CHAPTER FOURTEEN
Inis na naihagis ni Noah ang kanyang cellphone sa kama dahil kay Sam. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis dito akala pa naman niya ay iniisip din nito ang nangyari kanina at naapektuhan din ito pero it turns out na hindi naman pala at iba naman pala ang iniisip nito.
"Nakakainis talaga ang babaeng 'yon akala mo naman kung sino!" Inis na aniya na lang sa sarili at padabog na napahampas pa sa kama.
Ewan ba naman kasi niya kung bakit ba siya nagpapaapekto sa nangyari kanina. Wala lang naman 'yon at saka it was just Sam, walang espesyal sa kanya para pagtuunan niya ng pansin masyado iyon.
Napailing-iling siya at pilit na inaalis sa isipan niya ang mga nangyari kanina sa pagitan nila ni Sam at pabagsak na siyang nahiga. Mas mabuti pang matulog na siya kesa kung ano-anong walang kwentang bagay pa ang iniisip niya!
* * * * *
Kinabukasan dahil linggo naman kaya talagang hindi bumabangon si Sam ng maaga pero ang mahimbing at masarap niyang tulog ay maiisturbo nanaman pala dahil syempre kanino pa nga ba kundi kay – Noah.
"Sam!" Sigaw ni Noah sa tengga ni Sam at dahil sa sobrang gulat ng dalaga ay bigla itong napabangon.
"Saan ang sunog? Saan ang sunog?" Naghysterical na sigaw ni Sam dahil sa naalimpungatan ito at pagkagulat.
Samantalang si Noah naman at tawang-tawa na nakatingin kay Sam habang nagtataranta ito na nakatayo sa kama at paikot-ikot ito doon.
Isang minuto din ang lumipas bago nakabawi si Sam sa pagkagulat at saka lang niya narealize na wala namang sunog. Tumigil na siya pagpapaikot-ikot sa ibabaw ng kama at isang matatalim ang tingin na ipinukol niya kay Noah.
Padabog siyang tumalon pababa sa kama at galit na galit na lumapit dito. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at matatalim ang kanyang mga tingin na para talagang handang-handa siyang pumatay ng tao sa mga oras na ito.
"Tarantado ka talaga!!!!" Galit na galit na singhal niya dito sabay taas ng kamao at isang malakas na suntok ang pinakawalan niya na sa kasamang palad ay mabilis na nakaiwas ang binata pero agad din naman siyang nakabawi at muling inulit ang pagsuntok pero muli nanamang nakaiwas ito.
This time ay sinalo na nito ang kamao niya at hinawakan ng mahigpit, nanlaki ang mga mata niya at pilit na binabawi ang kamay pero sadyang malakas ito kaya itinaas niya ang isa pang kamay para hampasin ang kamay nito na nahawak sa isa niyang kamay pero mabilis na nahawak din nito ang natitirang kamay.
"Ano ba Noah bitawan mo ako!" Singhal na utos niya dito.
Ngumisi lang si Noah sabay sabi. "Kiss muna bago ko bitawaan ang kamay mo." Anito na hindi alam kung bakit nasabi niya iyon.
Samantala mas lalong nag-init ang ulo ni Sam dahil sa tinuran ni Noah kaya pinanlakihan niya ito ng mata sabay sagot na. "Kiss-in mo ang mukha mo!" Singhal niya.
Para naman makabawi si Noah sa nasabi – na hindi naman talaga niya intensyon na sabihin at hindi niya alam kung paanong iyon ang lumabas sa bibig niya ay isang tawang malakas ang ginawa niya.
"Wow feel na feel mo naman! As if naman seryoso talaga ako!" Pang-aasar ni Noah kay Sam para makabawi. "Hello! Sam kahit kailan hindi ko pinangarap na mahalikan ka!" Dagdag pa nito kaya mas lalong nanlaki ang mata ni Sam at mas lalong kumulo ang dugo niya.
Ang kapal naman kasi ng mukha ng lalaking ito as if naman siya pinapangarap din niya na mahalikan ito! Yucks! Over her dead body!
"Ang kapal! Hoy 'ni talang buhay ko hindi ko rin pinangarap na mahalikan mo o mahalikan ka!" Ganting aniya dito.
"Owws ... ayaw umamin!" Patuloy na pang-aasar nito sa kanya kaya mas lalo pa siyang nagalit.
"Naku Noah 'pag ako nakawala makakatikim ka talaga sa'kin ng isang napakalakas na suntok!" Sagot na bant niya dito dahil sa inis sabay ibinigay niya ang buong niyang lakas para mabawi ang dalawa niyang kamay na hawak nito – nang sa hindi niya inaasahan ay bigla namang binitawan ni Noah ang mga ito.
At dahil sa hindi nga naman niya inaasahan na bibitawan na nito ang kamay niya ay nawalan siya ng panimbang at BOOM! Bumagsak siya sa sahig.
Isang malakas na paglagapak ng katawan at ulo ni Sam ang umalingawngaw.
"OUCH!" Malakas na daing niya sabay napahawak sa ulo dahil sa pagtama nito sa sahig na medyo napalakas din. Mas ininda niya ang pagkakatama ng ulo kesa sa katawan dahil mas delikado ang parteng iyon.
Nagulat si Noah sa nangyari dahil hindi naman niya inaasahan na babagsak si Sam. Dali-dali niya dinaluhan ang dalaga.
"Ok ka lang ba?" Pag-aalalang tanong niya dito sabay hawak niya sa kamay nito para sana tulungan itong makatayo pero agad nitong tinabig ang kamay niya!
"Don't touch me!" Galit na singhal na utos nito.
Pero hindi siya nakinig dito at muli niyang sinubukan na alalayan ito pero muli pa ring tinabig nito ang kamaya niya.
"Sam, I'm sorry I didn't mean it!" Paghingi niya ng paumanhin sa dalaga para hayaan na siyang tulungan ito pero hindi ito sumagot.
Dahil sa hindi nito pagsagot at sa pananatili lang itong nakahiga sa sahig ay wala nang ibang choice si Noah kundi buhatin ito.
Nanlaki ang mga mata ni Sam ng bigla siyang buhatin ni Noah kaya pilit siyang nagpupumiglas. "Ano ba Noah, ibaba mo nga ako!" Utos nito.
"Wag kang malikot, baka mahulog ka nanaman." Saway naman ni Noah dahil sa pagpupumiglas nito.
"Ibaba mo na kasi ako."
Pero hindi nakinig si Noah at nagpatuloy ito sa pagbuhat kay Sam at naglakad siya palapit sa kama nito at doon niya ito binababa.
Pagkababa ni Noah kay Sam sa kama ay naupo din siya. "Patingin..." Aniya dito na ang tinutukoy ay ang ulo nito pero hindi nanaman umiimik si Sam at masama pa ang tingin sa kanya.
Syempre masama pa rin ang loob ni Sam dahil sa pagkakabagsak niya at isa pa ay masakit din ang katawan at ulo niya dahil sa pagbagsak na iyon.
"Sorry na nga diba.. wag ka nang magalit hindi ko naman sinasadya." Patuloy na panunuyo ni Noah sa dalaga.
"Sorry – hoy Noah alam ko sinadya mo naman 'yon diba, dahil gusto mo talaga akong masaktan!" Patuloy pa rin na pagmamaktol ni Sam na pinaratangan pa ito.
"Hoy Sam 'wag na 'wag mo nga akong pagbibintangan na gusto talaga kitang masaktan dahil kailan ay hindi ko 'yon naiisip dahil –" Mabilis na pagtatangol ni Noah sa sarili dahil sa pambibintang sa kanya ni Sam pero biglang nabitin sa ere dahil sa susunod na salita sana na sasabihin niya.
"Dahil?"
"Dahil mahal kita –"
"Mahal?" Nakasalubong ang kilay na ulit ni Sam.
"Oo dahil para na kitang kapatid ...." Pagpapatuloy ni Noah sinasabi niya.
Biglang parang nakaramdam si Sam ng pagkadismaya dahil sa narinig na sagot ni Noah. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganon na lang ang naramdaman niya.
Hindi rin niya alam kung bakit parang tinutusok ng libo-libong karayom ang kanyang puso.
©2018
BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.