Chapter 34 - Finale

1.3K 51 42
                                    

Isaac's POV

Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos bumalik ang ala-ala ni Lord Arren. Pa balik-balik kami ni Lord Gabriel sa bahay ni Memphis para tanungin si Lord Arren kung kelan na siya sasama sa amin sa langit.

Ang tanging sagot niya lang sa amin ay may hinihintay siya. Hindi niya naman sinasabi kung ano ang yun pero hindi namin siya mapilit. Ang kinakatakot kolang ay ayaw namin na pinapahintay si Ama.

Sa pangatlong araw na pag bisita namin ni Lord Gabriel ay may dinaanan muna kami bago pumunta sa bahay ni Memphis.

"Saan tayo pupunta Lord Gabriel?" tanong ko sa kaniya habang kami ay lumilipad sa kadiliman ng gabi.

"Sandali lang ako, may bibisitahin lang ako na tao." sagot niya naman sa akin habang dahan dahan kaming lumapag sa patagong lugar sa likod ng isang gusali.

Agad tumiklop ang kaniyang mga pakpak at inayos niya ang kaniyang sarili. Mejo naninibago ako sa kaniyang kinikilos ngayon. Ngayon kolang siyang nakitang inayos niya ang kaniyang buhok.

Ilang sandali pa at lumabas na kami sa gusali at naka sunod lang ako sa kaniya. Pag dating sa kabilang kanto ay laking gulat ko nalang nang bigla siyang nag tago.

"Isaac! Mag tago ka!" biglang saad niya sa akin. So Ako naman syempre nagulat kaya agad kong inilabas ang aking espada.

"wha-what are you doing?! You don't need that here!" sabi niya sa akin sabay hawak sa espada ko at binaba ito.

"Sabi mo mag tago? May kalaban ba?!" tanong ko naman sa kaniya.

"Huh? Anong-ugh! Wala! May-shhhh!! Nandiyan na siya!" bigla siyang nataranta habang sumusilip sa gilid ng padir.

Sobrang na curious ako dahil baket kailangan niyang mag tago. Ilang sandali pa ay nakita kona kung sino ang tinutukoy niya.

Isang babae na mabilis na nag lalakad papalapit sa ospital. Nanlaki ang mga mata ko dahil kilala ko ang babaeng ito. Si Nika.

Napa iling nalang ako at napa ngiti dahil kaya pala nag tatago siya dahil sa kaniya. Bigla kong tinapon ang aking espada sa ere at agad itong nag laho.

"Si Nika pala yan Lord Gabriel. Sana sinabi mo nalang agad sakin para-" hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil bigla niyang tinakpan ang aking mga bibig.

"Ssshhhhhhh!!! Baket ang ingay mo?! Halika na nga!" sabi niya sa akin at pagkatapos ay sinundan namin siya.

Parang matatawa ako habang pinag mamasdan si Lord Gabriel na maya-mayat nag tatago sa mga kahoy o kaya sa basurahan na madadaanan namin.

"Lord Gabriel?!" biglang tawag ko sa kaniya pero agad niya akong hinila dahil napanhinto si Nika sa pag lalakad at napa tingin siya sa likod.

"Ano kaba?! Baka makita niya tayo! Alam mo nam-"

"SINO YAN?!" (Nika)

Biglang natigil sa pag hinga si Lord Gabriel ng biglang nag salita si Nika. hindi ko alam baket sobrang takot na takot siyang makita nito.

"MAY PEPPER SPRAY AKO DITO!!! WAG KAYONG MAG KAKAMALI!" (Nika)

Nanlaki ang mga mata ni Lord Gabriel sa sinabi ni Nika habang kami ay magkayakap na nag tatago sa haligi ng kahoy. Sobrang awkward dahil hindi ako sanay na ganito si Gabriel.

"Dont..make..a...sound-" (Gabriel)

"Hi Nika! Wag kang matakot.." biglang kalas ko kay Gabriel at nag pakita ako kay Nika.

"The Hybrid" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon