Kabanata 4

1.9K 38 1
                                    

Kabanata 4

Gift


Late na 'kong natulog ngunit ang aga ko pa ring nagising. Mag-aala-sais ng umaga nang dumilat ang aking mata. I tried to sleep again but my thoughts averted to some things. Mostly on school stuffs. Wala namang case study pero nadestino ang isip ko roon. I've been thinking if this is the right for me. I mean the course! Hindi mawala sa isipan ko ang ekwentro namin ni Genesis! Masyado akong napag-isip doon pagkatapos nang 1/3 lang ako sa quiz. Pseudo code pa naman ito...napaisip ako kung dito ba talaga ako sa path na 'to. If Computer Science is for me, or I picked the wrong course.

Kainis!

Pumikit ako upang kunin ang tulog ko ngunit tumunog ang cell ko. Katabi ko lang naman kasi iyon sa kama. Binuksan ko ito at nakita kong nag-text si kuya Kit sa akin.

From Kuya:

Ish, dalhin mo nga 'yong sapatos kong panglaro oh. Dito ako sa spak. Asap.

Umirap ako.

Kaagad akong nagtipa ng mensahe.

To Kuya:

Nek nek mo.

Ibaba ko na sana ang phone ko nang tumunog ito muli.

From Kuya:

Libre ko na two days mong net. Loadan kita. ASAP. Dali.

Napaisip ako. Pwede na siguro 'yon. Magba-bike na lang akong papuntang SPAK.

To Kuya:

K papunta na. 'Yong two days ah.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni kuya Kit.

Nagmamadali na 'kong tumayo. Nag-ayos lamang ako ng ilang mga minuto. Sayang din naman ang two-days net, no. Kuripot pa naman 'tong si kuya Kit. Siguro'y may laro ng basketball sila. Kapag seryosohan pa ang laro'y ay ginagamit pa niya talaga 'yong Kobe-Kobe niyang sapatos which is I know is hella expensive. Sabi ni Mama ay pinag-ipunan iyon ni kuya. Balita 'ko rin na sumasali siya kapag University Week.

Whatever...

Nagmamadali akong bumaba upang makapunta sa banyo at makapaghilamos na. Nag-toothbrush na rin ako pagkatapos ay humarap na sa salamin na katabi ng telebisyon. Walang tao sa sala. Mga ganitong oras gising na ang mga magulang ko. Pero kapag ganitong wala sila sa bahay ng ganito kaaga? Nagdya-jogging sila sa bukid. Bumabalik sila ng mga alas syete kasi parehas na alas otso ang pasok nila. Si Jeremiah siguro ay tulog pa. Kasabay kong nagpuyat iyon kakanood ng marathon ng TWD (The Walking Dead). Hindi na 'ko magpapalit ng damit dahil sandali lang naman ako. I put a bit powder on my face. Simpleng tee shirt at shorts na kulay berde ay ayos na! Wala na akong pakelam!

Pumanhik muli ako upang kunin ang sapatos ni kuya sa kwarto nila ni Jere. Naabutan kong tulog pa nga ang nakakabata kong kapatid. Ano pa bang maasahan 'ko sa kwarto ng dalawang 'kong kapatid na lalaki. Their bed is double-deck. Sa pwesto pa lang nitong kay kuya ay mapapangiwi ka na. Gulo ang kumot pati na rin ang mga unan. Nakakalat ang ilang libro sa mesa. I heard my brother's snore while I continuously searching for kuya's shoes. Nahanap ko ito sa ilalim ng kama at nakakahon pa. Inalis ko ito sa kahon saka plastic at nilagay sa bag. Kumuha na rin ako ng medyas at nagmamadaling bumaba. Sinarado ko ang pinto at pumunta sa likod bahay para kunin ang bisikleta. Sinukbit ko ang bag pagkatapos ay sumakay na sa bisikleta.

"Isabelle!" boses ni Mai.

Lumipad ang tingin ko sa boses na iyon. Mai's round face lit up when I saw her. Kumurba ang labi niya sa isang ngiti. I think Mai's best asset is her fuller upper lip. Siguro sa pagkuha ng litrato ay hindi siya mahihirapan sa pwesto ng labi. Sa aming magpipinsan, she has probably best curve, because of her top hour glass body type. Bagsak ang porma ng kulay kahoy na buhok.

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon