Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos kinuha nila si Arren. Feeling ko nabaliw na yata ako. Hindi na ako nakapasok nang trabaho, at hindi narin ako lumalabas nang bahay. Parang nawalan na ako nang gana sa lahat!
Palagi naman akong dinadalaw ni Nika at Gabriel pero ni hindi ko manlang sila ma harap. Hindi ko pinapansin ang mga katok nila sa labas nang pinto. Parang nawalan na nang saysay ang buhay ko simula nawala si Arren at nangangamba akong hindi kona siya makita pa muli.
5:30pm na pero nandito parin ako sa kama, nakahiga at tulalang naka tingin sa bulaklak na binigay ni Arren. Hindi ko alam pero hindi na siya ganito ka ganda katulad noong unang bigay niya sa akin.
Na tatanggal na ang ibang petals niya at mukhang malapit na itong malanta. Parang nadudurog ang puso ko kapag inaalala ko ang sinabi sa akin ni Arren tungkol sa bulaklak na yan.
"Hindi ito namamatay at hindi rin kumukupas, just like you, your beauty never fades."
"Malalaman mong malapit na akong mawala kapag nakita mong nalalanta na ang bulaklak na ito."
Hindi kona naman napipigilan ang aking luha sa tuwing na aalala ko yun. Agad naman akong napa hawak sa kwentas na gawa sa bulalakaw. Binigay din ito ni Arren sa akin noong inamin niya sa akin na mahal niya ako. Muli kong na alala ang sinabi niya sa akin noong gabing iyon.
"As long as it's with you, my heart only beats for you."
Mas lalo akong na iyak, baket sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon? Dahil paba ito sa ginawa ko sa kaniya? Dahil ba hindi manlang kami nakapag usap at hindi manlang ako naka hingi nang tawad sa kaniya?
Hindi ko alam kung baket labis akong nasasaktan sa tuwing na aalala ko siya. Sa totoo lang sobrang miss na miss kona talaga siya. Pero ngayon, nawalan na ako nang pagkakataon na sabihin sa kaniya yun.
Napa tingin ako sa kwentas na butuin, agad nanlaki ang mga mata ko dahil baket nawala na ang kislap mula dito. Bigla akong napa tayo at nag tungo sa salamin para mas klarong makita ito pero walang pinagkaiba.
Hindi na siya ganun ka kintab tingnan at nawala na ang kaniyang ningning. Biglang bumilis ang pag tibok nang puso ko, anong nangyayare? Baket ganito? Kanina ang bulaklak, ngayon pati ang kwentas na butuin. Sabi niya sa akin noon, ito ang puso niya. Baket ganito na ang nangyare dito?!
Bigla akong nang panic, Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung sino ang tatawagin. Baka napahamak na si Arren!! Huminga ako ang malalim, pinikit ko ang aking mga mata at sinubukan tawagin ang kaniyang pangalan. Pero ngayon, hindi si Arren tatawagin ko. Kundi ang bagong Heneral.
"MICHAEL, gusto kitang makausap."
Ilang minuto rin ang aking hinintay at nag babakasakali na pakinggan niya ang kahilingan ko. Hindi nga ako nabigo, biglang lumiwanag ang pagilid at agad tumambad sa harap ko si Michael. Nakakapag taka at hindi siya nanggaling sa labas katulad nang dati.
Ngumiti siya at agad nag bow sa harap ko.
"You called me Ma'Lady?" sambit niya. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Mas lalo akong nalungkot dahil ramdam ko ang pakikidamay ni Michael sa akin.
"How are you Bea? Pasensya kana kung hindi agad kita nadalaw dito. Marami lang kasing kaganapan ngayon sa taas." panimula niya. Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan niya ako maka upo.
"Anong maipaglilingkod ko?" muli niyang tanong.
"M-michael, kamusta na siya?" yung agad ang tinanong ko sa kaniya. Yun lang naman talaga ang mahalaga ngayon sa akin. Ang malaman kung kamusta na ang kalagayan niya.
BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasyThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...