Bea's POV
"Kneel before my Lord.... Lucifer"
Hindi ako maka paniwala na ang nilalang na nasa harapan ko ngayon ay---ay si... Siya ang nilalang na kinakatakutan nang lahat, mapa tao man o anghel, ang dahilan ng lahat nang kasamaan dito sa mundo. Si LUCIFER!!!!
Napa iling ako at napa upo sa sahig. Parang pa balik balik lang sa tenga ko ang pangalan niya. Sobrang lakas nang kabog sa dibdib ko at biglang nag tagasan ang mga pawis sa ulo ko.
"Lu--lu--lucifer?" nanginginig kong sambit sabay takip sa bibig ko. Ilang sandali pa at bigla siyang napa titig sa akin. Agad naman akong napa yuko. Ayokong tingnan siya sa mga matang matatalim at nananalisik.
Tumayo siya sa kaniyang trono at dahan dahang humakbang papalapit sa aking OH MY GOD!!
Rinig na rinig ko ang mga yapak niya kahit naka paa lang ito. Parang hihimatayin na ako sa sobrang takot! Hindi korin mapigilan ang mga nanginginig kong mga kamay na naka lapag sa semento. Agad pumatak ang mga luha kong dala nang takot na baka anong gawin niya sa akin.
Mas nadagdagan pa ang kabog nang dibdib ko at panginginig nang aking katawan nang tumapat na siya sa harapan ko. Hindi ako gumagalaw at naka tingin lang ako sa mga paa niyang nasa harapan ko ngayon.
"Look at me...." sambit niya at napa pikit ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Oh my god!!! Parang gusto kong sumigaw o tumakbo pero hindi ko naman magalaw ang katawan ko. At hindi korin pwedeng iwanan si Kathy.
"I will not hurt you child..." sambit niya ulit. Hindi parin ako kumibo kaya napilitan siyang mapa luhod sa harap ko. Nilagay niya ang kaniyang isang daliri sa ilalim nang panga ko at dahan dahan niya itong itinataas para tumingin ako sa kaniya.
Pinikit ko parin ang aking mga mata at pigil na pigil ako sa aking pag iyak. Hinawi niya rin ang buhok kong naka tabon sa aking mukha. "Open your eyes." sabi niya ulit sa akin. Kahit takot na takot ako, wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Laking gulat ko nalang dahil nasa tapat lang talaga siya nang mukha ko! As in super lapit lang talaga!!
Agad kong nakita ang kaniyang buong mukha. Ang pagkabilog at pagka itim nang kaniyang mga mata. Bakat na bakat ang kaniyang jawline. Makinis din ang kaniyang mukha at maputla. Maputla din ang kaniyang bibig na parang hindi naka inum nang tubig
Wala akong nakitang sungay at mga pangel. Hindi mapula ang kaniyang mga balat at wala siyang tungkod na hugis kutsara na katulad sa nakikita natin sa libro o kimiks.
Ibang iba ang Lucifer na nasa harap ko ngayon kaysa sa mga sinasabi nang karamihan. Hindi diablo o halimaw ang nasa harapan ko ngayon, para lang siyang anghel na katulad nina Arren.
"Now, are you scared?" natauhan ulit ako nang nag salita siya. Hindi ko parin siya sinasagot. Ilang sandali pa, pilit niya akong pinatayo at pagkatapos ngumiti siya! Doon ko napatunayan na wala talaga siyang pangel.
"Magkamukha nga talaga kayo." sambit niya sabay talikod at pagkatapos bumalik agad sa troni niya. Doon na ako naka hinga nang maluwag ng mapalyo na siya sa akin. Pag upo niya sa kaniya trono, sinandal niya ang kaniyang mukha sa kaniyang kamay.
"Tell me, do you know where you are? And why your here?" Tanong niya sa akin. Mejo napa kunot noo siya dahil hanggang ngayon hindi ko parin magawang sumagot sa mga katanungan niya.
"ANSWER HIM!!" napa pikit ako sa gulat nang biglang sigawan ako ni Azazel. Nahalata niya siguro na kanina pa ako hindi kumikibo.
Tinititigan lang ako ni Lucifer. Pero pakiramdam ko ay unti unti na akong nasusunog sa titig palang niya. Ramdam ma ramdam ko ang tensyon at aura niya. Malakas at mabigat sa pakiramdam. Wala akong nagawa kundi sumagot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasyThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...
