Bea's POV
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan nang malay dahil wala akong ma alala sa kung ano man ang aking nadatnan ngayon.
Bumukas nang konte ang aking mga mata, gusto konang gumalaw pero hindi ko parin kaya. Nahihilo parin ako at ramdam ko parin ang pamamanhid sa aking ulo.
Tanging ang aking mga mata nalang ang pwede kong ma igalaw. Napa kunot noo ako sa mga mukha na ngayon kolang nakita. Sa lahat sa kanila, isa lang aking nakilala at walang iba kundi si Michael.
Baket sila nag lalaban? Ano ba ang kanilang pinag lalaban? Ano ba ang nangyare habang ako'y walang malay? Mga katanungan na gusto kona sanang ipag sigawan.
Ilang sandali pa ay nagulat ako sa aninong naka harang sa harapan ko. Naka sandal ang kaniyang dalawang kamay sa padir habang naka harap ito na parang akoy kaniyang pinoprotektahan.
Na papapikit-pikit ako dahil parang may tumutulo malapit sa aking mga mata. Pinilit kong ipihit ang aking ulo para makita kung sino siya.
Biglang nanigas ang aking katawan at parang sasabog ang aking dibdib nang makitang si Arren pala ang naka sandal sa padir.
Sa gulat ko, doon ko nalang nalaman na nagagalaw kona ang aking braso. Noong nag tangka na akong hawakan siya, muling may tumulo mula sa kaniya at pumatak sa aking noo.
Agad kong pinahid ang aking daliri kung ano yung tumulo pero mas lalo akong nagulat dahil galing pala ito sa matalim na bagay na naka tusok at tumagos sa likoran ni Arren. It's blood!!
Isang espada!
Sa sobrang gulat ko, napa sandal ako sa padir at inangat ko ulit ang aking ulo at tinitigan si Arren na hindi na gumagalaw.
"A.. Arren?" nanginginig kong tanong sa kaniya ngunit hindi ito sumagot.
Mas napa atras pa ulit ako nang bigla nalang siyang napa luhod at dahan dahan niyang hinugot ang matalas na espadang naka lubog sa gitna nang kaniyang tyan.
Nanginginig pa ang kaniyang kamay habang hinahatak niya ito patunay na kung gaano kasakit dumaan ulit sa kaniyang laman ang matalas na espada.
Hindi ako maka galaw. Parang natusok ako kung saan ako naka upo. Napa takip ako sa aking bibig habang dahan dahan humarap sa akin si Arren.
Biglang bumuhos ang aking luha nang makita siyang naka ngiting naka harap sa akin at umaagos ang dugo mula sa kaniya mga bibig.
Ang mga mata niyang dati ang saya tingnan at puno ito nang liwanag ngayon ay nanunuyo at puno nang sakit.
Nabaling ang aking tingin sa kaniyang bibig na parang may sinabi siya pero walang boses na lumabas.
Nanlaki ang mga mata ko dahil madali ko itong nabasa at ang tangin binigkas niya ay..
"Bea..."
Parang mawawala ako sa aking sarili nang makita siyang bumagsak sa kaniyang kinaluluhodan pahiga papunta sa akin.
Hindi ako maka hinga at tulala akong nanatili sa akin kinauupo-an habang siya ay naka handusay sa aking harapan.

BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasiaThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...