Bea's POVAfter that nakakakilig moment sa bahay ni Nika, hindi na ulit siya nag paramdam sa akin. Hindi ko narin siya kinulit dahil alam kong kasama niya na palagi si Gabriel. At alam kong hindi na siya malalagay sa ano mang panganib dahil jusko archangel ang guardian niya.
Lumipas ang tatlong araw, kakahatid lang sa akin ni Arren sa ospital dahil night shift parin ako. Walang sawang night shift jusko! Kaunti nalang ang mga oras nang pagsasama namin ni Arren dahil minsan puyat talaga ako. Gosh!
Pag labas ko sa elevator, pumasok agad ako sa glass door papuntasa station namin. Laking gulat ko nang nakita ko si Nika na tumatakbo papunta sa'kin.
"Oh hello Nik----" hindi kopa natapos ang pag bati ko sa kaniya nang bigla niya naman akong hila-in papasok sa store room. Ang alikabok at ang baho pa naman sa loob.
"What the h----" hihdi nanaman niya ako pinatapos dahil agad niya akong siningitan.
"Oh my god! Oh my god!! Is this real?!!" napa kunot noo ako dahil hindi ko na gets agad ang kaniyang pinagsasabe.
"Huh? Anong pinagsasabe mo Nika?!" tanong ko naman agad sa kaniya. "Ok kalang?!" dagdag ko pa dahil na mumutla siya at pinagpapawisan.
"Bea!!! I can still see DEAD people in here!!" agad akong naging seryoso dahil sa sinabi niya. "Anong nakikita mo?!" tanong ko naman sa kaniya.
"Jusko bea! Hindi ka maniniwala! May mga taong naka hospital dress, na nag lalakad tapos nilagpasan ako! Like through my freaking BODY!!!!" parang matatawa ako sa reaction ni Nika.
Agad akong sumilip sa labas nang pinto at nakita ko nga ang sinasabi niya. Marami ngang kaluluwa ngayon. Hindi na ito bago sa akin dahil araw araw kona itong nararanasan.
Pumasok ulit ako at isinara ang pinto. Hinarap ko siya at hinawakan ang kaniyabg magkabilang balikat. "Nika, relax ok? Normal lang yan, don't be afraid dahil nakikita korin sila. Hindi ba pinaliwanag ni Gabriel sa'yo ang mga ito?" dagdag kong tanong sa kaniya.
"He did explained it to me pero hindi ko akalain na ma kakakita nanaman ulit ako. Akala ko talaga tapos na ang bangungut na'to." paliwanag niya naman. Huminga siya nang malalim at pagkatapos napa upo siya sabay sandal sa dingding.
Agad ko naman akong napa luhod at hinawakan uliy siya sa balikat. "Wag kang matakot at dapat masanay kana sa mga kaluluwang nakikita mo. Hindi ka naman nila gugulohin. Minsan nakaka tulong pa sila sa'yo." agad naman siyang napa tingin sa akin.
"Hindi na ba talaga ito makukuha? Alam mo naman na matatakutin ako Bea. Tsk! Isa itong sumpa! Kakainis tong si Gabriel!" inis na saad nito.
"Wag kang mag alala, dahil simula ngayon pareho na tayo. Kaya na iintindihan ko ang sitwasyon mo." sabi ko sa kaniya pagkatapos inalalayan siyang maka tayo. "Nga pala, saan na ang guardian mo?" naka ngisi kong tanong sa kaniya.
"Nadoon sa station. Pinagkakagulohan siya nang mga babae doon!" sagot naman ni Nika. Hindi ko tuloy ma imagine kung anong mukha ni Gabriel ngayon.
Nag madali kaming lumabas pagkatapos nag tungo sa station. Papalapit palang kami ay na aninag kona agad si Gabriel na naka simangot habang naka upo sa waiting area.

BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasyThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...