Arren's POV
Isang linggo na ang lumipas simula nung huling pagkikita namin ni Bea. Araw-araw ko siyang hinihintay sa labas ng ospital para sana manlang makausap o di kaya kahit makita manlang pero pilit niya akong iniiwasan.
Araw-araw ko parin siyang pinapadalhan ng kape at kakanin pero sabi ni Nika hindi niya daw ito ginagalaw.
Hindi kona alam ang gagawin ko. Minsan pag nag kakasalubong kami ay parang hindi niya lang ako nakikita. Parang lubusan niya na akong binura sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam na ganito pala siya lubos na na apektohan.
Pero sana bigyan niya manlang ako ng pagkakataon para mag paliwanag o maayos ito bago pa lumala.
Isang araw, hindi kona talaga kayang hindi siya makita kaya na isipan kong puntahan at personal ko siyang hahatiran ng kape at sandwich.
Pag akyat ko sa taas, dahan dahan kong binuksan ang pinto dahil ma init ang kape na nasa kamay ko. Tamang tama na pag bukas ko ay agad kong nasilayan ang station nila.
Bigla akong napa hinto dahil agad bumungad sakin ang sandamakmak na coffe cup at mga pagkain na ibinigay ko sa kaniya sa taas ng lamesa. Hindi manlang ito nabawasan. Ibig sabihin, hindi niya manlang pinansin ang lahat na pinadala ko sa kaniya. Hinayaan niya lang doon sa taas ng lamesa.
Dahan dahan akong lumapit at pag tapat ko sa station ay nandoon ang dalawa niyang kasama. Si Karen at tania.
"Arren!" biglang tawag sakin ni Tania sabay tingin-tingin sa paligid. "Baket nandito ka?" tanong niya pa sakin. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya.
"Ahm, gusto ko sana siyang dalhan ng kap—"
"Arren ayaw niya nang makita yan. Pasensya kana pero Hindi niya nga ginalaw ang pinadala mo oh, hinayaan niya lang tumambak jan." biglang singit ni Tania naman sa'kin.
"Okay lang, at least ito bago at ma init-init pa. Sabihin mo nalang sa kaniya sa dum—"
"Anong ginagawa mo dito?"
Bigla akong napahinto at nagulat sa pamilyar na boses ng bigla nalang may nag salita sa likod ko. Agad akong lumingon at doon nga siya naka tayo at may hawak na chart kasama si Nika.
"B-bea..sorry na isipan ko lang kasi na dalhan ka ng kape." naka ngiti kong saad sa kaniya pero siya naman ay seryosong lang na naka titig sakin.
"hindi muna ako kailangan dalhan niyan." panimula niya pagkatapos nilagpasan ako at pumasok sa station. Sinundan ko naman siya habang hawak hawak parin kape at sandwich. Bigla siyang huminto sa mga naka imbak na coffee cups na matagal ng naka lagay sa taas ng lamesa.
"Nakita mo ba 'to? Hindi ko nga nagalaw oh? Nag sasayang kalang ng pera at oras sa kakadala mo dito sakin niyan Arren!" na iinis niyang saad sa akin. Hindi ko parin pinansin at agad inabot sa kaniya ang hawak hawak kong mga dala para sa kaniya.
"Ito Bea, Inumin moto habang ma init pa. At may tuna sandwich diyan na paborito mo. Pasensiya kana dahil—"
"ARREN PLEASE!!!!!"
Hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil bigla niyang hinawi ang aking mga kamay at agad tumilapon ang kape at plastic na hawak hawak ko. Na tapunan pa ako ng kape na halos kalahati ng laman nito ay bumuhos sa katawan ko.
Nakakapag taka, hindi ko manlang maramdaman ang umuusok na kape sa aking katawan. Alam kong ma init ito pero wala nang mas masakit pa sa nangyayare ngayon. Nanlaki ang mga mata ng kaniyang mga kasama sa bigla niyang ginawa. Kahit ako, nagulat din pero hindi ko naman siya masisisi.

BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasyThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...