"Sinong babae kasama kagabi ni Noah?" Ulit na tanong ni Sam kay Shawn ng makalapit siya sa dalawa.
"Sam let me explain." Si Noah ang sumagot sabay hawak sa braso ng dalaga pero hindi siya nito pinansin o tinapunan man lang ng tingin dahil nanatili ang atensyon nito kay Shawn.
"Kaya ba kakaiba ang mga kilos mo dahil dito?" Dugtong na tanong pa ni Sam kay Shawn ng hindi ito tumugon.
"Sam! Bakit ba siya ang tinatanong mo? Ako ang subject ng issue na ito kaya ako dapat ang magpaliwanag!" Galit na wika ni Noah dahil sa hindi sa kanya pagpansin ng girlfriend.
Napabaling tuloy ang tinging ng dalaga kay Noah. "Ok explain it." Deretso ang tingin at walang kaemo-emosyon na wika ni Sam.
"It was just Nicah – hindi ko alam sinusundan pala niya kami ni Alvin." Pagpapaliwanag nito.
"I guess you both need privacy." Sabat na paalam na ni Shawn dahil kahit na mahal rin niya si Sam ay hindi naman siya ang tipo ng tao na maninira ng relasyon.
Kaya lang naman niya gustong komprontahin si Noah tungkol sa nakita niyang kasama nito kagabi dahil gusto lang niyang malaman kung sino iyon at hindi para sirain ang dalawa.
Hindi naman niya akalain na maririnig pala ni Sam.
Napabaling ng tingin si Sam kay Shawn dahil sa pagpaalam nito at napasunod na lang siya ng tingin habang naglalakad ito papasok ito sa loob nga bahay.
Nang makapasok na si Shawn ay muling itinuon niya ang tingin kay Noah.
"Aminin mo nga sakin, wala na ba talagang namamagitan sa inyon ni Nicah?"
"Love... wala na. Saka diba siya nga ang isa sa mga reason kung bakit pinagpangap kita na girlfriend ko dahil ayaw ko nang ginugulo niya ako."
Isang hindi naniniwalang tingin ang ginawad ng dalaga dito. "E, bakit nakita kong niyakap ka niya noon nakaraang araw?" Patuloy na pangungususa niya ng maalala niya ang nakitang pagyakap ni Nicah dito mga ilang araw na ang nakakaraan.
Nagsalubong tuloy ang kilay ni Noah. "Pagyakap? Nang nakaraang araw?"
"Oo ... mga four days ago ata iyon, nung time na hindi pa totoo ang relasyon natin."
"Ahhh.." Biglang bulaslas ni Noah ng maalala ang tinutukoy ni Sam.
"Love... oo niyakap niya ako pero mabilis rin naman akong kumalas sa pagkakayakap niya." Paliwanag ni Noah sa nangyari ng araw na iyon.
Awtomatiko namang napataas ang isang kilay ang dalaga, hindi niya kasi alam kung paniniwalaan ito. Pero sa tingin naman ay totoo ang sinasabi nito, hindi lang talaga niya nakita na ang pagkalas nito sa pagkakayap ni Nicah dahil agad na siyang umiwas ng tingin ng mga oras na iyon.
"Talaga?"
"Oo .. promise. Saka 'yon kagabi naman hindi naman namin kasama ni Nicah, sinundan lang talaga niya kami ni Alvin at nang makita siguro ako ni Shawn –" Ngumiwi pa siya pagkabangit ng pangalan ni Shawn. " – e kinakausap ko si Nicah at pinapauwi na siya."
Humalukipkip si Sam at tumingin sa mga mata ni Noah.
"Love, promise walang something sa'min ni Nicah – ikaw lang mahal ko." Anito na itinaas pa ang kanang kamay.
Saglit na hindi umimik si Sam then maya-maya ay ngumiti na siya tanda na naniniwala siya sa boyfriend.
Dahil sa pagngiti na ni Sam ay mabilis nang lumapit si Noah sa girlfriend at inakbayan ito.
BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomansaFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.