Kabanata 1

8.2K 98 1
                                    

Kabanata 1

Mean It


My eyes wandered around the Villa Concepcion. There are set of pools everywhere for children and adults. The cottages are scattered on its designated place. Trees are swaying as the wind whispers violently. Nakakalat ang mga taong sabik na sabik sa paglangoy upang maibsan ang init. Bulacan is known for this kind of attraction. 

Imbes na lumangoy sa swimming pool ay mas inabala 'ko na lang ito dahil na rin sa laki ng pinagbago ng lugar.  Ayoko rin lumangoy kasi sobrang tindi ng sikat ng araw. The wind blew the warm June. I have fair complexion and I am scared that the blazing weather will give me a dark tone skin. Baka kung ano pa mangyari sa kulay ko, may pasok pa naman ako bukas dahil Lunes. Napagdesisyunan ng mga magulang ko at ng mga tito at tita ko na mag-swimming na lang kami sa Pandi—dito sa Villa Concepcion para sa birthday ko. It was late though dahil noong Tuesday pa ang birthday ko, noong June 19. My last year of being a teenager. It doesn't matter anyway.

Sobrang kapagod din ang araw 'to dahil nilipat ang lahat ng gamit ko. Madaling araw iyon, mga alas singko nag-aayos ako ng gamit ko sa bahay. From Manila, sa Bulacan na 'ko maninirahan ulit. Sampung taon na rin simula ng hindi ako dumalaw o hindi na nanatili sa probinsya talaga namin ng pamilya ko. Actually, ako lang sa mga kapatid ko ang nanatili sa Tondo dahil doon ako nag-Highschool. Si Papa kasi naaksidente siya sa pagtatrabaho noong Grade 9 ako. Apat na buwan ding na-hospital si Papa dahil sa aksidenteng iyon. Si Mama nakabantay lang kay Papa noon sa hospital. Walang mag-aalaga sa amin kaya napauwi si kuya Kit saka si Jere sa Bulacan simula noon para tumira sa dating bahay namin. Mga tita o tito ko sa parte ni Papa ang nag-akikaso sa kanila. Habang ako, nanatili sa Manila, naiwan ako sa lola ko sa side ng Mama. Sa tawag lang o kaya mga video call ko lang nakakausap sina Mama o kaya si Papa pati na rin ang mga kapatid ko. Minsan sila ang pumupunta rito sa Tondo. Ngayong namatay na ang lola ko sa side ni Mama, gusto na mga magulang ko na sa Bocaue na 'ko tumira dahil wala ng mag-aakikaso sa akin dito. Hindi na 'ko umangal. Wala rin naman akong magagawa.

Iniisip ko pa lang na Lunes napapagod na kaagad ako. Saka iba na ang byahe ko ngayon. From Bulacan to PUP Manila. Imagine ang oras ng byahe tapos may klase pa 'kong 7:30 ng umaga! Napapapikit na lamang ako ng matindi. My body felt sore all over. Kanina pa 'ko hikab ng hikab sa byahe namin papuntang Pandi. Kinakausap na nga lang ako ni Mai, pinsan ko sa parte ni Papa sa byahe kaya pinilit kong magising. I feel like this is my tenth yawn for the day!

Inaalala ko rin kung may case study ba 'kong nakalimutan sa Programming. Lalo akong inaantok ng husto sa rami ng iniisip 'ko! Ugh!

I continued to stroll on the way the bridge, underneath is the swimming pool. A while ago I was there with my cousins and uncles and aunties. Nasa sulok at sinusubukang hindi mahiya sa kanila. Right now, they are not here and probably in the pool where the waves are. I know it is not funny to think, pero kapag ang mga pinsan 'kong maliliit ay ligayang-ligaya sa pagkakalunok ng tubig sa pool! Ang haharot din kaya nakaantabay sina tita.

I cringed. Can you imagine all the unknown liquids mixed in the pool? Inalis 'ko kaagad sa isipan 'ko iyon!

Lumibot ang mata ko sa villa, sobrang init pa rin. Nakakuha na rin naman ako ng litrato namin kanina para ma-post ko sa Instagram. May solo picture na rin ako, (thanks to Mai) ang pwesto pa doon sa isang liblib ng pool! Medyo stolen pa iyon para mas maganda! Nagpaiwan si Mai saka si Julia para makakuha ng litrato. Natatakot din sila umitim ng husto katulad 'ko! Sila kanina ang kasama ko paglilibot sa Villa Concepcion. Hindi na mabibilang pa sa kamay ang mga kuha namin! Akala 'ko sa una hindi ko mapapalagayan ng loob ang mga pinsan 'kong ito dahil na rin sa taong hindi 'ko sila nakasama. Nagkamali ako...even I know I am still adjusting. 

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon