?" Hindi makapaniwalang reaksyon naman ni Sam pagkarinig ng sinabi ng binata at hindi niya maipaliwanag ang inis na naramdaman.
Huminga muna ng malalim si Shawn bago nagpatuloy. "About 'don naman sa video call kagabi, It was just a joke, kinunsyaba ko lang ang mga kaibigan ko na magkunwaring gulat na gulat ng ipakilala kita bilang girlfriend."
Nagsalubong pa ang kilay ni Sam dahil sa nalaman at nadagdagan pa ang inis na naramdaman.
Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa pinagagawa nito sa kanya. Akala talaga niya seryoso ito dahil may pananakot pa pero it turned out na ginogood time lang pala siya nito!
"Bakit mo ginawa ang mga iyon?" Pangungumpronta niya dito. "
"To make Noah jelous..." Mabilis na tugon nito.
"To make Noah jelous?" Ulit naman niya. "Anong ibig mong sabihin?" Dugtong pa niya dahil hindi niya maintindihan kung ano ang point nito.
"Well, noong dumating kasi ako at nakilala ko si Noah at nagpakilala siyang boyfriend mo, nakaramdam ako ng kakaiba ..."
"Kakaiba?"
"Yeah, I mean there's something wrong... at tama nga ako na hindi nga totoo ang relasyon niyo but –"
"But?"
"But despite of that fake relationship alam ko may something na hidden feelings between the two of you."

BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomantikFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.