CHAPTER FIFTEEN
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ni Sam at paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa utak niya ang mga sinabi ni Noah sa kanya kahapon.
"Mahal kita – dahil para na kitang kapatid ..." Ang mga sinabi ni Noah na hindi niya malimut-limutan.
Hindi niya alam kung bakit apektadong-apektado siya doon kaya hindi niya maiwasan na maisip na baka totoo nga ang sinabi sa kanya ni Shawn na baka may feelings nga sila – siya lang pala – para kay Noah at hindi lang pala isang simpleng crush lang ang nararamdaman niya para dito!
Hay! Hindi! Hindi maaari! It's Noah ang taas ng standard nito at kahit na sabihin pang sabay silang lumaki at kilalang-kilala nila ang isa't-isa ay hindi siya nito magugustuhan – at hindi rin niya ito gusto period.
Hindi dapat siya nagpapaapekto sa mga sinabi nito.
Huminga siya ng malalalim sabay napatingin sa bintana ng classroom na sa hindi naman niya inaasahan na matatanaw niya si Noah mula doon habang naglalakad ito sa corridor ng kabilang building kasama si Alvin.
Parang nasuper glue ang mga mata niya dito at sinundan niya itong ng tingin. Hindi niya napigilan ang sarili na hindi mapangiti dahil sa pagtawa nito at pagngiti habang kausap si Alvin.
Ilang minuto din na nakapako ang mga mata niya kay Noah.
"Oh shit!" Biglang mahinang nasambit niya dahil paraan ng pagkakatitig niya kay Noah sabay alis ng tingin niya dito na sakto naman ang pag-upo ng isang classmate niya na si Rey sa katabing upuan.
"Oy! Tinatanaw ang boyfriend." Sabi nito sa kanya na ang lapad-lapad ng pagkakangiti kaya agad niya itong inismiran.
"Hindi –" Pagtangging sagot sana niya sa tinuran ni Rey – buti na lang at narealized niya agad na ang alam pala ng mga ito na girlfriend siya ni Noah kaya hindi dapat siya mainis kapas sinasabihan siya ng ganon. "I mean ... may masaba ba?" Aniya na lang dito.
* * * * *
Mula naman sa kabilang buildin habang nag-uusap sina Noah at Alvin ay napadako ang tingin si Noah sa classroom nina Sam at nakita niya ang dalaga na nakikipag-usap ito sa kaklase nito. Mula sa pwesto nila ay malinaw niyang nakikita ang mukha ng taong nakaupo na nasa may bintana kaya tumalim ang tingin niya ng makilala kung sino ang kausap nito.
Si Rey, isa din sa mga sikat dito sa school nila at habulin ng mga babae, marami din ang nagkakagusto dito – at higit sa lahat ay mainit ang dugo niya dito.
"Hey! Bro pagseselos ba 'yang mga tingin na yan?" Bigla niyang narinig na panunudyong tanong ni Alvin kaya agad siyang napabaling ng tingin dito.
"Hindi ha!" Agad na tanggi niya sa tinuran nito.
"Owws, sa paraan ng pagkakatingin mo pa lang ay para ka nang papatay e." Patuloy na panunukso nito sa kanya. "Selos yan!"
Nagsalubong ang kilay niya sabay pagalit na saad. "Pwede ba Alvin tigilan mo nga dahil HINDI AKO NAGSESELOS!"
Napailing-iling naman si Alvin dahil sa pagtataggi ni Noah."E, ano pala ang ibig sabihin ng mga tingin na 'yan."
"Wala – I mean hindi ko lang kasi gusto si Rey – diba alam mo naman playboy din ang lalaking 'yon at baka pinupormahan niya si Sam."
"Bro e, ano naman kung pinupormahan niya si Sam e, hindi mo naman totoong girlfriend siya –" Anito "Pero sa pagkakakilala ko kay Rey e kahit playboy 'yan ay hindi siya pumuporma sa may boyfriend – fake boyfriend – ahh basta hindi siya pumuporma kapag may sabit na – kaya you have nothing to worry –" Dugtong pa nito.
"Kahit na wala pa rin ako tiwala sa pagmumukha niya."
Napangiti ng malapad bigla si Alvin dahil sa tinurang pagkadisgusto pa ri ni Noah kay Rey. "Oy selos nga!" Aniya na napapailing-iling pa.
Lalong nagsalubong din tuloy ang kilay ni Noah. "Tigilan mo nga ako at sinabi ko na sayo na HINDI AKO NAGSESELOS e." Patuloy na pagtanggi niya dahil sa patuloy na panunudyo ng kaibigan sa kanya ng bigla naman silang parehong napalingon sa likod dahil sa may tumawag sa pangalan niya.
Pagkalingon nila ay Nicah ang nalingunan nila.
"Hi..." Sweet na bati nito sa kanilang dalawa.
Ngiting alanganin lang ang parehong iginanti nina Noah at Alvin saka mabilis na silang tumalikod dito.
"Wait!" Pigil ni Nicah pero hindi na ulit lumingon ang dalawang binata. Mabilis na silang maglalakad sana palayo dito ng biglang tumakbo palapit si Nicah palapit at kumapatid sa braso ni Noah.
"Wait Noah." Anito habang nakahawak sa braso niya.
Wala ng nagawa ang binata kundi ang muling lumingon dito. "What!?" Tanong niya na pinahalata niya na ayaw niya itong makausap.
Ewan ba niya kasi sa babaeng ito alam naman na nito na may girlfriend (or fake girfriend) na siya pero hindi pa rin ito tumutigil sa paglalapit at pagsubok na makipagflirt sa kanya. Simula ng makabalik ito ay hindi nanaman siya nito linubayan.
"Bakit mo ba ako iniiwasan?" Malungkot na tanong nito.
"Kasi may girlfriend na ako –"
"Grabe naman porket may girlfriend ka na iiwasanan mo na ako? Hindi naman kita aagawin sa kanya e." Saad nito na mas lumungkot pa ang mukha nito. "Hindi ba tayo pwedeng maging magkaibigan?" Dagdag pa nito na kung hindi lang kilala ni Noah ang ugali nito ay malaman maawa na siya dito dahil sa itsura nito pero kilala niya ang ugali nito kaya hindi siya mahuhulog sa pag-arte nito.
Magaling itong umarte at magkunwari at higit sa lahat ay sinungaling kaya nga talagang naging isa ito sa dahilan kung bakit pinaki-usapan niya si Sam na magkunwaring maging girlfriend niya dahil gusto niya talagang mawala ito sa buhay niya.
"I'm sorry Nicah." Sagot niya saka tanggal sa kamay nitong nakahawak sa braso niya at muling tumalikod dito.
Pero dahil hindi marunong sumuko si Nicah ay bigla nitong niyakap si Noah mula sa likod.
* * * * *
Nang mapaalis na ni Sam si Rey sa tabi niya ay bumalik ang tingin niya sa kabilang building na timing naman ang biglang pagbackhug ni Nicah kay Noah kaya nanlaki ang mga mata niya. Agad ding napaiwas siya ng tingin sa mga ito kaya hindi na nito nakita ang mabilis na pagtangal ni Noah sa mga kamay ni Nicah na nakapulupot sa bewang ng binata.
Hindi maipaliwanag ni Sam ang sakit na naramdaman at mas malalala pa ang sakit na iyon sa sakit ng sabihin ni Noah kahapon na mahal siya nito dahil para na siyang kapatid nito.
Hindi lang libo-libong karayom ang parang tumusok sa puso niya kundi milyon-milyon at ngayon nga'y hindi na niya maiitanggi na may espesyal na nga siyang nararamdaman para kay Noah.
Hindi niya alam kung kailang at kung paano nag-umpisa ang nararamdaman niya na iyon para kay Noah.
Pero bakit ngayon lang niya naramdaman ito? Samantalang marami na rin naman ibang mga babaeng nakafling si Noah, pero bakit ngayon lang? Bakit siya nagseselos ngayon? Pinalalaruan ba siya ng sarili niyang damdamin?
©2018

BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.