Kabanata 11

1.4K 39 1
                                    

Kabanata 11

Inis


Jayden created Julia's BDAY! group chat.

Ish Mendez:

Kayo na kumausap sa lalaking 'yon? Jayden?

Jayden Lilith Mendez:

Naks naman, Ish. Nagbago ka ng name sa Facebook.

Ish Mendez:

Oo. Basta kausapin niyo na. Ikaw na lang Jayden.

Maia Riley Mendez:

Go, Jayden!

Jayden Lilith Mendez:

Ge, ako na lang. Mabait naman si Genesis, e. I'm sure, matutuwa si Julia sa birthday niya.

Maia Riley Mendez:

Omo! Sobra! Crush na crush niya kasi si Genesis, e.

Maia Riley Mendez:

Dream come true sa kanya 'to! Aja!

Jayden Lilith Mendez:

Sure. Yamaners din 'yon.

Jayden Lilith Mendez:

Good luck sa first day, Mai.

Maia Riley Mendez:

Thanks, Jayden. Bukas ka pa? Saktong birthday ni Julia. Ilang class mo bukas?

Jayden Lilith Mendez:

Pasukan ko lang iyong isa, tapos uwi na 'ko after. Habol ako.

Maia Riley Mendez:

Aja! Kami na lang kakausap kay lola Magdalene para sa place. 'Di ba Ish? Malakas ka naman kay lola?

Ish Mendez:

Try natin. Nahihiya rin kasi ako.

Maia Riley Mendez:

Kausapin natin si Jace. >.<

Maia Riley Mendez:

OMOO!

Ish Mendez:

Try ko lang, ah. Don't expect, ah. Kailangan may plan B tayo.

Jayden Lilith Mendez:

'di yan payag dyan si lola Magdalene, ikaw pa ba, Ish?

Ish Mendez:

Hala, we'll try our best. Tulog na! May pasok pa si Mai saka ako rin pala.

Maia Riley Mendez:

Good night!!!!!

Jayden Lilith Mendez:

good night, bitches

Ish Mendez:

LOL

Pinasadahan 'ko muli ang group chat naming tatlo. Mamaya kasi pagkatapos ng klase ay diretso na 'ko sa bahay nina lola Magdalene upang magpaalam kung pwedeng mag-celebrate kami ng birthday ni Julia, bukas, August 7. Si Mai, 4:00 pa lang ay wala ng klase kaya makakauwi raw siya ng mga 4:45 or 5:00, depende sa traffic sa Malolos. Ako siguro, makakauwi ng mga 5:00, depende rin kung hindi na maghihintay ng pasahero ang RJ Express sa Monumento at umandar na pa-Bulacan. Si Jayden naging abala para sa pagbili ng cake at ilang decorations sa tulong ng ilang pinsan namin na wala pang pasok ng Monday. Ang alam ko'y si kuya Landon at kuya Kit ang kasama nito. Hiniram nila ang kotse ni kuya Garrett. Sana talaga'y natago namin ng husto ang surprise party namin para kay Julia. Hello! Sayang effort kung may kumanta na naman no!

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon