"Hahaha! Wag ka nga!!" nakatawang saad ni Nika. Pero nahalata niya na walang tumawa at lahat seryosong naka tingin sa kaniya. "Uhm.. Okay?"
"Mukha ba akong nag bibiro hija?" biglang saad ni Memphis. Seryoso ang mukha ni Memphis at halata talaga na hindi siya nag bibiro. Hindi naman naka imik si Nika kaya napa yuko nalang ito.
"Pero sandali lang Memphis." singit naman ni Michael. "Meron pa akong hindi ma intindihan, ano ang kinalaman ni Azazel dito? Baket bigla siyang nag pakita? At baket kay Bea pa?"
Lahat naman kami napa tingin kay Memphis at nag hihintay nang kaniyang isasagot.
"Hindi korin alam." yun lang ang sagot niya habang naka tingin nang derecho. Parang may na sense ako na meron pa siyang hindi sinasabi sa amin.
"Nasa kaniya ang forbiden scroll, kailangan muna na'tin makuha yun!" biglang saad naman ni Arren. "Mahihirapan kayo!" agad siyang siningitan ni Memphis at lahat naman kami nagulat kung baket mahihirapan kami mahuli si Azazel. "Kahit malaman niyo pa kung saan siya nag tatago, bago niyo pa siya mapuntahan ay siguradong naka alis na siya. Baka nakalimutan niyo, hawak niya ang oras, makikita niya lahat nang galaw niyo."
Lahat sila napa yuko. Tama nga naman, hawak ni Azazel ang oras, kaya niyang makita ang lahat na mangyayare bago pa itong mangyare. Mahihirapan nga kami dito.
"Ma'lord? Hindi ba sabi mo nag kita na kayo ni Azazel? Paano nangyare yun?" biglang tanong naman ni Isaac.
"Ilang dekada na'rin ang lumipas nang mag kros ang aming landas. Nag lalakad ako sa tabing ilog patawid nang tulay malapit lang dito sa lugar na'to. Pero panahon pa ito nang pag sakop nang mga amerikano." whhhaaat?!! So meaning ang tanda na pala talaga ni Arren!!!! Halos napa lunok ako sa kwento niya.
"Siya ang dahilan kung baket hindi na ako umalis sa lugar na'to. Sa kaniya ko nalaman na darating daw ang araw na makikita ko muli ang matagal konang hinahanap. Ang una akala ko si Samael ang ibig niyang sabihin kaya nag hintay talaga ako. Pero hindi pala..." huminto siya sa pagsasalita at agad tumingin sa akin. "All this time, na realize ko, na ikaw pala ang gusto niyang makita ko."
Na istatwa ako sa aking kinatatayu-an. Time brought us together, tadhana talaga na ipinagtagpo kaming dalawa. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na unang kaming nag kita. Ang pag save niya sa'kin. Yung everytime na kailangan ko nang tulong dumadating siya. Ngayon na iintindihan kona.
Biglang tumahimik ang buong kwarto. Lahat sila naka tingin sa aming dalawa na nag titigan. Hindi ko ma alis ang mga mata ko kay Arren at ganun din siya. Tapos napapa ngiti kaming dalawa. Parang gusto ko siyang lapitan at halikan! Jusko! Easy lang Bea! Easy lang...
"Eheerrm!!" natauhan nalang kami nang biglang napa igham si Memphis. Doon na kami napa iwas nang tingin. Jusko parang uminit ang katawan ko. Sa tingin lang ni Arren parang pinawisan na ako.. Whew! Ang intense!
"So, uhm.. That's uhm.. That's.. That's what happen. After that hindi kona siya nakita. Nagulat nalang ako nang bigla siya pumunta doon sa ospital." pa utal utal niyang sinabi. Napa ngiti naman ako nang makita siyang umiiwas nang tingin sa mga kasama niya. Nahiya siya siguro.
"Ano sa palagay mo ang gagawin namin Memphis?" tanong naman ni Michael. Ilang sandali pa, nagulat kaming lahat nang biglang tumingin siya kay Nika.
"Dito na siya papasok!" saad niya sabay turo kay Nika. "Huh?! Ako? Hala! Hindi na nga ako nag sasalita dito eh!" paliwanag naman ni Nika.
Tumayo si Memphis at may kinuhang malaking Frame na naka kabit sa dingding. Wala akong nakitang painting o ano man sa loob nang frame kundi kulay puti na background lang.

BINABASA MO ANG
"The Hybrid" (Completed)
FantasyThis is a story of a fallen angel that came down to the human world looking for revenge that lasted for countless of years. In his journey, he met this young woman that brings him memories from the past. He stayed with this girl, lurking, watching h...