Kabanata 3
Gusto
First Case Study.
Tres.
Nawala ako sa mood nang malaman ko na tres ang nakuha ko sa case study. Hindi ko kasi natapos iyong pangalawa which is automatically singko na iyon. At least pasa pa rin naman kahit papaano. Nakatulog kasi ako pagkatapos ng kamustahan namin ni lola Magdalene. Hindi na nga ako nakakain ng hapunan. Mabuti na lang talaga na-uno ko iyong isa kung hindi, unang record, singko. Kaya kahapon, medyo wala ang isip ko sa klase, maghapon pa naman iyon. Wala tuloy kaming imikan ni Cassie sa buong maghapon, wala kasi akong masabi. Syempre, medyo dinamdam ko ang resulta. Slight pero matindi.
Babawi na lang ako sa susunod.
May parinig na naman kasi si Prof na may second case study kami sa Friday.
Ngayong Miyerkules, wala akong pasok. Maghapon lang ako sa kwarto, maya-maya't ang bukas ng Facebook o kaya Twitter. Nag-chat ako kay Cassandra kung may assignment ba kami para bukas. Hindi pa siya nag-rereply kaya hinihintay 'ko.
I was slightly—slightly disappointed. Akala ko may friend request na 'kong matatanggap kay Jace ngunit wala naman. Siguro'y nag-assume lang talaga na kaparehas ng mga litrato ko iyong tinitignan niya noong isang araw.
Nag-log out na ako ng kalahating oras na ang nakakain sa akin kaysa mag-advance reading sa Programming. Binasa ko pa lang iyong isang sentence sa pdf na na-download ko gusto ko ng buksan ulit ang Facebook o kaya mag-Twitter na lang.
One way to declare a function is to write a function prototype—code that describes the function.
Okay, mag-Twitter na lang ako.
I logged in and I tweeted:
Bored. #pleaseletmeloveyou #cprogramming
Kumalam ang sikmura ko at napatingin ako sa orasan sa pader. I sighed. Hindi pa rin pala ako kumakain ng tanghalian. Malalagot na naman ako kay Papa kapag nalaman niya 'to. Minsan kasi isang sumbungero din si kuya Kit at Jere, e. Parehas pa naman nagta-trabaho ang mga magulang namin. Si kuya Kit, sinusulit na ang bakasyon niya dahil sa August pa ang pasok niya. Umalis nga iyon, kaninang umaga pa. Akala ko nag-basketball kasama ang mga pinsan ko pero iba pa yata iyon. Konting oras na lang uuwi na rin si Jeremiah mula sa Taal Elementary School. Sa akin pa naman nakaatas ang pagsasaing, hindi 'ko pa nagagawa.
Hindi ko na maintindihan ang pinapagtugtog ko. I changed into One Direction's songs. Lalong lumiwanag ang buhay ko. I loved this boy band so much it hurts. Paumpisa palang sila nakasuporta na 'ko sa kanila kahit na anong mangyari. Susuporta lang ako sa kanila sa kahit anong desisyon nila. That's how I love them. I am a Harry's girl, by the way.
I mouthed the lyrics of Strong until I sang it loud.
Nawala na lang ako sa pagkanta nang bumukas ang pinto ng kwarto.
"Hoy!" ani Jere, magkasalubong ang kilay.
I pulled out the buds in my ears.
"Ano?" sagot ko, magkasalubong din ang aking kilay.
"Lakasan mo pa, ate. Mahina kasi..." He mocked, narrowing his eyes to me.
Mukhang hindi pa ito nakakapambihis ng pambahay. Naka-uniporme pa ito, puting tee shirt and naka-shorts kasama ang itim na sapatos. Nakasukbit pa ang bag nito sa balikat. He is about to say something but I interrupted him.
"Okay," I said and grinned, "wish granted."
"Wish granted mo mukha mo!" inis niyang balik. His nose scrunched in disgust.
BINABASA MO ANG
In Between (SC, #4)
Teen FictionBecause of a tragedy, Isabelle Mendez had to stay in her childhood's hometown. Sa hindi inaasahang pagbalik ay pagbalik din ng ilang alaala ng kanyang puso. The fragments of cheerful life with her cousins and her friends in the province. Particular...
