CHAPTER THREE

134 2 0
                                    

CHAPTER THREE


And their DEAL begins....

Sabay na pumasok sina Sam at Noah sa school. Pagpasok na pagpasok pa lang ng dalawa sa gate ng kanilang paaralan ay sa kanila na agad napako ang tingin ng mga kapwa nila estudyante.

Well dahil famous nga si Noah kaya talagang maraming interesado at nakikisawsaw sa buhay nito.

"So totoo nga ang tsismis na silang dalawa na..." Pabulong na sabi ng isang babaeng estudyante sa kasama nito na nasa gawing kanan nina Sam at Noah.

Pero hindi na ng dalawa pinansin ang mga sari-sari pang bulungan ng mga kapwa nila estudyante tungkol sa kanilang dalawa. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa kani-kanilang classroom.

Hinatid muna ni Noah si Sam sa classroom nito bago ito dumereso sa sariling classroom. Syempre as a gentleman boyfriend kailangan niyang gawin iyon.

"Wow so totoo nga na kayo na ni Sam." Hindi makapaniwalang reaksyon na sabi ni Alvin kay Noah pagkadating niya sa classroom nila.

Si Alvin ay isa sa mga malapit na kaibigan ni Noah at kateammate din niya ito sa soccer.

"Oo naman, bakit may nakapagtataka ba doon?" Nakasalubong ang kilay na sagot na usisa ni Noah dahil sa reaksyon ng kaibigan.

Napakamot muna sa batok si Alvin. "Oo nakapagtataka talaga kasi...." Anito na napaisip muna saglit bago itinuloy ang sasabihin.

"UNANG-UNA ni wala si Sam sa kalingkingan ng mga babaeng nakaflirt mo... PANGALAWA hindi si Sam ang mga tipo mo at PANGATLO WHO'S SAM, hindi siya famous tulad ng mga girls na nakaflirt mo." Pagiisa-isa nito sa mga dahilan kung bakit nakapagtataka ang pagkakaroon ng relasyon nina Sam at Noah.

Napangiwi naman si Noah dahil sa tinuran ng kaibigan sabay nakangising sabi na "Sige iparinig mo yan kay Sam at siguradong may paglalagyan ka."

"Bakit totoo naman ang mga sinabi ko ha...."

"So ganun!" Nanlalaki ang matang napalingon si Alvin mula sa kanyang likod dahil sa pamilyar na boses na nagsalita. Nakaupo kasi siya patalikod mula sa pinto.

"SAM...." Parang maamong tupa na sambit nito sa pangalan ng dalaga pagkalingon niya dito.

"So ganyan ka palang klaseng kaibigan ano – nagbabackstab!" Matalim na tingin na panunumbat ni Sam kay Alvin na kaibigan din ng dalaga.

"Sam... hindi naman sa ganon... I was just saying the truth." Katwiran ni Alvin na hindi na nag-abala pang bawiin ang mga sinabi kanina.

"Saying the truth pala ah! E, kung eto kaya ang itruth ko sayo..." Nanlalaki ang mata na paninidak na saad naman ni Sam sabay taas ng kamao.

Dahil sa ginawa na iyon ni Sam ay agad na napatayo mula sa upuan nito si Alvin sabay mabilis na punta sa likod ni Noah para magtago. "Wala naman ganyanan..." Anito sa dalaga.

Natatawa naman na napatingin si Noah kay Alvin. "Ang lakas-lakas ng loob mo magsalita ng ganon takot ka rin pala." Pang-aasar nito sa kaibigan kaya nahampas siya nito sa balikat.

"Naku next time na marinig ko pa na binabackstab mo ako.... naku may paglalagyan ka na talaga sa'kin." Banta naman ni Sam kay Alvin saka ibinababa na nito ang kamao at itinuon na ang tingin kay Noah. "O, nakalimutan ko pala ibigay sayo." Aniya dito sabay abot ng isang papel.

FAKE LOVE (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon