CHAPTER SIXTEEN

54 0 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN


"Hoy Sam!" Tawag ni Noah kay Sam ng mamataan nito ito na palabas na ng gate. Nang lumingon sa kanya ang dalaga ay mabilis siyang lumapit dito at inakbayan ito. "Sabay na tayo." Anito pa sabay kindat.

Bigla naman napalunok si Sam dahil sa pagkakaakbay sa kanya at biglang parang naging abnormal ang pagtibok ng puso niya dahil sa sobrang bilis.

"Uhhh – uhmmm – hi-hindi pw-ede, susunduin a-ako ni Sh-awn." Ewan ba niya kung bakit siya nauutal sa pagsagot. Hindi naman siya dati ganon sumagot dito.

Napakunot ng noo si Noah. "Bakit nauutal ka? May sakit ka ba?" Pagtatakang tanong nito sabay humarap ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya na mas lalong nagpabilis at nagpalakas pa sa pagkabog ng kanyang dibdib.

Sinabayan pa ng pagdaan ng mga kaklase ni Noah at nang-asar pa ang mga ito.

"Oyyy....ang sweet naman ng lovebirds!!!!!" Sabay-sabay na pangangatyaw ng mga ito sa kanila.

Napailing-iling naman si Noah sabay ngiti dahil pangangatyaw ng mga kaklase nito. "Heh! Tumigil nga kayo!" Saway niya sa mga ito saka muling binalik ang atensyon kay Sam. "Ano may sakit ka ba?" Ulit nito sa tanong.

Agad na napailing-iling si Sam ng tatlong beses.

"Sigurado ka? E, bakit parang kakaiba ka ata ngayon saka –" Anito na natigil bigla ang sinasabi dahil inilapit nito ang tengga sa may dibdib ng dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Sam dahil sa ginawa nito at biglang hindi siya makahinga ng maayos.

"Bakit ang lakas at bilis ata ng kabog ng dibdib mo – don't tell me –"

Hindi na pinatapos pa ni Sam sa pagsasalita si Noah dahil mabilis na itong napatakbo palayo dito.

Naiwan naman si Noah na takang-taka habang nakasunod ng tingin kay Sam. "Something wrong with her!" Napapapailing-iling na aniya pa.


* * * * *


Nang masiguro ni Sam na malayong-malayo na siya ay saka pa lang siya huminto sa pagtakbo. Napahawak pa siya sa tuhod habang hinahabol ang hininga. Nang medyo nakabawi na siya ay saka siya tumayo ng tuwid.

"Kainis talaga ang Noah na iyon! Bakit kailangan pa niyang pakinggan ang pagtibok ng puso ko!" Reklamo niya sa kawalan sabay napasimangot pa. Nang bigla siyang napatalong sa gulat dahil sa biglang pagbusina ng sasakyan na nasa likod niya. "Ay kabayo!"

Galit siyang napalingon sa sasakyan na bumusina sa kanya ng napalitan ng kunot ng noo ang galit niya ng maaninag kung sino ang sakay ng kotse – walang iba kundi si Shawn. Nakataas ang kilay na mabilis siyang naglakad palapit dito. Nang makalapit na siya ay yumuko siya at dumungaw sa binatana ng kotse nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas pa rin ang isang kilay na tanong niya dito.

"Sinusundo kita." Ngiting-ngiting sagot nito kaya napangiwi siya.

"Sinusundo?" Ulit niya.

Dalawang magkasunod na tanggo ang mabilis na sinagot nito.

"Bakit?"

"Kailangan pa bang may okasyon o dahilan para sunduin kita?"

Agad naman na natigilan si Sam dahil sa tinuran ni Shawn. Wala din sa ayos ang mga sagot nito e.

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon