CHAPTER EIGHT
"Bati na tayo ha..." Patuloy na panunuyo ni Noah kay Sam habang nakaupo sila sa cafereria.
"Oy! Sam patawarin mo na kasi..." Panunudyo naman ng mga kakaklase ni Sam na nasa kabilang table lang at naririnig ang panunuyo sa kanya ni Noah.
Tiningnan niya ng masama ang mga kaklase. "Heh! Manahimik nga kayo diyan!" Singhal naman niya sa mga ito saka bumalik ulit ang tingin niya kay Noah.
"Ang lakas mo rin manglait tapos ngayon magsosorry ka." Pangungumpronta niya kay Noah.
"E, ikaw naman kasi ang nag-umpisa." Anito.
"Wow! So kasalanan ko pala?"
"Oo." Mabilis na sagot ni Noah na ikinalaki ng mata niya.
"Ang kapal –" Muling singhal nanaman sana niya ng bigla siyang napatigil sa pagsasalita dahil sa isang pamilyar na bulto ng babae ang namataan niyang papalapit sa kanila.
Dahil sa reaksyon niya ay napasunod din si Noah ng tingin sa gawing tinitingnan niya.
"Nicah!" Sambit nito sa pangalan ng babaeng papalapit.
Malamang kilala ito ni Noah dahil ito lang naman ang isa sa mga babaeng hindi ata alam ang salitang 'hiya'. Pano ba namang kung makadikit at makaankin ito sa binata ay animo'y pamamay-ari na talaga nito ito.
Kulang na nga lang ay sa bahay na rin nina Noah ito tumira kakasunod dito.
At itong si Nicah ang isa sa mga dahilan kung bakit talagang kailangan ni Noah ang tulong ni Sam.
Gusto na niyang mawala ito sa buhay niya.
Hindi pa nito alam ang tungkol sa kunwaring relasyon nila ni Sam dahil absent ito ng isang linggo dahil sa namatay ang Lola nito na nasa probinsya kaya kinailangan nitong magtungo doon.
Agad na bumalik ang tingin ni Noah kay Sam.
"Sam magbati na tayo ha, promise magiging mabait na ako sayo." Mabilis ang bawat pagkakasabi niya para bago pa man makalapit sa kanila si Nicah ay okay na sila ni Sam.
Napangisi naman si Sam na napabalik ng tingin sa kanya.
"Talaga?" Nakataas ang kilay na tanong ng dalaga.
"Oo..Oo.."
Muling tumaas ang kilay niya. "Sige bibigyan kita ng isa pang chance." Nakangising saad niya.
Sakto naman ang pagkakabati nila ay nakalapit na sa kanila si Nicah.
"Hi Noah!" Masiglang-masiglang bati nito sa kanya.
Ngumiti lang si Noah pero isang napaka fake na ngiti.
"Hi Sam." Bati din nito kay Sam pero hindi ito nginitian ni Sam.
Pero hindi na iyon ininda ni Nicah bangkos ay mabilis itong naupo sa tabi ni Noah na ikinaingay naman ng mga kaklase ni Sam na nasa kabilang mesa pa rin.
"Oy!!!!" Reaksyon ng mga kaklase ni Sam kaya inirap ang mga ito ni Nicah.
Agad naman na tumayo si Sam sabay labit kay Nicah at hablot sa braso nito at hinila ito patayo na ikinagulat naman ng dalaga.
BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomanceFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.