CHAPTER TWELVE
Gusto na talaga ni Sam na kausapin na si Shawn pero mas nauna kasing dumating si Noah at ayaw naman niyang magtampo ito.
Kahit naman kasi lagi silang nag-away o nagbabangayan ay fair siya kaya since si Noah naman ang unang dumating ay sa kanya na lang muna siya sasama.
Pwede pa naman niya kausapin mamaya si Shawn e.
"Pwede bang maya na lang tayo usap, may lakad kasi kami ni Noah e." Sagot ni Sam sa pagyaya sa kanya ni Shawn na mag-usap.
Dahil sa sagot ni Sam ay napabaling ng tingin si Shawn ng masama kay Noah na malalapad naman ang ngiti dahil sa pagpili sa kanya ni Sam at mas nilaparan pa nito ang ngiti para lalong maasar si Shawn.
"Pwede naman natin siya isali sa pag-uusapan natin e." Maya-maya'y sabi naman ni Shawn na ngayon ay nakangiti na rin at si Noah naman ang matalim ang tingin sa dito.
"Shawn!!!" Agad na saway na sigaw ni Sam dito.
Ayaw kasi ni Sam malaman ni Noah ang pinaplano ni Shawn dahil alam naman niyang hindi gusto ng dalawa ang isa't-isa at baka embes na mapaayos pa ang lahat para walang gulo e baka lumalala lang.
"Bakit ano ba ang pag-uusapan niyo?" Agad na pangungusisa naman ni Noah.
"Nothing important." Sagot ng dalaga.
Pero talagang nanandya si Shawn at naghahanap ata talaga ito ng gulo. Ngumisi ito sabay sabi. "Wala nga lang ba talaga ang pag-uusapan natin?"
Agad na napatingin si Sam dito at pinandilatan pa siya nito. "Shawn! Maya na tayo mag-usap ok!" Matitigas ang pagkakasabi na saad ng dalaga.
Mas lalo naman tuloy lumapad ang ngiti niya.
"Ok." Sabay kindat dito at umakyat na siya sa kanyang kwarto.
Naiwan naman sina Sam at Noah na pareho masama ang tingin kay Shawn.
"Namumuro na ang lalaking 'yon ha!" Biglang pahayag ni Noah kaya nabaling ang tingin ni Sam dito. "Kindatan ka ba naman kahit alam naman niya na girlfriend kita!" Dugtong pang reklamo nito.
Gusto sanang itama ni Sam ito sa sinabi nitong girlfriend siya nito pero hindi na siya umimik dahil baka may makarinig pa at maging mas malaking problema pa iyon.
"Hay naku hayaan mo na siya." Sabi na lang niya dito.
"Wow! Pinagtatanggol mo ba siya?"
Nanlaki ang mata niya dahil sa tinuran ni Noah. "Sinabi ko lang hayaan na pinagtatanggol na agad?"
Tumaas ang isang kilay ng binata. "Ewan ko sayo!" Anito sabay padabog na naglakad na palabas .
"Tingnan mo 'to ang sama ng ugali!" Nagsalubong naman ang kilay na reklamo ni Sam dahil sa pag walkout na lang ni Noah.
* * * * *
"Hoy! Ano ba hintayin mo ako!" Sigaw na habol ni Sam kay Noah dahil sa bilis nitong maglakad. "Saan ka ba pupunta? Akala ko ba lalabas tayo." Dagdag pa niya.
Hindi alam ng dalaga kung nagseselos ba ito o naiinis lang kay Shawn.
"Noah ano ba! Sabing hintayin mo ako e." Muling sigaw niya sabay takbo para makahabol dito. Nang nakalapit na siya ay isang malakas na batok ang iginawad niya dito sabay akbay dito.

BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomansaFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.