Chapter 22 - Kneel before him

772 28 6
                                    

"MOOOMMMMYYYY!!!!"

Agad kaming napa lingon sa sigaw nang bata mula sa kwarto ko. "SI KATHY!!!!" gulat na sambit ni Liza at Hindi siya nag dalawang isip na tumakbo pataas sa kwarto at agad ko naman siyang sinundan.

"BEA WAIT!!!!!" sigaw naman ni Arren pero hindi ko siya pinakinggan. Ako ang nag dala sa bata sa kwarto ko kaya responsibilidad ko siya. Bakat sa mukha ni Arren ang pag aalala pero mas grabe ang pag aalala ni Liza sa anak niya kaya kailangan ko siyang samahan.

"YOU THREE! STAY HERE AND KEEP NIKA SAFE!" rinig kong tugon niya sa kanila at agad sumunod sa amin ni Liza.

Pag tapat namin sa pinto, sinusubukan ni Liza buksan ito pero naka lock. Hindi ko naman na alala na nalock ko ito dahil ako ang huling lumabas sa kwarto. "Bea naka lock!! NAKA LOCK!!!!" sigaw niya na may kasamang pag panic. "Kathy!! Kathy!!! Anak!! Nandito lang si mommy!! Sandali lang!" sunod sunod niyang sigaw.

Agad ko naman kinuha ang susi sa ilalim nang doormat dahil nag iiwan ako nang duplicate incase nga na ma iwan ko ang isa sa loob. Akma na akong buksan ito nang bigla naman dumating si Arren at sinipa ang pinto.

Isang sipa lang at agad kumalat ang basag  basag na parti nang pinto ko. Na unang pumasok si Arren at agad nag tungo sa kama pero wala na kaming bata na nadatnan.

"Oh my god!! NA SAAN NA ANG ANAK KO??!!" sigaw naman ni Liza habang ginugulo niya ang kama at baka natabunan lang ito nang kumot.

"MOMMMYYY!!!!!"

laking gulat namin nang bigla kaming naka rinig nanaman nang sigaw niya pero nanggagaling na ito sa labas. Agad kaming dumungaw sa bintana at doon nga namin nakita si Kathy na hawak hawak nang isang lalake na naka talikod sa amin. Naka itim siya na damit katulad nang nakita namin sa ospital. Hindi ako nag kakamali, si Azazel!

Na unang lumabas si Arren at tumakbo papunta sa harap nila. Sumunod naman kami ni Liza at huminto sa likod ni Arren. Nasa dulo na sila nang rooftop at isang hakbang nalang ay pwede na silang mahulog

"PLEASE!!!! WAG MO SIYANG IDAMAY DITO! WAG ANG ANAK KO!!" pag mamakaawa naman ni Liza pero kami nilingon nang lalake. Ilang sandali pa at hinawakan niya si Kathy sa likod hawak ang kaniyang damit at ibinitin ito na parang gusto niyang ihulog. "MOOOMMMMYY!!!" muling sigaw nang bata na nanginginig na sa takot.

"Waaaaaag!!!"
"Oh my god Nooooo!!"

Sigaw naming dalawa ni Liza. Hindi parin kami kinikibo ni Azazel at hindi parin siya humaharap sa amin. "Ano ba ang kailangan mo?!" sigaw Liza. Tumingin ako kay Arren pero kalmado lang ito. Hindi ko alam kung anong pinaplano niya pero dapat gawin niya na ngayon. Napa tingin nalang ulit ako sa lalake nang bigla itong nag salita.

"This child will be a problem for me in the future." saad nito at inangat niya pa nang konte ang kaniyang kamay at mas lalo pang umiyak yung bata sa takot.

"WAIT!!!! SANDALI LANG!" biglang sigaw ni Arren na naka taas ang kaniyang dalawang kamay. "Azazel!! look i'm unarmed! Just relax ok? She's just a kid, wala siyang kinalaman dito!" dagdag niya pa habang pa dahan dahan siyang humahakbang papalapit sa nakatalikod na lalake.

"Mag usap tayo, tayong dalawa lang! Wag na natin silang idamay dito." sabi ulit ni Arren. Ilang hakbang nalang at malapit niya nang ma abot yung bata. Pero laking gulat nalang namin nang biglang lumingon si Azazel. Kitang kita ko agad ang mga mata niyang nananaliksik at derechong naka tingin kay Arren.

"You think you can fool me?! Ilang beses konang nakita ang pangyayareng 'to! Akala mo ba ma iisahan mo ako?!" saad naman ni Azazel. Oo nga pala, nakikita niya ang hinaharap kaya alam niya na ang mangyayare dito. Jusko ang hirap nito, paano namin kakalabanin ang isang nilalang na kayang makita ang hinaharap?

"The Hybrid" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon