CHAPTER SIX
"Good morning!" Masiglang bati ni Noah kay Sam na gumulat sa dalaga pagkalabas nito sa silid.
Nagsalubong naman tuloy ang kilay ni Sam sabay tanong. "Anong ginagawa mo dito?"
Ngumisi si Noah ng pagkalapad-lapad bago sumagot. "Syempre sinusundo ka."
Ang pagkakasalubong ng kilay ng dalaga ay napalitan naman ngayon ng pagtaas ng isang kilay. "Sinusundo?" Ulit nito sa sinabi ni Noah.
"Yes, of course. You're my girlfriend." Sagot pa nito na pinalakas pa ang boses na parang may gusto nitong may makarinig.
Mas lalong tumaas ang kilay ni Sam sabay hila kay Noah papasok sa kwarto niya.
"May sakit ka ba? May problema ka ba?" Magkasunod na tanong niya dito ng makapasok na sila sa loob ng silid niya at maisara na niya ang pinto.
"Sakit? Problema?" Nakasalubong ang kilay na ulit ni Noah sa mga tanong niya dito.
"Oo, e, kasi.... oo alam ko kunwaring girlfriend mo ako pero – WOW naman 'wag mo naman masyadong careerin na hanggang dito sa bahay ay kailangan pa natin magkunwari at baka mamaya niyang masanay pa sina Dad at mas lalong matuwa."
"Ayaw mo ba 'non atleast napasaya mo si Tito Ian." Anito sabay ngiti.
"Aba Noah pano natin gagawin 'yong kunwaring paghihiwalay natin kung gagalingan mo masyado sa pag-acting mo."
"Sam... matagal pa naman 'yong expiration ng deal natin kaya h'wag mo na munang isipin iyon at makisama ka na muna."
Muling tumaas ang kilay ni Sam.
"Ay! Ewan ko sayo basta kapag tapos na ang deal natin ikaw ang bahalang mag-isip ng plano kung paano natin sasabihin na kunwari naghiwalay na tayo." Sabi nya na lang kay Noah para wala na silang mahabang pagtatalo.
"Oo ako ang bahala." Nakangising sagot naman ng binata.
Nang biglang pareho silang nagulat dahil sa malakas na katok. Agad namang binuksan ni Sam ang pinto.
Nang bigla siyang napangiti dahil sa nabungaran niya na kumatok. "Shawn?" Masiglang sambit niya sa pangalan nito. "Good morning." Dugtong pa niya.
Mabilis din naman napasilip si Noah ng marinig nito ang pangalan ni Shawn.
"Good morning..." Ganting bati ni Shawn na agad din lumipat ang tingin kay Noah. "Noah.... Ang aga mo 'ata dito?" Puna nito sa binata.
Umayos muna si Noah sa pagkakatayo bago sumagot. "Syempre sinusundo ko ang girlfriend ko." Sagot niya sabay akbay kay Sam.
Isang pasimpleng siko naman ang iginawad ni Sam dahil sa pag-akbay ni Noah sa kanya pero hindi na 'yon pinansin ng binata.
"Oh, ok pero.... Allowed ka bang pumasok sa kwarto ni Sam?" Muling usisa ni Shawn na nagpangiwi kay Noah at nagpataas pa sa kilay nito.
"Oo naman." Mabilis na tugon ni Noah. "Malaki ang trust sakin ng mga magulang ni Sam kay ina-aallow nila ako." Dugtong pa niya with confident.
Dahil sa parang may tensyon na nararamdam si Sam sa pagitang ng dalawang lalaki ay agad siyang sumingit sa usapan ng dalawa. "Uhmmm Bakit nga pala? May kailangan ka ba?" Sabat na tanong na niya kay Shawn dahil baka saan pa mapunta ang usapan ng dalawa.

BINABASA MO ANG
FAKE LOVE (EDITING)
RomansaFAKE GIRLFRIEND, FAKE LOVE.. A disaster relationship of Samantha with Noah and Shawn.