CHAPTER ELEVEN

64 1 0
                                    

CHAPTER ELEVEN


"What!?" Hindi mapaniwalang reaksyon ni Sam dahil sa gustong kapalit ni Shawn. "Are you crazy?" Dugtong pa niya.

"I bet, ganyan na ganyan din ang reaksyon mo ng sabihin sayo ni Noah na mapangap ka bilang girlfriend niya." Nakangising anito pero hindi na niya iyon pinansin at tiningnan niya ito ng masama.

"Shawn hindi ako nakikipagbiruan sayo."

"Me neither."

"Shawn!"

"I am serious... be my fake girlfriend."

Napatingin ang dalaga sa mga mata ni Shawn at kitang-kita niya na seryoso nga ito. Napakagat tuloy siya ng labi.

Hindi niya alam kung ano itong nangyayari sa kanya? Bakit siya inooofferan ni Shawn at maging ni Noah na maging fake girlfriend ng mga ito. Hanggang fake girlfriend lang ba talaga siya?

"Why me?" Nakasalubong ang kilay na tanong ni Sam.

"Because you're loyal."

Mas lalong kumunot ang noo ng dalaga. "Anong ibig mong sabihin?"

"You know how to keep a secret at kaya mong gawin ang lahat just to keep that secret." Sagot nito.

"Naku Shawn mali ka diyan." Kontra ni Sam sa sinabi ng binata. "Ginagawa ko lang ito dahil – dahil..." Dagdag niya na hindi na niya matuloy dahil hindi niya alam kung ano pa ang idudugtong niya.

Ayaw man niyang tangapin pero totoo naman kasi ang sinabi ni Shawn na loyal at handa siyang gawin ang lahat just to keep a secret.

Oo binabantaan at binibiro niya si Noah na hindi na niya itutuloy ang usapan nila pero ang totoo ay hindi naman niya kayang gawin iyon dahil marunong siya tumupad sa usapan at may isa siyang salita. Sinasabi lang niya ang lahat ng iyon para takutin at inisin si Noah.

"Dahil?"

"Ahh... basta..." Aniya na hindi na talaga makaisip ng idudugtong.

"So ang ibig mong sabihin hindi ka papayag? Hmmm so pwede ko na palang sabihin kina Ninang na hindi totoo ang relasyon niyo ni Noah?"

"Shawn!"

"Bakit? Hindi ka naman pumapayag diba so gagawin ko ano ang gustong gawin sa munti niyong sekreto."

Napakagat ng labi at napakuyom ng kamao si Sam dahil sa tinuran na iyon ni Shawn.

Hindi talaga niya alam kung ano ba talaga ang plano nito kung bakit gusto siya nitong magpangap bilang girlfriend nito.

"Shawn, alam mo naman na hindi na ako pwedeng magpangap bilang girlfriend mo dahil alam na ng lahat na girlfriend ako ni Noah."

"Don't worry hindi ka naman magpapangap sa harap nila e, at besides wala naman akong pakialam sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala." Sagot ni Shawn sabay ngisi.

Muling kumunot nanaman ang noo ni Sam. "So kanino or saan pala ako magpapanggap bilang girlfriend mo?"

"Sa lugar namin, sa harap ng mga kaibigan ko." Agad na tugon ni Shawn sa tanong ng dalaga.

"Huh?" Reaksyon ni Sam dahil sa sagot ni Shawn.

"I'll talk to you later." Anito sabay hawak sa buhok ng dalaga at ginulo-gulo iyon saka umalis na ito.

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon