CHAPTER FIVE

107 2 0
                                    

CHAPTER FIVE

Pagdating ni Sam sa bahay nila ay bigla siyang napahinto pagkapasok niya samantalang si Noah naman na nasa likod niya ay bigla namang nabangga sa likod niya dahil sa biglaang paghinto niya.

"Walang sabi-sabi, biglang hinto na lang." Reklamo ni Noah.

Pero hindi na nakaganti ng sagot si Sam dahil nakapako na ang tingin niya sa isang pamilyar na bulto ng tao na naging dahilan ng biglaan paghinto niya.

Dahil sa reaksyon na iyon ay napatingin din si Noah sa gawing tinitingnan ni Sam. Kumunot ang kanyang noo dahil isang lalaki na mga nasa early 20's ang nakatayo at ngiting-ngiting nakatingin kay Sam.

Hindi niya kilala ang lalaki at hindi rin niya alam kung ano ang koneksyon nito kay Sam.

"Shawn???" Narinig niyang mahinang sambit ni Sam sa pangalan ng lalaki.

"Shawn?" Mahinang-mahinang ulit ni Noah sa sinambit na pangalan ni Sam. "Sino siya?" Takang tanong na lang niya sa dalaga para malaman kung sinong itong Shawn na ito.

Pero hindi sinagot ni Sam ang tanong niya. "What are you doing here?" Tanong nito sa lalaking tinawag nitong Shawn.

Shawn Ryan Mendez, inaanak ng Mama ni Sam at isa din sa mga crush ng dalaga, actually ito ang unang naging crush nito at mas matanda ito sa kanya ng anim na taon.

Noong bata pa siya ay madalas niya itong makita dahil lagi silang dumadalaw sa bahay nito pero ng tumuntong siya ng grade 7 ay bibihira na lang niya itong makita pero nakakachat naman niya ito minsan sa facebook at minsan din ay navivideo call din sila hanggang ngayon.

Actually hindi naman sila ganon kaclose para magvideo call pero sabi nito ay pinipilit lang daw ito ng mama nito na magvideo call sa kanya, kaya ayon ang reason kung bakit nag-uusap sila tru video call.

"He's gonna stay here for the meantime." Ang mama ni Sam ang sumagot na nangaling mula sa kusina.

"WHAT!?" Malakas na reaksyon ni Noah mula sa likod kaya napatingin sa kanya ang lahat. "Opps! Sorry, nagulat lang ako." Biglang paghingi niya ng paumanhin ng mapagtanto ang naging reaksyon niya.


* * * * *


"Sino ba 'yong Shawn na 'yon?" Agad na tanong ni Noah kay Sam ng makapasok na sila sa kwarto ng dalaga.

"Inaanak ni Mom..."

"Inaanak?"

"Yeah –"

"E, bakit kaya siya dito mag-eestay sa bahay niyo?"

"Noah narinig mo naman ang sinabi ni Mom diba, mamaya pagdating ni Dad namin pag-uusapan ang tungkol don."

"Ah, oo nga pala..." Saad ni Noah ng maaalala ang sinabi ng Mama ni Sam nang tanungin nito kanina kung bakit dito titira si Shawn.

"Teka nga lang pala, bakit ka nga pala sumunod pa sa'kin dito sa kwarto ko?" Pagtatakang biglang tanong ni Sam kay Noah dahil sa pagsunod nito sa silid niya.

Sasagot na sana si Noah ng biglang may kumatok sa pinto kaya sabay silang napatingin doon.

"Pasok." Sabi ni Sam sa kumakatok.

Pagbukas ng pinto ay nagkatinginan sina Sam at Noah dahil si Shawn ang iniluwa ng pinto.

"O, Shawn bakit?" Takang tanong ni Sam dito.

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon