*Days later*
Bea's POV
Nag liligpit na ako dahil duty nanaman. Ang gulo nang appartment ko, kailangan na talaga mag general cleaning dito. Ang hirap mag isa.
Napa tingin ako sa mga larawan na naka sabit sa aking ding-ding at bigla akong nalungkot habang tinititigan ko ang family picture namin.
Ang saya nung una. Noong kompleto pa kami. Agad kong inisip na tatlo na nga lang kami kinuha niya pa silang dalawa.
Hindi ko namalayan na may luha na palang pumatak sa aking pisngi. Agad ko itong pinunasan at huminga nang malalim.
Sa gilid nang mga larawan at naka dikit din ang malaking wall clock na binigay sa akin ni papa.
"Sh*ttttttt!!! Malelate nanaman ako nito!!!" sigaw ko sa sobrang gulat. Pa emote emote pa kasi.
Nag madali akong bumaba sa aking apartment at nag hintay nang taxi na dumaan. Ilang sandali pa, naka sakay narin ako.
Habang nasa loob nang taxi, bigla nalang pumasok sa isip ko ang lalake noong nakaraang araw. Hindi korin alam kung totoo siya o kaya pagod lang talaga ako nung aras nayun.
Akalain mong bigla nalang siyang nag lahong parang bula?!
At ang hindi ko ma intindihan kung baket sinabi niya na "Nice to meet you again??" Nagkita na ba kami? Feeling ko nag kita na kami.. Tama siguro isa siya sa mga naging pasyente ko dati. Tama siguro nga.
Habang papalagpas kami sa isang kalye, may nakita akong bata na naka tayo sa gilid nang kalsada. Sakto naman na huminto ang taxi dahil nag kumpulan sa unahan.
At dahil alam kong tinted and taxi hindi niya ako nakikita. Ang cute nang batang babae, kaya kinawayan ko siya. Gulat ko nalang nang bigla niya rin akong kinawayan.
"ay nakita ako haha!" sabi ko..
"Nakita po ang ano mam?" singit naman ni mamang driver.
"ah wala kuya hehe..yung bata ayan oh!"
Nung tumingin si kuyang driver, agad kumunot ang noo niya.
"Saang bata mam?" sagot nito at sakto naman na umalis kami.
"ah wala kuya..nalagpasan na na'tin."
*5 minutes later...*
Ilang minuto ang naka lipas at napa hinto naman kami dahil mejo ma traffic nga. Ngayon naman mejo marami nang taong dumadaan.
At nung tumingin ulit ako sa bintana nang taxi, nakita kona naman yung bata kanina!
"What the... Ang bilis niya naman tumakbo." sabi ko.
"Sino mam?"(Driver)
"Ay nakikinig ka pala kuya?haha.. Wala yung bata kanina nandito nanaman." sagot ko sa kaniya.
Agad tumingin ang driver sa tinuturo pero wala naman siyang nakikita.
"Mam ok lang po kayo?"(Driver)
BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasyThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...
