This is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...
Parang sinakop nang katahimikan ang buong lugar at tanging sigaw lang ni Arren ang naririnig nang lahat. Ang kaninang matamlay niyang mukha ay ngayo'y umaapoy sa galit.
Nanginginig ang kaniyang buong katawan at napansin kong nag wawala ang kaniyang mga pakpak na parang gusto kumalas sa mga kadenang naka gapos dito.
At sa isang iglap, bigla niyang binitawan si Isaac at agad siyang napatayo kasabay nang pagka basag nang kaniyang posas at nag talsikan ang mga kadenang naka gapos sa kaniyang mga pakpak.
"MA MAMATAY KAYONG LAHAAAAAAT!!"
Agad siyang pumorma na parang susugod sabay dampot ang dalawang espadang naka sabit kay Isaac. Biglang humawi ang metal niyang pakpak na nag bitaw nang napakalas na pati ako napa tihaya sa pwersang binitawan nito.
Para siyang balang nawala sa aking paningin sa sobrang bilis nang kaniyang pag atake. Sinugod niya mag isa ang sandamakmak na kampon ni Lucifer na ngayon sumusugod narin papunta sa kaniya.
Ibang iba ang Arren na nasa harapan ko ngayon. Kitang kita sa kaniyang mga mata ang umaapoy na galit. Isa isa niyang pinatumba ang ibang mga kaaway pero may napansin akong kakaiba.
Sa bawat napapatay niya ay ganun naman kadami ang lumalabas sa portal ni Lucifer. Parang hindi ito na uubusan nang mga kampon. Pero hindi parin nag pa tinag si Arren at tuloy parin ang kaniyang pag atake.
Ang bilis at ang galing niya na parang hindi siya nakakaramdam nang pagod. Hindi ko namalayan na nagkukumpulan na pala ang napapatay niya sa lupa. Puno na nang itim na dugo ang kaniyang mukha at katawan pero hindi parin mawala sa kaniyang mukha ang ngiti na parang gustong gusto niyang pumatay. NAKAKATAKOT.
Biglang sumagi sa paningin ko si Lucifer na dahan dahang lumalapit sa kaniya na may ngiti sa kaniyang labi. Inangat niya ang kaniyang kamay na parang gusto niyang mahawakan si Arren.
"BEA!! WAG MONG HAHAYAANG MAHAWAKAN NIYA SI ARREN!!"
agad akong napa lingon sa boses ni Nika. Pumasok siya sa isipan ko at binantaan niya ako. Binalik ko ang tingin kay Arren na hindi parin natigil sa kakahampas nang espada sa mga kampon ni Lucifer. MALAPIT NA SIYA KAY ARREN!!
Agad akong tumayo at muling hinawakan ang espada ni Agatha. Pero noong akma na akong susugod, Biglang kumulog na parang nabiyak ang langit at kasabay nito ang pag kidlat na derechong tumama sa harapan ni Arren na nag silbing parang mga kuryenteng padir na agad naman ikinagulat ni Lucifer.
Tumingin ako kung saan ito nanggaling at doon ko nakita ang hukbo ni Michael na mabilis na papunta sa amin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"ARREN!!!!" sigaw niya mula sa taas at bigla siyang lumapag at tinulongan si Arren sa pakikipag laban.
"BATTLE FORMATION!! Protect her!!" sigaw niya sa kaniyang hukbo at agad naman nila akong pinalibutan. Ang iba naman ay isa isang nag form nang line sa harap ko at isa isang bumunot nang kanilang mga sandata.