Chapter 7 - Is this love?

967 32 9
                                    

Bea's POV

Isang linggo ang lumipas at hindi nag bago ang aming samahan ni Arren. Hindi na nga siya natutulog dito sa bahay pero araw araw naman siyang nandito kasama ko.

At dahil nandito palagi si Arren, palagi narin pumupunta dito ang beki kong bestfriend. Na aaliw daw siya kay Arren. Malamang diskarte niya lang yun.

Sa mga araw na tumatagal at palaging nandito si Arren, mas lalong napapalapit ang loob ko sa kaniya. Hindi lang kasi siya sweet sa'kin, ma alaga pa talaga.

Minsan pag bumababa ako galing sa kwarto, naka handa na ang pagkain ko. Minsan sinasabayan niya ako minsan naman hindi.

Pero pag wala siya, palagi namang may sulat na nag sasabi kung saan siya pupunta at kung kelan siya babalik. Ang wierd nang relationship namin. Yung feeling mo kayo pero hindi. Hahaha..

At higit sa lahat, ang linis na nang bahay ko. Hindi lang siya marunong mag luto. Marunong din pala ang anghel mag linis.

Minsan napapa iling nalang ako sa mga pinag gagawa niya. Napapa ngiti tuwing na aalala ko siya. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko para sa kaniya.

Pero minsan napapa isip ako, pwede kaya yung ganito? Pwede kayang mag mahalan ang tao at ang anghel? Siguro yan ang dahilan kung baket napipigilan ko siyang mahalin.

Dahil baka hindi rin pwede. Kung sakaling matapos itong problema namin, ano kaya ang mangyayare?

Mag papaiwan ba si Arren dito? Or babalik na siya sa langit? Uuggghh!! Ang daming tumatakbo sa isip kong katanungan.

Pero kahit ganito kami, sinusulit ko nalang ang panahon na nandito siya. Kagaya nung nakaraang araw. Nasa duty ako at malapit nang matapos ang shift ko.

*******************************************

Kakatapos kolang mag ikot sa mga pasyenteng hinahawakan ko. Pa tingin tingin nanaman ako sa oras dahil gustong gusto konang umuwi.

Pag labas ko sa huling kwarto, agad akong naka salubong nang isa kong kasamahan na nurse.

"Girl!! Ayyyyiiee.. May sundo siya oh!! Ikaw ha!" Tukso niyang sinabi sa'kin. Napa kunot noo ako sa sinabi niya at nag tataka kung anong ibig niyang sabihin.

"huh? Sundo?!" sagot ko naman na halatang walang ka alam alam sa sinasabi niya.

"Ayun!! Pinag kakagulohan nila doon! Infairness Bea ang Gwapo ha!" sagot niya naman sabay turo sa nurse station. Pa ngiti-ngiti naman siyang lumakad lagpas sakin.

Agad akong tumungo sa nurse station at sobrang curious ako kung sino ang sinasabi niya. Hindi naman pwede si Arren dahil alam kong sa bahay naman siya palaging nag hihintay sa'kin.

Agad pumasok sa isip ko si Stephen. Siguro nga si Stephen dahil minsan nangangamusta naman siya sa'kin.

Habang papalapit na'ko sa station, agad bumungad sakin ang mga nag kukumpulang mga nurse na parang pinapalibutan nila yung isang tao.

Kahit yung ibang nasa kabilang station nandito na sa'min. Kaya nagulat ako at mejo binilisan ang lakad.

"Oh nandito na si Bea!" gulat ko nang biglang may sumigaw sa isa sa mga kasaman ko.

"The Hybrid" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon