Hindi ko alam kung pano ni Arren nagagawa yun yung bigla bigla nalang siyang nawawala pero minsan na kakapangilabot.
"Bea? Yooohoo?" nakalimutan ko na may nag hihintay pala sa'kin sa baba.
Agad ko namang inayos ang sarili ko pagkatapos pinuntahan na siya.
"Stephen" sabi ko. Tapos sabay tingin sa mga dala dala niyang mga regalo nanaman.
Totoo nga yung sinabi niya na babawi siya sa'kin. Kaya everytime na dumadalaw siya, meron talaga siyang dala.
"Kakagising molang?" tanong niya sakin sabay tingin tingin sa taas na parang nag dududa.
"Yup.. Oh? Anong tinitingnan mo?"
"wala, parang may narinig kasi akong kausap mo kanina. Nanjan ba si Jacky?" tanong niya ulit pero hindi parin sa katitigil nang pag tingin tingin sa palibot.
"Wala. Ako lang mag isa dito." sagot ko habang sinusundan yung ulo niya na parang hinaharangan ko yung mga tinitingnan niya.
"Ah ok.. Kala ko.."
"Akala mo sino? Si Arren?!" taas kilay kong singit sa kaniya. Napa kunot noo naman siya sa sinabi ko.
"Baket pumupunta pa ba siya dito?" seryosong tanong naman niya.
"Alam mo stephen, sa totoo lang, kahit sino pa ang papuntahin ko dito, wala kana dun. Wala na tayo eh! Wala na diba?"
Napa yuko naman agad siya. Siguro tinamaan sa sinabi ko. Tama naman eh. Siya yung nang iwan hindi ako.
"Tinamaan ako dun ah.." sagot niyang naka simangot.
"Sabi na eh. Tinamaan talaga siya! Dapat lang noh!"
Minsan kahit gusto mong sabihin sa tao na tama ka at mali siya ang hirap parin. Ayaw ko pa naman makasakit nang damdamin nang iba.
"Ito pala para sayo." sabi nito sabay pakita nang mga dala niya.
"Nag abala kapa. Wag kanang mag dala palagi steph dahil napupuno na yung ref ko. Hindi ko naman nakakain lahat yan dahil palagi akong wala dito." Sabi ko habang dala dala ito papunta sa ref pagkatapos binuksan at pinakita sa kaniya yung laman nang ref ko.
"Diba? Ayan oh, konte nalang at hindi kona masesera 'to."
Pero nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla niya akong niyakap mula sa likod.
"Bea, baby.. Please sobrang miss na kita. Nag sisisi na ako, sana hindi kita iniwan nun. Patawarin muna ako please." sabi niya habang naka gapos yung mga kamay niya sa bewang ko.
Hindi ako naka imik. 1 year din kaming nag sama ni Stephen. Hindi ko ma itangtanggi na minahal ko naman siya talaga.
Dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay nito. Tapos umatras ako nang konte sabay harap sa kaniya.
"Honestly stephen, noong nag hiwalay tayo, oo masakit! Nasaktan talaga ako, kahit pagod ako galing trabaho pag dumating ka kinabukasan at nag yaya kang lumabas sinasamahan parin kita. Ni minsan tinanong moba ako kung ok lang ako?" parang gusto konang umiyak dahil na aalala kona naman yung nangyare.

BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasíaThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...