Arren's POVSa lahat na mga archangel na nakasama ko, Si Michael ang hindi ko kasundo. Oo matapang siya, masunurin sa lahat nang mga utos at he's a man of honor.
In other words, he's always by the book. Diyan siya palaging naka salalay, kung anong isinulat at kung ano ang batas.
Walang kai-kaibigan, walang kapa-kapatid, pag ika'y nagkasala, ika'y mapaparusahan. Lahat pantay pantay para sa kaniya.
Kaya alam ko kung baket siya nandito. Alam ko na may kasalanan ako. Alam kong may nasira akong batas naming mga Anghel. That's why he's here to collect.
Hindi siya sumagot noong binati ko siya. Bastat naka tiningin lang siya sa'min at hindi kumikibo.
"Lord Michael.." biglang nag salita si Memphis. Agad ko siyang tiningnan nang masama dahil ang sabi ko wala mag sasalita.
Ilang sandali pa, sa isang iglap para kaming hinipan nang malakas na hangin at pag tingin ko nandoon na siya sa harapan ko naka tayo.
"Oh sh*t!" gulat na sinabi ni Bea. Bigla rin siyang napahawak sa kamay ko sa gulat.
Agad akong hinawakan ni Michael sa mga kwelyo ko at binalibag patalikod. Ang lakas niya! Parang wala lang sa kaniya yung pag hagis sakin.
"Arreeennn!!!" sigaw ulit ni Bea. Lalapit sana siya sa'kin nang bigla siyang hinawig ni Michael papunta kay Memphis.
Mabuti nalang at nasalo siya nito kaya parang napa upo silang dalawa.
Muling lumapit sa'kin si Michael at hinawakan ulit ako sa kwelyo at inangat pataas gamit ang isang kamay.
"How dare you defy his words Brother?!!" sigaw niya sa'kin. Kitang kita ko ang mga galit sa kaniyang dilaw at nag niningning na mga mata.
Sinubukan kong hawakan ang kaniyang kamay para mabitawan ako pero muli niya akong binagsak nanaman sa lupa.
"Tama na!!! Please!! Michael tama na!!" Sigaw at pakiusap sa kaniya ni Bea.
"Silence!!" Sagot naman ni Michael habang tinititigan ito nang masakit. "Know your place human!! You are beneath me and i urhg--- hindi kona siya pinatapos nang bigla kong siyang hinawakan sa paa at hinila para matumba.
Dahan dahan akong tumayo at naka hawak ako sa aking tyan dahil napakasakit nang aking pagka bagsak.
Pero bago pa akong tuloyan na maka tayo, biglang parang may umihip nanaman at nandoon na si Michael sa aking harapan. Agad siyang bumunot nang kutsilyo at itinutok sa aking Mukha.
"You know that i can kill you right now.. Hybrid..." sabi nito nang naka ngisi. Baket ganito ang galit sa'kin ni Michael? Hindi ko ma intindihan.
Pero sa hindi inaasahan, may biglang yumakap sa'kin habang tinututukan ako ni Michael nang kutsilyo.
"Please!! Tama na!! Michael... I beg you." Si Bea pala! Tinutulak ko siya palayo pero ang higpit nag pagkayakap niya sa'kin.
Maya't -maya pa ay, dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ni Michael na may kutsilyo. At itinutok ito sa kaniyang dibdib.

BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasyThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...