CHAPTER FOUR

126 2 0
                                        

CHAPTER FOUR


Nakasalong-baba si Sam na nakaupo sa study table ni Noah sa kwarto nito habang nakatingin dito. Sumama siya dito sa bahay nina Noah dahil kailangan pa nilang mag-usap tungkol sa deal nilang dalawa.

Samantalang si Noah naman ay naka-indian seat sa kama niya habang hawak-hawak ang cellphone at busy na naglalaro.

"Noah, ano ba hindi ka pa ba tapos diyan?" Inip na inip nang tanong ni Sam dahil kanina pa sila dito pero hindi pa rin sila nag-uusap tungkol sa dapat nilang pag-usapan.

"Saglit na lang, matatapos na 'to... mananalo na kami." Sagot ni Noah na nakatuon ang buong atensyon sa nilalaro sa cellphone.

Pero dahil na rin sa inis at pagkainip ni Sam sa kakahintay kay Noah na matapos sa nilalaro ay napatayo na siya mula sa kinauupuan.

Naglakad siya palapit dito at pumuwesto siya sa harap nito at namaywang.

"Ano ba mas mahalaga pa ba 'yang nilalaro mo kesa sa pag-uusapan natin!?" Galit na tanong niya dito.

Saglit naman siyang tinapunan ng tingin ng binata. "Saglit na lang 'to promise." Anito na nakatuon na ulit ang atensyon sa nilalaro.

Matatalim ang tingin na napakagat sa labi si Sam sabay sabi na "Ubos na talaga pasensya ko sayo!" Nangigigil na saad niya sabay hablot ng cellphone nito

"SAM!" Galit na sigaw na sambit nito sa pangalan niya dahil sa ginawa niya at napatingin pa ito sa kanya ng matalim. "Akin na yan!" Dugtong pa nito na sinubukan hablutin ang cellphone pero dahil mabilis siya ay agad niya itong naiilag.

Dahil doon ay napatayo na si Noah. "Akin na sabi ang cellphone ko e!" Galit na utos nito at muli nanaman nitong subukan hablutin ang cellphone pero muli rin niyang naiilag ito pero ang hindi niya inaasahan ay mabilis na muling paghablot nito gamit ang isang kamay.

Nahawakan nito ang cellphone. "Let go!" Anito pero hindi niya binitawan ang cellphone at pilit niyang muling hinihila ito para mabitawan nito pero sadyang ayaw din nito magpatalo.

"I said let go!" Utos muli ni Noah dahil sa pakikipag-agawan niya.

"No!" Sagot naman niya na nakipagtagisan pa siya ng tingin dito.

"SAM!"

"Inubos mo pasensya ko e!"

"Sabi ko naman malapit na matapos, diba! Hindi ka ba marunong maghintay!?"

"Ahh ganun pala maghintay ha! Pwes! Kung mas importante pala yang paglalaro mo kesa sa pag-uusapan natin then let's END our deal!" Sigaw na aniya sabay bitaw sa cellphone nito.

Dahil sa hindi inaasahan ni Noah na bibitawan niya ang cellphone ay naoutbalance tuloy ito at nahila pa siya nito pahiga, na ang naging pwesto nila ay nasa ibabaw siya ni Noah.

Kasabay naman sa pagbagsak nila sa kama ng ganong pwesto ay ang pagbukas naman ng pinto.

"NOAH! SAM!" Gulat na gulat na sigaw ng Mama ni Noah na si Nadine, pagkakita sa dalawa sa ganoong pwesto.

Mabilis namang napatayo ang dalawa at agad na inayos ang mga sarili.

"Ma, it's not what are you thinking!" Agad na depensa ni Noah kahit na wala pa namang sinasabi ang Mama niya.

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon