Kabanata 12
Friendly Date
Gabi pa lang prepared na 'ko ng mga bagay na pwede naming pag-usapan. Inisa-isa ko lahat iyon. Tila mas handa pa nga 'ko rito kaysa pagri-review kapag siguro mag-departamental exam o kahit ano mang pagsusulit. Ayoko namang maging awkward ang byahe namin papuntang Maginhawa. I want to be comfortable, you know. Kahit alam 'ko, iyong other self 'ko, ipapahiya 'ko ng hindi 'ko gusto. Or the universe wants me to embarrass myself in front of him! H'wag naman sana!
Kaya ngayon, akala ko ready ako sa paglabas namin ni Jace, hindi pala. I hate my awkward laugh and smile. Hindi 'ko alam kung bakit nabubulol ako. Nang madalas. When silence bled around us, kaagad 'kong kinukuha ang aking telepono sa shoulder bag parang sagutin ang mga mensahe nina Mai o Julia. They are texting me abruptly, wanting to know all the details. Si Jayden, masyadong abala at may pasok. Kaagad niyang pinatay ang usapan nang mag-usap sina Mai at Julia sa groupchat namin sa Facebook.
To Julia & Mai:
Pa-Maginhawa palang kami. Hanggang dito na lang 'to. Nag-aya lang siya dahil gusto niyang lumabas at kumain. Iyon lang. :)
Binulsa 'ko ang telepono at saktong huminto na ang jeep sa Maginhawa. Naunang bumaba si Jace upang alalayan ako pagbaba. Kaagad niyang kinuha ang kamay 'ko kasabay ng pag-alalay niya sa ulo ko upang hindi ako mauntog. Faint blush spread across my cheeks. Kaagad akong umiwas upang hindi niya iyon mapansin nang tuluyan akong makababa. I shook my head and gulped big time. His scent stayed over my shoulder. Hindi 'ko na napigilan ang mangiti nang husto nang tignan 'ko siya.
"Bakit?" usisa niya sa ekspresyon 'ko.
Umiling kaagad ako. "Wala," I breathed immediately. My eyes danced over him. Katulad ng mga pananamit niyang simple, kaswal na maroon tee-shirt at faded-jeans. Partnered with black running shoes. Napalagay ang kanyang palad sa kanyang batok habang nahihiyang ngumiti.
"Palagi ka ba sa Maginhawa?" pauna 'ko sa pag-uusap. Nagsimula kaming maglakad papunta sa paroroonan. Bounded by East Avenue and Elliptical Road is known as Teacher's Village. Ang mga lansangan sa lugar na ito ay nakapangalan sa mga moral values o kaya'y kahalagan. Katulad na lamang nitong Maginhaw, Mabait, Masambahin, etc. Napakunot ako nang usisain 'ko ang nadadaanan namin. "Bakit kaya ganito ang pangalan ng mga streets dito?" tanong 'ko. I don't know if he heard it, but I don't care. I am curious anyway.
"I am not sure either. Ang alam 'ko mayaman sa history ang QC. Like Saint Lorenzo Ruiz who founded a church here in Quezon City..." tuloy niya. Napaawang ako ng bibig nang nagbigay pa siya ng ibang impormasyon tungkol sa QC. There's no doubt he's really, really like fruitful information. "Not sure if...they had connection." Tumingin si Jace sa akin at kaagad 'kong sinara ang bibig 'ko. Umiwas ako at mabuti'y huminto kami sa tapat ng Snacks and Ladders.
I gazed the human chess board. Walang taong nakatambay roon. Hindi 'ko tuloy alam kung dito talaga ang pakay ni Jace. Lalo na ng kailangan niyang sagutin ang text sa kanya. "I think my friends are on their way here..." halos pabulong ang wika niya kasabay ng pagbilog ng aking mga mata sa gulat.
"Weh?" halos pasigaw ang reaksyon 'ko. I stepped backward a bit. Napansin niya ang bigla 'kong pag-aligaga kaya napahawak lamang siya sa aking siko upang hindi 'ko matuloy ang galaw. "Huweh?" I reacted again. "B-Bakit?"
Why do I think about my appearance? My white converse and my plaid skirt. Simple lamang ang pangtaas 'ko, isang statement shirt na nakasulat ay IDGAF. A normies favorite thing, but I don't care. I wear what I want.
And my face...do I belong here?
"Napadalaan lamang sila. I think one of them promise a treat..." kumunot ang noo niya. Hindi 'ko alam kung gusto niya ba ang pagdating nito rito? Or nasagap lang nila nandito si Jace. Tropa nga naman. Each one of the groups have their eyes on everyone. Alam minsan kung nasaan ang isa. "Sana hindi nila malaman kung nasaan tayo." His jaw tight a little. Iniwas niya ang reaksyon at nakita 'ko ang pagkunot ng noo.
BINABASA MO ANG
In Between (SC, #4)
Teen FictionBecause of a tragedy, Isabelle Mendez had to stay in her childhood's hometown. Sa hindi inaasahang pagbalik ay pagbalik din ng ilang alaala ng kanyang puso. The fragments of cheerful life with her cousins and her friends in the province. Particular...
