Chapter 19 - Lu

923 35 23
                                    


Bea's POV

Dalawang lingo na ang lumipas pagkatapos nang insidente doon sa bahay nang nag nanakaw nang katawan ekek. So far so good, akala ko talaga wala nang katapusan ang mga kakaibang eksena sa buhay ko.

Pagkatapos nang pangyayare na yun ay araw araw na si Arren nandito sa bahay. Sinisisi niya ang sarili niya dahil naging pabaya daw siya sa akin. Kung nasamahan lang daw niya ako nun ay hindi daw mangyayare iyon.

Sabi pa niya, "Hindi kana mawawala sa paningin ko simula ngayon!"

Meyged!! Ang taray diba?! Hahaah! Pwera nalang kung maliligo ako aba syempre hindi pwede! Ok change topic at baka saan mapunta itong usapan na'tin.

Anyway, araw araw niya akong hinahatid sundo sa ospital. Hindi siya aalis doon pag hindi natapos ang duty ko. Minsan na papangiti ako habang pinag mamasdan siyang naka upo sa waiting area habang hinihintay akong matapos.

Lahat nang staff doon kilala na siya. Well, alam na nila na boyfriend ko si Arren kaya wala nang nagtatangkang landiin siya at baka ma turukan ko sila nang anesthesia sa pisngi! Para kahit anong sampal mo wa epek ba! Ang bad ko! Hehe.

Merong isang gabi na sinundo niya ako, first time na ako yung nag hintay sa kaniya. I mean, hindi naman siya na lelate pero that night, mejo na late lang naman siya nang 1hr! Langya.

*flash back*

Tapos na ang shift ko, i was expecting na nandiyan na siya sa waiting area pero noong pinuntahan ko ay wala pa siya doon.

Wala namang Cellphone yun kaya hindi ko matanong kung saang lupalop nang mundo na siya.

So, wala akong nagawa kundi mag hintay. Alam kong hindi lang sa'kin dapat lahat nang oras niya. Alam korin na marami rin siyang ginagawa. You know, Angel Stuffs.

Tumingin ako sa relo ko at aba! 30 minutes na ah?! Wala parin siya. Sabi ko nalang sige baka may ginagawa lang talaga, So i waited again. Pati mga kasamahan ko ay nag tataka na baket hindi pa raw ako umuuwi.

Hanggang sa naging isang oras na akong naka tunganga doon sa waiting area. Like na ubos kona lahat nang games sa Cellphone ko. Nakapag post na ako sa I.G nang ibat ibang style nang sitting position sa ospital, nyeta!

Naka ilang post narin ako nang My day sa facebook. At yung janitor, natapos niya nang linisin ang buong floor, naka balik na siya lahat lahat nandoon parin ako.

"Uugghh!! Bahala ka! Uuwi nalang ako!" galit kong sambit sabay sinipa ang basurahan sa harap ko. "Ay shet sorry!" sabi ko naman habang pinatayo ulit ito dahil nag tinginan ang ibang tao na nasa waiting area din.

Akma na akong tatayo para umalis nang biglang bumukas ang pinto papasok sa floor namin.

"Bea!!"

At yun na nga! Dumating na ang aking boypren! Jusko hindi ko alam kong anong e rereact ko sa harap niya. Inirapan ko nalang siya at tinitigan nang matalim. Yes! Matalim talaga! Yung na niningkit na yung mga mata ko sa talim!

"I'm sorry na late ako!" saad nito. Hinihingal siya at pinagpapawisan.

"Isang oras Arren! Isang oras! First time ah?! Saan ka ba gal----"

"The Hybrid" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon