Chapter 24 - I LOVE YOU

863 35 25
                                        

"BAKET NILA PINATAY ANG ANAK KOOOOOO??!! KATHYYYY!!!!"

Parang nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan si Liza na nag lupasay sa sahig habang yakap yakap ang malamig na katawan ni Kathy.

Naka yakap lang si Nika kay Gabriel habang silang lahat ay naka yuko lang sa harap ni Liza.

Dahan dahan akong humakbang papalapit kay Liza at lumuhod sa tabi niya. Hinawakan ko ang ulo ni Kathy at hinalikan siya sa noo. "I'm so sorry Kathy.. Ginawa ko naman lahat!" pabulong kong saad sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at agad korin siyang niyakap.

Sobrang sakit dahil akala ko magiging maayos na ang lahat dahil sinunod ko ang gusto ni Lucifer. Ginawa ko ang gusto niya. Ngayon ang bigat nang dinadala kong sama nang loob dahil dalawang tao ang sinaktan ko.

Walang silbi ang ginawa kong pananakit at pag taboy kay Arren dahil kukunin din pala nila si Kathy.

"L-Liza... I-i'm sorry.. Hindi ko siya nagawang iligtas. Akala ko----" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil biglang sumingit si Liza.

"kinuha na nila ang lahat sa akin... Si Kathy lang ang tanging dahilan kung baket naging makulay ulit ang buhay ko. Pero ngayon---ngayon wala na siya." tulala at naka tingin lang nang derecho si Liza habang bumubuhos ang luha sa kaniyang mga mata.

Naging tahimik ang buong bahay. Naka upo lang kami ngayon sa sofa at tulala. Hindi namin alam ang gagawin at kung saan magsisimula. Na tauhan nalang ako nang ma silakan nang araw ang aking mata. Mag uumaga na pala hindi ko manlang namalayan.

Lumapit ako kay Liza na yakap yakap niya parin si Kathy pero naka balot na ito sa puting kumot na kinuha ko sa taas.

"Gusto mo muna mag pahinga? Halika sa taas." tanong ko sa kaniya, pero tulala lang ito at walang imik.

Hindi kona siya pinilit pa kaya umalis nalang ako at pumunta sa tapat nang ref para kumuha nang tubig. Sobrang tuyo na ang lalamunan ko. Hindi pa ako naka inum mula kagabi.

"Where's Arren?" laking gulat ko nalang nang biglang nag tanong si Michael.

Agad kong nabitawan ang pitsel na hawak hawak ko dahilan para kumalat ang tubig sa sahig. Lahat naman sila napatingin sakin maliban nalang kay Liza.

"Is everything alright Ma'Lady?" agad na tanong ni Isaac. Hindi ako makasagot, agad kong hinawakan ang dibdib ko dahil na alala kona naman ang nangyare kagabi. Hinding hindi ko parin nakakalimutan ang mukha ni Arren.

Sinaktan kolang ang damdamin nang taong pinakamamahal ko. Walang silbi!! Walang napuntahan ang ginawa ko! Sa huli, nanalo parin ang kasamaan.

"Bea?" ngayon si Hera naman ang nag tanong sa akin at agad niya akong hinawakan sa balikat. "Are you okay?" dagdag pa niya.

Wala silang ka malay malay kung anong nangyare sa amin kagabi. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang lahat. Huminga ako nalang malalim at pagkatapos hinarap sila, mag sasalita na sana ako para e kwento ang lahat na nangyare pero biglang nag salita si Nika.

"Hindi mo'to kasalan Bea! Wag mong sisihin ang sarili mo. Ma iintindihan karin ni Arren sa huli."

Agad nanlaki ang mga mata ko. Nakalimutan ko pala na nakikita at nalalaman nilang mga Seekers ang damdamin at isipan nang mga tao.

"Anong ibig mong sabihin? Ano ba ang nangyare?" biglang tanong ni Gabriel.

Tumingin si Nika sa akin, parang nag papahiwatig na kung pwede nalang siya ang mag kwento. Tumango naman ako at napa yuko.

"The Hybrid" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon