Ang bilis nang araw, parang kahapon lang kami nag usap ni Arren, ngayon hindi ko namalayan tatlong araw na pala ang lumipas. Habang papalapit ang araw na itinakda ni Lucifer, mas lalo akong kinalabahan.
Hindi ko alam kung paano namin masasagip si Arren. Alam kong isasakripisyo niya ang kaniyang sarili kapag hindi kami maka hanap nang sulosyon.
Nandito ako ngayon sa ospital, naka upo lang ako dito sa station at tulala. At actually Last day ko ngayon sa trabaho, napag disisyonan ko nalang na mag resign dahil Hindi rin kasi ako maka concentrate at Kailangan ko munang tutokan ang problemang ito bago mahuli ang lahat. Wala na akong mundong haharapin kapag magtagumpay si Lucifer.
Mabuti nalang talaga wala masyadong pasyente ngayon at baka mapagalitan pa ako dahil wala talaga ako sa wisyo.
Anyway, Palagi na ako ngayon sa bahay ni Memphis. Masaya rin ako dahil nabibisita ko si Kathy. Minsan kapag tinatanaw ko siyang nag lalaro sa garden, nalulungkot akong isipin na wala manlang siyang ka malay-malay sa kung anong nangyare sa kaniya.
Ngayon, ang alam lang niya ay lolo niya si Memphis at patay na ang kaniyang mga magulang. Nag papasalamat din ako kay Memphis dahil parang nag eenjoy na siyang kasama si Kathy.
Maraming lumang aklat si Memphis tungkol sa mga anghel. Doon ko nalang inuubos ang oras sa kakabasa at baka maka hanap ako nang pwedeng paraan para manlang maka tulong kahit paano.
Nakaraang araw, habang nag babasa ako nang mga libro, biglang Pumasok si Memphis sa kwarto at laking gulat ko dahil kasama niya si Gabriel at Nika.
<<<Flashback<<<<<
"Any luck?" biglang tanong ni Nika. Napa buntong hininga ako sabay taklob nang libro.
"Nope..." sagot ko naman sabay hawak sa ulo ko. "Kayo? Anong balita?" tanong ko naman sa kanila. Tumabi sa akin si Nika habang si Gabriel naman ay nasa harapan namin. Napansin kong tulala si Gabriel at parang nag aalala. "Gab? Something wrong?" dagdag ko pang tanong sa kaniya.
"Lucifer attacked the east side of the kingdom!" biglang saad niya.
"What?!! Akala ko walang digmaang magaganap hanggat hindi matapos ang ika-anim na araw?" saad ko naman.
"That's why we should never believe his words... We managed to stop them, but his army grew stronger everyday. Alam kong gusto niya lang ipakita kung gaano kalakas ngayon ang hukbo niya." seryosong saad ni Gabriel.
"Pero Gab..sa palagay mo, kung if ever matuloy man ang digmaan, may pag asa ba kayong manalo?" biglang tanong naman ni Nika. Hindi agad naka sagot si Gabriel. Napaisip siya at napa sandal sa upu-an.
"Hindi ko alam Nik.. Hindi pa na'tin alam kung gaano pa sila kalakas pag lumabas na talaga ang Blood Moon. Maraming kampon si Lucifer noong unang digmaan, nahirapan kaming itaboy sila papalayo sa palasyo, kaya kung ma ulit man ito, siguradong may tyansang matatalo kami. Lalo na ngayon na hawak nila ang bracelet, kayang kaya nilang ibalik ang mga kampon ni Lucifer sa panahong ito!" sagot naman ni Gabriel, napansin kong may namuong pawis sa kaniyang noo kaya alam kong natatakot din siya.
"Hala!! Pano yan? Marami naman kayo diba? Siguro mas marami naman kayo kaysa sa kanila?" pilit pang tanong ni Nika.
"Kaya nga!! Pano na yan?! Ano nang gagawin na'tin?!" singit ko naman.
Agad nabalot nang katahimikan ang buong kwarto. Walang nakapag salita ni isa sa amin, ilang sandali pa, napansin kong umiba ang mukha ni Nika na parang nagulat.
"Gabriel!!! That could work!!" biglang sigaw ni Nika na ikinagulat ko naman.
"Baket?!! Ano yun?!" tanong ko naman sa kaniya. Tapos tumingin ako kay Gabriel na napa busangot. Muli akong tumingin kay Nika na seryosong naka titig kay Gabriel. "Well?? Tell her your idea!!" dagdag pa ni Nika.
BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasyThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...
