Hindi makatulog si Sam ng kinagabihan dahil sa mga nangyari kanina sa pagitan nila ni Noah. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip na magugustuhan siya nito.
"Anong gagawin ko?" Tanong niya sa kawalan sabay napakagat pa ng ibabang labi. Nang biglang tumunog ang cellphone niya kaya nagulat siya pero agad din naman siya nakabawi.
Nang makabawi sa pagkagulat ay agad niyang kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table at tiningnan kung sino tumatawag.
Kumabog na mabilis ang dibdib niya ng makitang si Noah ang tumatawag. Huminga muna siya ng malalim para kalmahin ang puso niya bago sinagot ang tawag nito.
"Hi..." Mahina at parang nahihiyang sagot niya sa tawag ng binata.
"Hi..." Ganting bati din nito na katulad niya ay mahina din ang boses.
"Bakit?"
"Hindi ba kita naistorbo?"
"Hindi naman, bakit?"
"Hmmm... gusto ko lang sana kasi mag sorry about kanina – nagulat ata kita ng tanungin agad kita kung gusto mo rin ako..." Anito.
Hindi naman makapagsalita si Sam dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
"Pero sabi ko nga sayo handa akong maghintay kung kailan ka magiging ready at gusto ko rin sabihin na simula bukas liligawan na muna kita para maipakita ko sayo na sincere ako sa nararamdaman ko para sayo. ." Pagpapatuloy pa ni Noah ng hindi nagsalita ang dalaga.
"Huh?" Agad na nasambit na reaksyon ni Sam dahil sa winika ni Noah.
"Uhmmm... so see you tomorrow." Paalam na ng binata saka agad na itong nawala sa kabilang linya.
Nakatulala naman at nakakanganga pa habang nakadikit pa rin sa tenga ang cellphone ni Sam kahit na wala na ang binata sa kabilang linya.
Hindi pa nga siya nakakarekober at makapaniwala sa mga pinahayag ni Noah kanina tapos dumagdag pa itong sinabi nito na liligawan siya nito simula bukas.
"Magugunaw na ba ang mundo?" Wala sa sariling tanong ng dalaga sa sarili na nakatingin lang sa kawalan.
"Nananaginip lang ba ako?" Dagdag pa nito.
* * * * *
Kinabukasan ay kahit alas tres nang nakatulog si Sam ay maaga pa rin siyang nagising. Well kahit ayaw man niya kasing aminin sa kanyang sarili ay excited talaga siya at hindi mapakali kung papaano siya liligawan ni Noah.
"Samantha ano ka ba relax lang, wag pahalata masyado na excited!" Saway niya sa sarili ng hindi mapigilan ang kilig na nararamdaman.
"Inhale – exhale!" Ani pa niya na mabilis naman niyang ginawa.
"Sam – " Biglang pumasok ang mama niya kaya napatingin siya dito. "Ano pa ang ginagawa mo diyan aba bumababa ka na at naghihintay sayo si Noah sa baba."
Pinigilan niyang mapangiti ng malapad ng marinig na nasa baba na si Noah at hinihintay siya. "Ok Ma." Kaswal na sagot niya sa ina sabay dampot na ng gamit.
"Teka..." Biglang pigil sa kanya ng Mama niya ng akmang maglalakad na siya palabas. "May problema ba kayo ni Noah?" Biglang tanong p nito na ikinakunot naman ng noo niya.

BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.