"AT LAST....I HAVE HIM!! HAHAHAHA!" (Lucifer)
"NO!!! ARREN?!! ARREN!!! GUMISING KA PL—IBALIK MO SIYA SA AMIN!!!" Pag mamakaawa ko sa kaniya
Sinakop ang buong paligid nang kaniyang halakhak. Boses parin ni Arren ang naririnig ko, parang hindi ko matanggap na nagawa niyang makuha ang katawan ni Arren!
Tumingin ako sa paligid pero hindi ko parin nakikita ang mga kasama ko. Gusto kong humingi nang tulong sa kanila pero hindi ko alam kung sino ang tatawagin ko.
Tulala lang ako na naka titig kay Arren na naka lutang sa ere. Kahit ang sakit tanggapin, alam kong hindi na si Arren ang nag dadala nang katawan niya.
Tinitingnan niya ang kaniyang katawan, mula mga daliri, paa, papunta sa kaniyang ulo. Parang naninibago at sinasanay niya ang kaniyang sarili sa bago niyang katawan.
"Arren? Naririnig mo paba ako? Please, kung nanjan kapa, labanan mo Arren! Labana—"
"Hindi mo pa ba nakikita?! Kahit ano pa ang sasabihin mo, akin na ang katawan niya! Wala na si Arren.. WALA NA!!" Singit niya sa akin. Bigla akong tumakbo papalapit sa kaniya pero parang may kung anong humarang nalang sa akin na hindi manlang ako maka lapit o mahawakan siya.
"It's no use my child.. Nararamdaman kona ang aking kapangyarihan.. Oras nalang ang hinihintay bago tuloyang masanay ako sa katawan niya!" saad ulit ni Lucifer.
Hindi ko mapigilan ang panginginig nang aking katawan. Parang nawawalan na ako nang pag-asa. Nakuha niya na ang si Arren, hindi kopa mahanap ang mga kasama ako, pano kung ano nalang talaga ang natitira? Ano na ang gagawin ko?!
Ilang sandali pa at palutang siyang lumalapit sa akin. Pag dating niya sa harap ko, inilahad niya ang kaniyang kamay.
"Join me... And we will rule this world as Gods! Mag hahari ako sa—"
Hindi niya natapos ang kaniyang sinasabi dahil biglang may tumama sa kaniya na parang kuryente at agad siyang tumilapon.
Tumingin ako kung saan ito galing at laking gulat ko nang makita si Michael na parang kakaahon palang sa mga malalaking yelo at puno na ito nang dugo sa katawan.
"MICHAEL!!!!" sigaw ko sa kaniya at nag madali akong tumakbo papunta sa kaniya.
Nag madali akong isa-isahin ang mga natitirang yelo na naka tabon pa sa kaniyang isang paa. Pero habang ginagawa ko yun, nagulat muli ako dahil biglang humanig ang buong paligid at nag lutangan sa ere ang mga yelo. Na isip ki agad na baka si Lucifer nanaman ito.
Pero hindi pala, sa ilalim nang mga nag lulutangan na mga malalaking yelo ay nakita ko si Galathea na pilit niyang kinokontrol ang mga ito at inilayo sa amin.
Naka luhod siya at naka angat ang kaniyang dalawang kamay. May mga dugo rin siya sa katawan at parang hirap na hirap na siya.
Inilayo niya ang mga nag lalakihang mga yelo at ibinagsak ito na parang naka palibot sa amin. Parang nag silbing mga harang nanaman ito para hindi muna maka atake ang mga kalaban. Pagkatapos nun ay agad siyang bumagsak sa lupa at nawalan nang malay.
Doon kona nakita ang iba naming mga kasaman na puro patay na, ang daming katawan na naka kalat sa paligid. Hindi ko alam kung may buhay pa sa kanila.
"P-puntahan mo muna s-sila bea!" Utos naman ni Michael sa akin. Tinulongan ko siyang maka ubo at isinandal sa isang bato.
Nag madali akong tumakbo papunta kay Galathea na Naka handusay sa lupa. Kinapa ko ang kaniyang leeg at tiningnan kung may pulso pa ito, napa hinga akong nang malalim nang naramdaman ang pag tibok nang puso niya.
BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasiThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...
