Mga idol, gusto kolang mag pasalamat sa lahat na nag abang at sumuporta sa Hybrid. Eto na ang pinaka mahaba na naisulat ko so far hehe kaya maraming salamat talaga sa inyo.
Well, gusto kolang ibahagi sa lahat ang nilalaman ng kwento dahil marami ang nag tanong sakin kung saan ko daw nakuha yung plot. So ito na yun😅.
Honestly, i'm a big fan of fantasy stories, myths, legends, heroes and mostly angels. Lalo na yung movie na Constantine at Legion? Ughh! It's the bomb!! Doon ko nakuha yung idea. Matagal konang gustong gumawa nito dahil puro romcom lang ang na isulat ko kaya for a change, Why not a story of Archangels diba?
Una, para sa kaalaman ng lahat, walang Archangel na Arren ang pangalan. Kahit saang Catholic Bible pa kayo mag hanap o lihitimong library ay hinding-hindi niyo makikita si Arren doon😂. Sorry na! Pero malay niyo, biglang may mahulog na anghel jan sa bubong niyo haha. Wag niyo nang pakawalan aba!
Ang character ni Arren ay gawa mismo ng aking imagination. The only four main Archangels na totoo ay sina Michael, Gabriel, Rafael at Castiel. Baka kasi mag taka kayo. So ayus na tayo jan ha?haha
Pangalawa, tungkol naman sa mga eksena sa kwento. Mga history ng ibang characters at lugar. Well, todo research ako nun kay pareng google. Mga pictures nila ay sa google korin nakita. At ang iba ay sakin na galing lahat.
Kailangan kolang talaga lagyan ng ibang mga facts about them. Lalo na yung character si Lucifer at Samael. Hindi biro gawan sila ng sariling history kaya nag hingi ako ng tulong kay pareng google haha.
Pero the rest like ang blood moon, gates of Autom, mt. Zeon,at ang iba pang mga alagad ni Lucifer ay ginawa kona haha. Kaya kahit ako ay nagulat din dahil hindi ko alam saan galing yun haha.
Ano pa ba?uhm..yung mga lines, like may nakita akong comment at may mag pm sakin about sa mga hugot doon sa story, haha sorry pero hindi ko talag alam kung saan nanggaling yun. Sabi nila kusa nalang daw yan lumalabas pag na umpisahan muna haha! Wala po akong kinuhugutan! Inuulit ko po.. Wala!! Enebe!! I know right? 😂
At oo nga pala, may nag tanong sakin noon kung hangad ko ba na magkaroon ng maraming views or reads dito sa watty. Nako po, ito lang ang masasabi ko, ni minsan hindi ko po pinangarap na maging sikat o sumikat man or dumami man ang mag basa ng mga gawa ko. Ang importante po sakin na ma ibahagi ko sa lahat ang mga gawa ko, yun lang po, promise! Mamatay man ang aso ng kapit bahay niyo!😂 de pro seryoso yun nga yun mga idol. Hindi ko po pinipilit ang lahat para mag basa okay?! Kung nagustohan man nila, maraming salat! Kung hindi okay lang din sakin, i will appreciate your honesty haha! Kaya to be clear lang mga idol, kayo ang mga idol ko dahil kayo ang nag bibigay ng kulay sa lahat ng kwento dahil sa imahinasyon niyo.
So siguro yun lang yun. Again, salamat sa lahat ng sumuporta. Nakapag tapos nanaman ako ng isang story. Isa sa mga hindi ko makakalimutan. Salamat sa mga sumubaybay. Kahit natatagalan man ang update at hindi nawala ang mgs typo ko, pero nanjan parin kayo kaya salamat talaga ng marami. Sana sa mga future stories ko ay magkikita ulit tayo. Mabuhay po kayong lahat! God bless..
Hanggang sa muli...
Angelo

BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasyThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...