Kabanata 7

1.4K 41 3
                                    

Kabanata 7

Tulak


Ikatatlong linggo ng Hulyo, nagpapaalala pa lang ang mga propesor sa mga natitipuhan nilang final project. Nanalangin akong sana by group ang final project namin sa Programming I. Kahit doon man lang by group tapos sana kagroup ko rin si Cassie. Basta ako support sa logic o kaya documentation pero pwede na rin sa pagko-code! Kakayanin ko no! Susubukan ko rin kahit papano na mag-code ako.

Napapadalas ang alis naming mga magpipinsan kung saan-saan. Kung saang matipunan nina Mai at Julia na cafe doon ang punta namin. Sa mga pagkakataong hindi nakakasama sina Genesis saka Jace ay nagdyi-jeep lang kami dahil wala pa namang kotse sina kuya Hunter saka kuya Landon. Mayroon sina Jayden na kotse, pero hindi naman sila papayagan ng Mommy at Daddy niya na ipagamit 'to kina kuya. Kaya no choice na lang kami na maglakad o mag-jeep.

From Mai:

Sa may unicorn cafe tayo! Sa may Malolos doon! Tayo-tayo lang mga girls!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mai. Kaagad na nagtipa ng isasagot ng pasikreto dahil nagtuturo ang propesor sa harap ng pisara.

To Mai:

G! Tara!

Ilang minuto ang tinagal ng sagot ni Mai. Nauna pa si Julia sa pagbalik ng mensahe, tuwang-tuwa dahil pumayag ako.

From Julia:

si jayden g na rin daw :D

To Julia:

Ah, okay.

From Mai:

Si Genesis daw ihahatid tayo doon! Kilig si Julia! Haha

My brows met.

From Julia:

lol lakas ni jayden kay genesis

Hindi ako makasagot ng tuluyan sa mga mensahe na binibigay ng dalawa. Lalo na ng mag-text si Jayden sa akin. Minata ko ang pisara at nakitang abala pa rin ang propesor sa pagtalakay tungkol sa Binary. Halos lahat ng kaklase ko'y nakikinig...maliban na lang siguro sa akin. I am curious, how! I mean I don't care about Genesis' car. What should I care about? That Jayden convinced Genesis just like that? Duh, sana si Jace na lang kinumbinsi niya, no.

Pasikreto muli akong nagtipa ng mensahe.

To Julia, Mai, Jayden:

basta tuloy tayo kahit walang sasakyan lol

From Jayden:

bait ni genesis raziel, e :P

Napalunok ako sa text ni Jayden. Kailangan buong-buong pangalan niya sabihin?

To Jayden:

ba't iyon pa na-convince mo, dapat iyong sa isa na lang

From Jayden:

yuck.

Iyon lamang ang tanging sagot ni Jayden at sunod-sunod na ang padala nina Mai at Julia na mensahe. Kung ano-anong tungkol sa pagkain ang inani ko sa kanila. Na ani Mai, suotin niya iyong unicorn suit something. Ani Julia, iyong pagkain lang siya interested. Wala na 'kong natanggap kay Jayden na iba pa. Buong klase'y wala akong naintindihan dahil sa pag-tetext ako hanggang sa umalis din ang propesor na may iniwang quiz. Hindi naman ako nahirapan dahil medyo nag-review ako kagabi tungkol sa Binary at Decimal.

Pagkatapos 'kong mag-quiz ay naghintay na lamang ako sa labas para kay Cassie, na nag-eexam pa rin. Ani ko sa kanya'y maghihintay na lang ako sa South sa kanya. Napatango ito sa akin at pinagpatuloy ang pagsasagot.

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon