CHAPTER TWO
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maprocess ng utak ni Sam ang explanation sa kanya kanina ni Noah kung bakit nito sinabi sa lahat na kakilala nila na may relasyon silang dalawa.
"It was just an accident....hindi ko naman sinasadya na palakasin ang boses ko." Paliwanag ni Noah kanina kung paanong nangyaring nasabi nito sa lahat na may relasyon silang dalawa ni Sam.
Pero ang hindi maintindihan ni Sam ay in the first place bakit kailangan nitong gamitin siya para makaiwas sa mga babaeng lumalapit sa kanya? Bakit kailangan na siya ang sabihin nitong girlfriend nito?
Bakit?
Dahil may lihim na crush din ito sa kanya?
Awww! Imposible!
Imposible talaga dahil... basta imposible!
"Hay naku! Dapat ba ako matuwa o mainis?" Tanong niya sasarili.
"Matuwa – dahil crush mo siya at sa wakas kahit isa man lang sa mga crushes mo ay masasabi mong naging bf mo kahit kunwarian lang.. Achievement diba?" Sagot niya sa sariling tanong sabay pabagsak na nahiga sa kama.
Pero bigla naman siyang muling napabangon ng biglang magring ang cellphone niya.
Agad niya itong nilapitan na nasa study table niya at tiningnan kung sino ang tumatawag ng makita niyang si Noah ay napangiwi siya pero sinagot pa rin niya ang tawag nito.
"O bakit?"
"Nakapagdesesyon ka na ba sa favor na hinihingi ko?" Agad na tanong nito.
Tumaas ang kilay niya dahil sa tanong nito. "Noah 15 minutes ka pa lang nakakaalis dito sa bahay tapos tatawag ka kaagad at tatanungin mo ako agad kung nakapagdesesyon na ako. Wow ha!" Pasinghal na sagot niya.
Iba din talaga kasi ang takbo ang utak nitong si Noah. Wala pa ngang isang oras ng makiusap ito sa kanya na magpangap muna siya bilang girlfriend nito for the meantime tapos ngayon tatanungin siya kung nakapagdesesyon na siya. Ayos ha!
"Saludo na talaga ako sa pagkaweird na takbo ng utak mo!" Dagdag pa niya.
"Sam... syempre hindi naman pinapatagal kasi ang mga ganitong bagay dahil kung papayag ka e, di salamat kung hindi e di syempre pipilitin kita." Sagot din nito kaya nagsalubong tuloy ang kilay niya sabay napailing-iling pa siya.
Ayos talaga mangatwiran itong si Noah! Nakakasaludo at nakakapangpakulo ng dugo.
Pero ang tanong papayag nga ba siya sa favor na hinihingi nito o hindi?
* * * * *
"Ano 'tong nabalitaan namin na kayo na ni Noah?" Nakasalubong ang kilay na tanong ng Ama ni Sam na si Ian sa kanya pagkababa niya mula sa kanyang kwarto.
Nagsalubong din ang kilay ni Sam dahil sa tanong nang Dad niya.
"What!?" Reaksyon pa niya. "Sino nagsabi sa inyo niyan?" Hindi makapaniwalang dugtong na tanong pa niya dahil hindi niya alam kung paanong nakaabot sa Dad niya ang tungkol sa relasyon 'kuno' nila ni Noah.
Biglang nawala ang pagkakakunot ng noo ni Ian. "Si Noah." Nakangiting sagot nito.
Napalitan naman ng pagtaas ng kilay ang kunot ng noo niya. "Noah!" Ulit niya.

BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.