Chapter 14 - Taken

884 29 16
                                    


Bea's POV

"🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶"

Nagising ako sa tunog nang aking alarm. Tumihaya ako at agad napa tingin sa kisame. Sumulyap ako sa relo na naka kabit sa dingding, 9am na pala.

Hindi nanaman ako naka tulog nang maayos dahil sa nabasa kong sulat mula kay Arren. Parang binabagabal ako sa mga isinulat niya.

Ganun ganun nalang ba niya binabalewala yung lahat nang pinag daanan namin? Hindi niya manlang sinubukan? Napa buntong hininga ako sabay tagilid at agad yumakap sa aking unan.

"Mahal niya daw ako, psh!!" sambit ko. Kung mahal niya ako sana sinubukan niya manlang kung pwede. Hindi na pinabayaan niya lang na humantong pa sa ganito.

Kung yun ang gusto niya edi sige! Pagbibigyan ko nang pagkakataon si Stephen. Hindi dahil na iinis ako ky Arren, kundi dahil sa deserve ni stephen yun sa lahat nang pinakita at pag babago niya.

Kagaya nang sinabi niya, hahayaan kong mamili ang puso ko kung sino ang gusto niya. Kahit nakakatakot masaktan ulit pero sige lang, ganiyan talaga ang buhay. Kailangan mong madapa at masaktan para ma realize mo ang pagkakamali at para maka bangon ka muli.

Tumayo ako at inayos ang aking higaan. Pagkatapos kong mag bihis agad akong bumaba, pero nakakalahati palang ako sa hagdanan ay may narinig akong ingay mula sa kusina.

Bigla ako kinabahan at baka may mag nanakaw na nala pasok. Dahan dahan akong bumaba, ingat na ingat kong inaangat ang paa ako para hindi maka gawa nang ingay.

Pag daan ko sa sala ay agad ko hinablot ang payong kong mahaba. Naka itim siya na cap, at itim na damit mygosh mag nanakaw talaga! Kinakabahan na ako habang dahan dahang sinisilip siya sa pinto nang kusina.

Tatawag kaya ako nang pulis?! Tama! Agad kong kinapa ang bulsa ko para kunin ang cellphone pero lintik na iwan ko naman sa taas.

Kung tatakbo ako palabas maririnig niya ako at baka patayin niya pa ako dito nang wala sa oras! Wala akong nagawa kundi lapitan siya. Nanginginig ang mga tuhod ko habang tahimik na papalapit sa hawakan screen door.

Gutom siguro tong magnanakaw na'to dahil sa kusina siya nag umpisang magnakaw.

Noong nakapa kona ang door knob, bigla kong binuksan ang pinto sa kusina at pinag hahampas siya habang naka talikod.

"MAGNANAKAW!! MAGNANAKAW! WALA NA NGA AKONG PERA NANAKAWAN MOPA AKO HAYOP KA!! PATI PAGKAIN KO UUBUSIN MOPA PESTE KA!!ETONG SAYO!!!"

Sigaw ko sa kaniya at wala parin tigil siyang pinag hahampas.

"OUCH!! WAIT!! ARAY!!! BEA!!! STOP!!! ARAY KO NAMAN!!! SANDALI!!!!"

Bigla akong napahinto nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Hindi kopa makita ang mukha niya dahil napa yuko ito at kinakamot ang ulo dahil syempre ikaw ba naman hampasin sa ulo nang payong eh?!

"Delikado ka pala hahaha!" nakatawang saad nito sabay tanggal nang cap niya.

"OH..... MY GOD!!! MICHAEL!!! i'm so sorry!!" nabitawan ko agad ang payong ko at agad siyang nilapitan para tingnan kung nasugatan siya.

"The Hybrid" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon