Kinagabihan ay niyaya ni Noah ang kaibigan na si Alvin sa bar na madalas nilang puntahan.
Kahit ok naman kasi sila ni Sam ay masama pa rin ang loob niya dahil sa pagbangit at pag-iisip nito kay Shawn habang nagdadate sila.
Oo nagseselos siya – hindi na lang siya kumibo at hindi rin masyadong nagpaapekto kanina dahil ayaw naman niyang mag-away agad sila ni Sam, kabago-bago pa lang ng relasyon nila kaya hindi maganda na magkatampuhan agad silang dalawa.
Kaya naman ito siya – ngayon na lang niya ilalabas ang sama ng loob niya.
"Wow mukhang hindi ata maganda ang mood natin ha." Agad na puna sa kanya ni Alvin pagdating nito.
Hindi siya sumagot bangkos ay ininom lang niya ang inorder niyang coctail drink na Aunt Roberta.
"Woah! Sa tingin ko nga hindi talaga maganda ang mood mo at may problema ka pa." Muling saad ni Alvin ng makita ang iniinom ng kaibigan habang paupo ito.
Kapag may problema kasi si Noah ang Aunt Roberta ang lagi nitong iniinom para malasing agad.
Hindi ulit sumagot si Noah at isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan nito.
"Ano ba kasi ang problema mo bro?" Muling tanong ni Alvin dahil sa hindi pa rin pagtugon ng kaibigan.
Muling uminom si Noah ng inorder nito saka tumingin kay Alvin. "I'm jealous." Sagot nito.
"Nagseselos ka lang tapos maglalasing ka na. Wow dude lupit ha."
"Bro hindi lang ito basta selos, I feel threatened."
"What? You feel threatened? Kanino?" Nakakunot ang noo na usisa ni Alvin dahil sa sinabi ng kaibigan. "E, diba wala naman ibang umaali-aligid kay Sam para makaramdam ka ng ganyan." Dugtong pa nito.
"You're wrong – may isa."
"What? – Sino?"
"Si Shawn –"
Nanlaki bigla ang mga mata ni Alvin. "Si-si Shawn? – ang kinakapatid niya?" Hindi makapaniwalang ulit nito.
Agad namang tumango si Noah.
"Wow – bakit ka naman matetreatened sa kanya? I mean kinakapatid ni Sam iyong tao."
"May nararamdaman akong something strange with that guy." Sagot ni Noah sabay muling inom ng inorder.
"Strange?"
"Yes – malakas ang kutob ko."
"Dude, baka naman mali ang kutob mo – I mean baka dala lang yang selos at pakadisgusto mo sa kanya kaya nakaramdam ka ng ganyan."
"Hindi – hindi lang ito dala ng selos." Aniya sabay ubos ng iniinom niya. "Saka si Sam naman kahit hindi naman dapat ay nag-aalala siya sa lalaking 'yon."
"Bro, syempre sa iisang bubong lang sila nakatira at saka kinakapatid pa niya iyon kaya natural lang naman siguro na mag-aalala si Sam sa kanya."
Napailing-iling lang si Noah sa sinabi ni Alvin, tanda ng hindi niya pagsang-ayon saka muli siyang umuorder ng inumin.
"Dude, tigilan mo na yang kakainom niyan malalasing ka niya e." Saway pa sa kanya ni Alvin dahil sa muling pag-order niya.
"Hayaan mo muna ako, ok? Gusto ko lang muna mailabas sama ng loob ko." Sagot naman niya na hindi nagpapigil saka muli siyang uminom.
* * * * *
Ang sarap na ng tulog ni Sam ng magising siya ng magkakasunod na ring ng kanyang cellphone. Agad niyang dinampot iyon at nang makita niyang si Noah ang tumatawag ay napakunot siya ng noo.
Ala una na kasi ng madaling araw kaya sino ba naman ang hindi magtataka pero nang makita niya na si Noah ang tumatawag ay agad niya iyon sinagot.
"He –"
"Hello.. hulaan mo kung sino ang date ngayon ni Noah?" Hindi pa man din nakakatapos mag hello si Sam ay agad na iyon pinutol ng babaeng nasa kabilang linya na pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses.
"Nicah?" Nakasalubong ang kilay na patanong na sambit niya sa pangalan nito.
"Wow! Galing! Ang galing mo talaga manghula." Hindi man nakikita ni Sam ay alam niya at naiimagine niya kung paano ito nakangisi ngayon.
"Bakit nasayo ang cellphone ni Noah?" Usisa niya dito dahil ayaw naman niyang magjump agad sa isang conclusion kaya kahit alam naman hindi niya magugustuhan ang magiging sagot nito ay nagtanong pa rin siya.
"Well – because I am his date." Sagot nito kaya napahigpit sa pagkakahawak ng cellphone si Sam.
Pinilit niyang hindi magfreak out at manatiling kalmado. "Gusto kong makausap si Noah."
"Opps! Sorry he's sleeping...." Malanding pagkakasagot ni Nicah kaya hindi na ni Sam napigilan ang galit at inis.
"Where –" Tatanong pa sana ni Sam kung nasaan ang mga ito para sana susugod siya pero agad nang nawala si Nicah sa kabilang linya at nang tinatawagan niya ang number ni Noah ay hindi na niya ito makontak.
"Sh*t!!!" Nasambit saka agad siyang napatayo sa higaan na ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Ayaw man niyang paniwalaan ang mga pinagsasabi ni Nicah pero bakit nito hawak ang cellphone ni Noah kung hindi nga ang mga ito magkasama.
Naitapon pa niya ang cellphone sa kama at naglakad ng paroon at parito habang nag-iisip siya kung paano niya malalaman kung nasaan si Noah.
"Alvin..." Maya-maya'y sambit niya kaya agad niyang muling dinampot ang cellphone at dinial ang number ni Alvin.
Hindi ito agad sumagot at nakatatlong ulit pa siya sa pagtawag dito bago masagot ang tawag niya.
"Hello kasama mo ba si Noah?" Agad na tanong niya dito na hindi na niya hinintay pa itong unang magsalita.
"Huh? – Oo kanina kasama ko siya pero bigla na lang siyang nawala e, baka umuwi na." Sagot nito. "Ba –" Dugtong pa sanang sasabihin nito kay Sam pero agad nang naibaba ng dalaga ang cellphone dahil mabilis na itong lumabas ng silid para pumunta sa bahay nina Noah.
Hindi na niya alintana na nakayapak pala siya na naglalakad papunta sa bahay ng boyfriend dahil ang gusto lang niya sa mga oras na ito ay malaman kung magkasama nga sina Nicah at Noah.
Agad siyang nagdoorbell pagkadating niya sa harap ng bahay nina Noah. Oo alam niya madaling araw na at makakaistorbo na siya sa gagawin niya pero hindi siya mapapakali hangga't hindi niya nalalaman kung nakauwi na nga ba ito o kasama talaga nito si Nicah.
Naka apat na beses ata siya sa pagpindot ng doorbell bago may lumabas – ang Mama ni Noah.
Nagulat pa ito ng makita siya.
"Sam .. anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo na tanong nito habang nagmamadaling lumapit sa gate para pagbuksan siya.
"Hi Tita pasensya na po kung nagising ko kayo." Paghingi agad ng pasensya ng dalaga dahil sa ginawang pang-iistorbo niya.
"No – no it's ok – may problema ba?" Sagot naman ng ginang na hinawakan pa si Sam sa braso.
"Wala naman po Tita – itatanong ko lang po sana kung andiyan na si Noah?"
Kumunot ang noo ng ginang. "Si Noah?" Sambit nito sa pangalan ng anak saka saglit na inaalala kung nasa silid na nito ang anak.
Kapag wala pa kasi sa silid nito si Noah ay nakaawang ang pinto ng kwarto nito pero kapag andoon na ito ay nakasara na iyon kaya inaalala ng ginang kung nakasara na ba ang pinto ng kwarto ng anak.
©2018
BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.