LAST CHAPTER

152 2 0
                                    


Kinabukasan nga ay nagpaalam na si Shawn kina Sam na babalik na siya sa bahay nila ayaw nga sana itong payagan ng parents ni Sam lalong-lalo na ng Mama ng dalaga na ninang niya dahil hinabilin siya ng mga magulang sa mga ito pero napaliwanag naman siya at sinabing nakausap na niya ang parents niya at pumayag na rin ang mga ito na bumalik na siya sa bahay nila kahit na hindi pa ang mga ito bumabalik.

Kaya ayon kahit mabigat man sa loob niya na umalis na agad pero kailangan niyang gawin dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang nararamdaman niya para kay Sam at baka sa bandang huli ay makagulo lang siya sa relasyon nito at ni Noah kaya mas mainam na ito na siya ang lalayo.

Hindi naman kasi ng nakakabawas ng pagkalalaki ang pagsuko at pagpaparaya, mas nakakaproud pa nga iyon dahil marunong kang tumangap ng pagkatalo at marunong kang magbigay para sa ikakabuti ng lahat.

Hindi man sila para sa isa't-isa ni Sam pero atleast kahit papaano ay maswerte pa rin siya dahil may mga natatutunan naman siyang mahahalagang lesson tulad nga ng papagpaparaya at pagsuko.

"Bakit bigla-bigla naman ata ang pag-uwi mo?" Malungkot na tanong ni Sam dahil sa pagpapaalam ni Shawn.

Isang malapad na ngiti ang iginawad ng binata kay Sam. "Namimiss ko na kasi ang bahay namin." Pagbibirong sagot nito. Ayaw naman kasi niya ipakita na nalulungkot din siya sa pag-alis niya kaya dinaan na lang niya sa biro.

"Hay naku! Hindi ka man lang makausap ng maayos." Reklamo naman ni Sam dahil sa sagot ng kinakapatid. "Bakit nga kasi? May naging problema ka ba dito?"

Napakamot tulog si Shawn sa ulo. "Ano ka ba wala ah – ikaw talaga kailangan pa ba talaga ng rason? – E sa gusto ko nang umuwi, saka namimiss ko na rin mga tropa ko don."

Agad naman napangiwi si Sam dahil sa huling sinabi ng kinakapatid. "Ows? Baka naman may namimiss kang iba doon?"

Tumaas ang isang kilay ng binata. "Ano naman sayo kung may namimiss nga ako na iba doon."

Nagliwanag bigla ang mukha ni Sam sabay bulalas na. "Sabi ko na nga ba e!" Tuwang-tuwang bulalas niya dahil sa pagsakay ni Shawn sa panunudyo nito.

Napailing-iling na lang at napabuntong-hininga na lang tuloy si Shawn dahil sa reaksyon ng dalaga.

Mas maganda na ito na wala itong alam tungkol sa totoong rason ng pag-alis niya baka kasi maging akward pa sila sa isa't-isa.


* * * * *


"Talaga?" Hindi makapaniwalang bulaslas ni Noah ng sabihin ni Sam sa kanya na umalis na si Shawn sa bahay ng mga ito.

Kasalukuyang nasa Jollibee sila para kumain.

"Wow tuwang-tuwa ha." Ani Sam dahil sa reaksyon ni Noah.

"Syempre alam mo naman na mainit ang dugo ko sa kanya."

"Bakit ba kasi ang init ng dugo mo sa kanya?"

"Ewan ko basta ayaw ko lang sa kanya – parang ikaw kay Nicah ayaw mo din sa kanya noon at kahit nga ngayon." Sagot ni Noah.

"Sa bagay may point ka nga naman." Sang-ayon ni Sam dahil ganon naman talaga diba, may mga tao talaga kahit kakakilala pa lang natin ay hindi na natin gusto.

"Ahh – by the way before anything else nga pala may ibibigay pala ako sayo –" Biglang saad ni Noah ng maalala na may ibibigay para sa girlfriend. Agad niyang kinuha mula sa bulsa ang isang box. "Here –" Anito sabay abot kay Sam.

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon